Stay or To quit?

sad2

Nitong mga nakalipas na araw ay hindi naging maganda ang takbo ng mga bagay bagay para sa akin. Oo pasensiya mga kapatid at hindi talaga ako makapagsulat. Tatlong linggo na ata yun huli ako nagsulat muli dahil medyo imbiyerna ang lolo niyo..Paumanhin naman.

Mag pipitong taon na ako sa kumpanyang ginagagalawan ko ngayon. Yes (you heard it right!). At puwede na raw ako magtayo ng rebulto. Bilang isang empleyado sa BPO industry, mangilan ngilan lang talaga ang nagtatagal ng ganito sa isang kumpanya dahil karamihan sa kanila ay hindi masikmura ang maling pamamalakad at bulok na sistema ng isang kumpanya o dili kaya hindi rin masaya sa mga kasama at taong nakapaligid sa kanila. Isa, dalawa taon, o kaya isa,, dalawang buwan lilipat na ibang kumpanya. Pero ibahin niyo ang inyong abang lingkod (ahem!). Ako yun tipo a kaya ibigay ang loyalty at marunong magpasalamat sa kumpanyang humubog ng aking bulsa ‘t pagkatao.

At sa tagal ng nilagap ko at sa pitong taong pagpupuyat, pamamalat at pagtulog ng dilat ang mata eh ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang lisanin ang kumpanyang aking pinapasukan. Pero bakit ngayon ay parang pinanghihinaan na ako ng loob at gusto ko na isuko yun karapatan pinanghahahawakan ko nuon. Parang kapag napuno na ang iyong salop ay aalisan mo na ang iyong trabaho?  

 Simple lang naman ang panuntunan at GOAL ko sa pagtatrabaho. Challenges. Opportunity. Growth. EQUALITY. Lovely and sexy officemates…Wow.  Masaya naman talaga ako sa mundong ginagalawan ko eh nagiging paulit ulit pero lahat naman ng work nagiging routinary eventually! Its up to you kung paano magiging kapanapanabik at magiging bago yung ginagawa mo araw-araw. As in lahat ng work ganyan! Kahit tingan mo pa ang work ng isang pangulo ganon din.

 May apat bagay talaga ang naguudyok sa akin kung bakit dapat pa akong mananatili.

 Una, ang aking mga ka-opisina na laging naka suporta at kasa-kasama ko sa lungkot at saya. Sa trip at badtripan. Napakalaking “factor” nila kung bakit talaga ako nagtagal ng ganitong kahabang taon. 

Pangalawa, magaan na trabaho. Ito na ata ang pinaka madaling account ang nahawakan ko. I ve been in telecom, mortgage and time share account pero ang newspaper campaign is the easiest.

 Pangatlo, convenient un location. Hindi ko na kailangan pa ng mahabang oras sa biyahe.  Sa loob ng dalawampung minuto ay makakapasok na ako.

Pang-apat, sapat na pasahod. Hindi ko masasabing kulang at hindi rin labis. Sapat lang para sa akin. Aaminin ko nuon ay nag umpisa lamang ako sa kakarampot na kita xxxx.xx pero ngayon ay nag five digits na rin yung neto ko. Ako kase yun tipong madaling makuntento basta alam kong matutugunan ko pa rin un mga pangangailangan ko.

May apat na bagay din nag uuyok sa akin bakit dapat ko na rin lisanin.

Una, hindi nagiging patas ang mga bagay bagay. True! na kahit saan ka talaga magtungo, may makikita at madarama ka na hindi na patas ang laban. Ayoko nang ilitanya pa ang buong detalye pero pakiwari ko ay ito ang aking nararamdaman.

Pangalawa, may mas magandang offer at opportunity. Mas malaking offer ang naghihintay sa ibang kumpanya. Mas magandang benepisyo mula sa night diff, meal allowance at kung ano ano pang incentives. Isama mo pa ang health insurance at separation pay.

Pangatlo, parang nagiging bulag at bingi ang mga kinauukulan. Hindi nalalayo sa ating gobyerno pero pakiramdam ko ay manhid na ata sila sa hinaing ng mga mumunting empleyadong katulad ko.

Pang-apat, lahat ng love life ko dito ay laging epic fail. Kundi naman ay nililisan ako ng mga taong napamahal na sa akin. Yung mga taong inalayan ko ng tapat na pagmamahal. save

Hayssss….Ewan ko ba, nahawa na rin ata ako sa negatibong mentalidad ng mga kapwa ko empleyado. Pero kase kahit anong pilit kong gawin at baligtarin ang isang negatibong pananaw patungo sa positibong pananaw ay parang ang hirap. Naubos na ata un positive views ko sa buhay…masyado na ata ko nilalamon ng kalungkutan(*sigh*).

 Ayon sa tropa kung lassengero ay may tatlong klase lang ng trabaho.

  1. Maliit ang sweldo pero masaya sa trabho.
  2. Malaki ang sweldo pero di masaya sa trabaho.
  3. Malaki ang sahod at masaya sa trabaho.

Dun kase ako sa pang 3 eh. (Ako na!). Chos.! Sa tutoo lang andun ako sa pang una. (Pero di ba sabi ko sa akin sapat lang). Ito lang naman ang klase ng mga manggagawa sa buong kalawakan. Anu’t anu pa mang uri ng ating ginagalawan hanap buhay ay sumesentro at umiikot lang yan sa tatlong senaryo na yan. Pero siyempre sino ba ang hindi naghahangad na magkaroon ng malaking sahod at masaya sa trabaho.

Siguro lahat naman tayo ay may kanya kanyang dahilan kung bakit tayo nagpapatuloy sa isang bagay na minsan ay mabigat na para sa atin. Pero kailangan eh. Is it’s time to grow ang take bigger challenges? I-next level mo na ang buhay mo. Wala kasing point ang pag-stay sa isang work kung sa tingin mo hindi ka magiging masaya. Anu’t ano pa man nasa sa akin pa rin ang desisyon kung magpapatuloy pa ba ako. I just need some time to think about it again…..ajah! 

18 thoughts on “Stay or To quit?

  1. kaya mo yan myr.. pag-isipan mong mabuti.. hindi ko sasabihin sa iyo kung ano ang piliin mo, pero ang pwede ko lang ibahagi sa iyo ay “kung saan ka masaya, suportahan ta ka..” ehehehehe.. dumaan na rin ako sa ganyan.. pero ikaw na.. 7 years? ako nga 5 years lang eh.. eheheheh goodluck pre!

  2. kung minsan kapag may nawala, may papalit na bago. basta daanin sa taimtim na pagdarasal at nasisigurong kasaguta’y ihahatid ng walang pag-aalinlangan. (novena prayer epektibo, suhestiyon ni cup) 🙂

    • helo. Good..well marami naman company talaga na subok na. Payo ko lang make sure hindi mga “fly by night” yun aaplyan mo dapat mga kilala or may pangalan na talaga. Some of the names well, Teleperformance, Convergys, Sitel, Teluz, at marami pa. Its up to you naman maraming choices, pero siempre kelangan makapasa ka sa screening. I know kaya mo yan..Balitaan mo ko ha…Goodluck!

Mag-iwan ng tugon sa Ang Tambay na si MyR Pindutin ito para bawiin ang tugon.