Ok bang maging kaibigan si EX?

ex

Dear Boi,

Hey Boi.. Whats up? It’s me Rachel, yung lagi mo kachokaran sa may parking area during your lunch. Nagulat ka ba at sumulat ako sayo? Di mo alam na isa ako sa mga stalker ng blog mo (hahaha).  I just recently received the news that you have already resigned na raw. Kaya pala hindi na kita nakikita wala na tuloy akong napagsasabihan. I’ve tried to text you but it seems you are too busy to reply, kaya nag offline message ako dito.

I just want to ask your opinion about my ex-boyfriend. Remember Jarred?, he is my long time partner for 3 years.  Akala ko siya na talaga yung makakasama ko for the rest life. Then, like other love stories, we broke up. I dont want to tell you in details the exact reason why we broke up but in time ikukuwento ko syo. Masakit but I have to accept it. Wala namang pagsisi on both parties kase may formal closure naman ng maghiwalay kame. But, what makes me bother ngayon is that gusto niya pa rin makipagkaibigan after what happened to us. I dunno know how boi. Is it ok to make friends with him after ng mga nangyare?

Boi please reply, Im looking forward to your advices. Katulad ng mga sinasabi mo nuon. At sana makapagkape naman tayo pag may time ka.🙂

Till then Rachel.

==========================================================================

Rachel,

– Hello Rachel ! Natuwa naman ako at naalala mo pa rin ako kahit hanggang dito minemensahe mo pa rin ako.  Pasensiya kung medyo nahuli ang aking pagsagot dahil busy lang talaga ako sa mga tapings at shootings. Lilinawin ko lang sa inyo na hindi totoo un chismis na nag migrate ako sa Amerika para mag shoot sa isang Hollywood film. Mahal ko pa rin ang ating local industry at hindi ako titigil sa paggawa ng mga indie film. Pasensiya na rin kung di ako nakapagpagpaalam sa iyo ng mag resign ako. Alam ko naman na malaki ang panghihinayang mo at isa na namang magandang lalake ang mawawala sa office. For sure, maraming employee ang tatamarin na pumasok dahil di na nila ako nakikita. Ako man din ay nalulungkot din pero kelangan ko talaga i push ang showbiz carreer.

I remember Jarred. Yung mukhang espasol parati un mukha akala mo mauubusan ng johnsons baby powder. Yung guy na  building ang noze at laging naka baby body fit na damit.. Yeah! tanda ka po siya yung guy na lamang sa kin ng dalawang push ups. Feel sorry kung nagkahiwalay din kayo. For that, mapopormahan na rin kita😉

Going back to your question….

Hmmmm….Seriously.

I dont really know what his really intention kung bakit gusto pa niya makipagkaibigan. Iba’t iba kaseng rason yan eh. It might be possible na maaring nanghihinayang din siya sa mahabang panahon ng inyong pagsasama so as a “consolation” he decided to keep the friendship. For me, mahirap din kase itapon ang lahat ng mga pinagsamahan ninyo before. Hindi talaga ganon kadali isawalang bahala ang mga bagay-bagay na pinahalagahan din ninyo ng mahabang panahon.

But if you are going to asked me if its Ok to make friends with Him? I should say it really depends. I have a different status with my ex also. I have this one that until now my communication pa rin kame. Meron naman isa na naging mas naging close kame at mas naging maayos ang lahat ng maging magkaibigan na lang kame. Meron din na iniiwasan ko na as in dedma lahat ng text at messages sa facebook. Meron din naman na kinakaibigan ko kase hoping ako na maiinlove siya ulit sa akin. 

Oo hindi madali ang maging kaibigan si EX after ng isang malaking hearthache. Bago mangyare ang lahat ng ito ay dadaan ka sa isang napakahabang process. Hindi naman yan na pagkatapos ng napakasakit ng pangyayare eh kinabukasan magiging Okay na ang lahat sa inyong dalawa. Of course bago mo siya maging kaibigan ulit, bulto-bultong luha ang dapat mo munang pakawalan at katakot-takot na acceptance ang dapat mong gawin.

Pero kase depende pa rin sa level of gravity ng nararamdaman mo pa rin para sa kanya. Its either you still love the person or you are still trying to love him also as a friend na lang. Ano pa ba ang nararamdaman mo sa kanya? Yun totoo lang ha. Kung sa tingin mo ang pakikipagkaibigan muli sa kanya ang makapagpapawi sa iyo sa isang napakasamang bangungot eh di well then and fine. Pero kung sa tingin mo ay ito naman ang magiging pabigat na habambuhay mong dadalhin habang kaibigan mo siya eh mabuti pang itigil mo na ang kahibangang ito.

Sa totoo lang, ikaw lang din ang makakasagot sa sarili mo kung ok pa rin ba makipagkaibigan sa kanya. Kailangan mo lang siguro magrelax, magmuni-muni, umupo sa isang sulok, tumambling sideways at pakinggan ang dinidikta ng iyong puso. Just listen to the thoughts and feelings that flow up from deep within you gurl. Maari kang makarinig ng ibat ibang opinyon mula sa iba pang kaibigan but only YOU can know the truth of your heart. 

So goodluck at balitaan mo na lang ako. Dont you worry, kapag may time we could have some small talks with a cup of coffee. Kapag open na ang sched ko ulit….😉

Hanggang sa muli.

-Boi-

11 thoughts on “Ok bang maging kaibigan si EX?

  1. Hi boi..salamat sa iyong napakatinding payo..da best ka talaga!… itext na lang kita dami ko pa sana sasabihin kaso i send it in private..Thankies much..bawe ako syo ..mwuah! Rachie😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s