Word War kame ni Boyfie

q

Dear Boi,

Katulad ni Miggy na inilathala niyo nung nakaraang linngo ay mayroon po sana akong munting hinaing na sana ay mabigyan mo rin ako ng kaunting maipapayo. Matagal tagal ko na rin sinusundan ang ilan mong mga panulat sa blogsite mo kaya naniwala ako na kahit papaano ay mapagsasabihan niyo po ako sa king munting problema. Tawagin mo na lang akong Charmie 24 years old working as private nurse sa isang exclusive hospitals here in Metro Manila. I have this boyfriend name Jordan. We’ve been in a relationship for almost 6 months at simula ng naging kame ay napapadalas ang aming pag-aaway.

I understand that its always part of the relationship, arguments and misunderstanding pero kase minsan hindi ko na alam ang dapat kung gawin sa tuwing kami ay laging mag-aaway or magtatalo. Paki assist naman po..Maybe natatakot lang ako mauwi sa wala or hiwalaya ang aming pagsasama.. Please advise.

 

Nabubulyawan,

Charmie.

****************************************************************************************************

Hi Charmie! Ang sweet naman ng pangalan mo so I think hindi ikaw yung tipo na babae na di dapat inaaway. Before I proceed, thank you for allowing me this opportunity at isa ka rin sa mga nagtiwala na mabigyan ng kaunting payo. May bayad ito ha, ihulog mo na lang sa account ko. Actually, sa mga kaibigan ko lang ito ginagawa pero bilang masugid na tagabasa ng aking blogsite sige papayuhan kita ng libre. Pa kiss muna!😉

May mga simple steps lang ako pwedeng masabi sa iyo sa tuwing kayo ay mag-aaway. Hindi man maiwasan at least ma “pacify” kahit papaano.

– Always minimize your tone. 

Walang mangyayare kung parehas lang kayo magtataas ng boses. Hindi ikaw si Zsa Zsa Padilla at hindi naman siya si Martin para mag duet sa palakasan ng boses. Kung parehas kayong sisigaw, hindi lang kayo magkakaintindihan. Walang solusyon na magaganap. Subukan mong dumistansiya ng bahagya sa kanya, hindi un lalapit ka pa sa mukha niya na parang mega phone. Huminga ng malalim at namnamin ang amoy ng hininga niya  lamig ng hangin. Take a deep breath. I-absorb mo ang lahat ng oxygen, nitrogen, carbon monoxide, carbon dioxide at lahat ng elements sa periodic table. Mas nakakagaan yan.

– Take your time para pakinggan yung side niya,

Hayaan mo siya magsalita ng magsalita hanggat magsawa siya. I’m sure pag natapos na siya mag reason out titigil din yan. Don’t interrupt hanggat di pa siya tapos. Wala kayo sa fliptop battle o kaya sa Senate hearing so try to listen up. Hindi rin makabubuti kung lagi niyo sinasabi sa isat isa ang walang kamatayang katagang “Ikaw na lang lagi tama. Ako laging mali.” Hindi niyo ma realize ang mga pagkakamali ng ninyo pag ganyan. Promise!

Kapag alam mong galit siya, yung tipong umuusok ang ilong niya sa galit hayaan mong sabihin niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Wag mong pigilan. Mas makakabuting ilabas niya lahat yung totoong nararamdaman niya kesa kimkimin na lang o sa ibang tao siya magsabi. Mas totoo ang kanyang sasabihin.

sorry po

Kapag napagtanto mo na ikaw ang nagkamali at may mali din siya, unahan mo na lang magsorry at wag ng maghintayan pa. Di na uso yun Bru! Hindi naman nakakahiya kung minsan try din nating lunukin ang pride. Hindi puro sperm lang. Keri lang yun Charm!  Mag ‘Chichay Mode’. Tapos sabihing  “Sooorryyy pooooo.” with conviction.

Alam mo kung mahalaga sayo yung tao, kahit sino pa may kasalanan at kahit ano pa ginawa niya, magso-sorry ka talaga eh. Or the other way around. Hindi na mahalaga yung nangyare. Mas iisipin mo pa yung tao kesa sa nangyare. Tandaan mo ang pride sa damit panlaba lang yan. Huwag na huwag mong hayaang matapos ang araw na hindi kayo magkabati, wag sanaying matulog ng magkagalit. Ikaw rin baka paggising mo wala na siya. Siyempre di mo hahayaan yun……😉

Sana nakatulong. Salamat.

-Boi-

 

11 thoughts on “Word War kame ni Boyfie

  1. OMG! Dear Boi at sayo na rin Charmie, Hindi ako makatiiis na Hindi mag comment. Naku po! Bakit ba kelangan na ang babae pa sweet at mag sorry po Kung wala ka naman kasalanan? Sensya na if. I will write in English kasi auto correct Itong gamit ko ko. Yung sensya nagging sensual.

    So, so first, a healthy relationship is based on respect and if you respect each other why would you always argue. Ok, argue if you must but it must be done in such a way that it is not away, just airing each side of the arguments. If you will only make away always, it means you do not not have to be in that relationship. Boi, what makes you think she is blind not to see the faults and would stay in that relationship.

    If arguments turn sour resulting to abusive words that is a manifestation that you are in a wrong relationship. I know a lot of real men who will not subject another person to abuse. Verbal and emotional abuse is punishable under RA 9262 and if such acts constitute a criminal act then it is certainly wrong and must not be tolerated. The cycle of violence starts with words then followed by mild action, tapik Lang then sampal, suntok and in extreme cases ends in murder. Since there is a dating relationship (boyfriend for 6 months) then the provision of the anti-violence against women and their children act applies in this case.

    Study shows that abusive people were either abused as a child or saw their mothers being abused by their father, in such a case he is also a victim and needs to be treated, other wise he will continue abusing his partner thinking it is right.

    This is the same for men and women, I do not know the story of Charmie and Jordan super short kasi naka sulat and the context I am thinking may be wrong, but there are also stories of men being abused by their partner. There is equality in the treatment of men and women since both of them are human with human rights, although the law gave special protection for women. In case the men needs relief, check the provisions of the Family Code, it is explicitly stated there.

    Sumakit ang puso ko, men and women have equal rights and bf/gf should respect each other not make away, tama ba Myr?
    Pag mahal mo ang isang Tao, di mo aawayin, you would find solution to your disagreements but not away. Kung ganon din Lang, humanap ng iba. There are many fishes in the ocean, wag Lang si Nemo.🙂

    • Thank you so much for your feedback sjanima. I really appreciate it. Im not saying na all the time is the girl ang dapat humingi ng paumanhin. Na notice mo naman na medyo short un story niya medyo sinamarize lang niya na most of the time na nagiging “word war nga sila ng bf niya. Ni hindi nga nabanggit kung sino sa kanila ang may kasalanan. Kaya nga ang mga nasabi ko na lang din is on how to pacify yung given situation. Yun tipong hindi na lalaki pa ang gulo mas lalong mahirap un.
      Women are not oblige to say sorry all the time what im trying to imply is sana may kusa ang isa sa kanilang dalawa at kung hindi man sana si lalake eh si babae na lang sana😉 Its really true na relationship became un healthy kapag napapadalas talaga ang pag-aaway so para hindi maging worse one of them should make a move. But anyways, thank you for sharing your opinions and thought…have a great day ahead! 

  2. Naku Myr. Tuktukan kita dyan. Hindi ko babaliktarin ang mundo at babae ang lalambing o susuyo KUNG DI niya kasalanan. Pag ginawa ko iyon, isa lang ang ibig sabihin: binobola ko lang ang partner ko kasi “wala naman talaga ako pakialam sa kanya”. The “suyo” part is like a “panakip-butas” para wala na masyadong argumento. OR, the dreaded part is, preliminary para iwan ko na iyon para nga naman at the end, he will not blame me over small things. Reverse psychology, ika nga. The core thing is: RESPECT. Bakit mo bubulyawan ang partner mo if you respect him/her? This goes to both sexes. Second is: be sensitive to what your partner feels. In that way, you will choose whatever words you will say to him/her.

    BUT I DON’T AGREE WITH YOUR LETTER SENDER NA NORMAL ANG MAG-ARGUE SA MAGKAPARTNER. Six months pa lang sila. This shows na hindi healthy ang relationship nila. How much more if they end up together as real couple? Nakakatakot. Dapat nga yung 6 months na ‘yan pa-tweetums pa sila, kasi baby relationship pa yan. And don’t tell me nasa adjustment period pa lang sila. Walang adjustment-adjustment period sa relationship. Kung pati maliliit na bagay pinag-aawayan nila, mag-isip sila pareho. Baka the only reason why they stay is because of “fear” of being alone, naku tsong, braket lang ng edad ang nagpapatakot sa kanila at pressure ng society.

    • Iska- Di ko naman sinabing lambingin niyo all the time, ang sa akin lang kung may isa sana ang magkukusa para hindi na lumala pa. Yung letter sender ko kase, siguro windang to ng sinend niya sa kin kaya unjustefiable un stories niya. I totally respect ur opionion about. Siguro nga masyado pang hinog for 6 monts un relationship nila, well im sure mababasa niya lahat ng comment niyo rito and will totally learn from u people. Enjoy your weekend guys..Thanks for sharing😉

      • naku Myr, mukhang female bloggers ang mga nag comment dito hahahaha. naku wala kaming balak i-stress ka ha. hahahaha. pero pabasa mo nga sa kanya comment ko😉 (singilin mo si worshipwarriorbride ng icecream)

  3. hello, Myr… nakabati na ba me sa ‘yo, kapatid? o, basta, happy new year! may 2014 be better.🙂 hala, parang marami letter-senders mo, kakatuwa… ayon, pag love, di parating inaaway. hindi mahirap mag-patch up ng gusot sa nagmamahalan, ayiii.😉

      • hello, Ms. S… ahaha, may gano’ng tanong.🙂 ang ibig ko pong sabihin, di dapat parating inaaway ni guy ang babae. not iindahin ang pagiging quarrelsome ni guy. actually, madi-detect naman along the way, if the guy is insecure and parating pinagbubuntunan ng inis and frustrations ang girlfriend or asawa, di ba ho? if the case is the latter, better go separate ways…

    • nabati mo na ako. o sige hapy new year ulit. ate san nagulat din ako may 6 pa ako sa inbbox na di ko pa nasasagot..rereplyan ko nga at sabihin paki buo ang story nila😉 anyways ur right ate san dat everything shud be patch up para di mauwe sa wala😉 haave a great weekend

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s