Dear Bagyong Yolanda

 

                Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Deretsahan na! WALA KANG INIWANG MAGANDA! MABUTI AT LUMAYAS KA NA RIN…Sagad sagad ang galit  ko sayo. Wag mo nang itanong kung bakit sukdulan ang pagkamuhi ko sayo. Gusto mo malaman kung bakit?

yoly

yo3

Masyado kang pasikat.

                                – Hindi ka pa nakuntento sa signal number 3 at ginawa mo pang number 4. Pwede naman hindi dumaan sa Pinas. Pwede ka naman lumihis o kaya umakyat pataas ng dagat Pasipiko pero nag effort ka talagang dumaan.  Pasiklab ka sa lakas ng hangin mo at ulan, hindi ka pa nakuntento at isinama mo pa si “Storm Surge”. Pwede naman na ikaw na lang pero  bakit nagsama ka pa?  Pwede naman sa dagat ka na lang magpaikot-ikot pero nagpatama ka pa sa lupa. Anong akala niyo sa Pilipinas may party?

Masyado kang mahangin.

                                 – Biruin mong 314kph ang dala mong hangin.  Ayaw mo ring paawat at dinaig mo pa si Rosing at hindi ka rin patatalo sa imported dahil nahigitan mo si Huriicane Katrina. All time high ka. Sige ikaw na ang “strongest tropical cyclone” na nagland fall sa kasaysayan ng mundo. At dahil sa lakas ng hangin mo ay taglay mo rin ang dami ng ulan. Hindi na namin kailangan ng tubig mo pero sandamakmak ang iyong ibinuga. Bakit hindi ka nalang dumating nuong El Nino, mas kelangan namin ang tubig nun for sure mapupuno mo ang mga dam.

Masyado ka ring papansin.

                                    – Agaw eksena ka. Kung kailan mainit ang isyu namin tungkol sa kurakot na si “Napoles” eh bigla kang sisingit. Masyado mong nilalansi ang mga tao. Mula twitter, facebook, yahoo, tumbler, google, slambook at sa mga suking tindahan puros pangalan mo ang nakalagay. Wag ganon Yolly at baka makalimutan na namin si Napoles.

Higit sa lahat wala kang puso.

                                    – Hindi lang mga ari-arian ang winasak mo kundi ang mga buhay at pangarap ng sambayanang Pilipino. Puwede naman dumaan lang pero nagsama ka pa ng mga taong walang kalaban laban. Bakit mo kailangan mangdamay ng iba? Pwede mo naman piliin? Bakit hindi ang mga korap na opisyal at mga buwitreng masasamang loob ang kinuha mo. Pati mga walang mga malay ay idinamay mo.

Kalunos-lunos, kahindik-hindik ang sinapit ng aming mga kababayan. Oo sa makaulit na milyong beses ay muli na namang nakipagbuno at nakipagtuos ang sambayanang Pilipino kay Inang Kalikasan. Pero tandaann mo ito at sabihin mo sa mga kapatid mong bagyo na darating pa sa susunod na panahon. Yanigin man muli ang lupa at bayuhin man muli kami ng maraming bagyong Yolanda, ika nga ni Pareng Chito Miranda….

Hindi Niyo Kami Matitinag !!!”….

water

7 thoughts on “Dear Bagyong Yolanda

  1. Hindi talaga tayo patitinag mga Pinoy. “The indomitable human spirit at its finest,” ika nga ni CNN. Mabuti na lang at nilisan na tayo ni Yolanda. Yun nga lang, grabe ang iniwan niyang perwisyo. Hatest name na ata ngayon ang pangalang ‘Yolanda’. hehehe.

  2. tama , hindi mo kami matitinag kahit anong mangyari. magandang gabi Myr. tingin na kailangan na talaga nating mag-adapt sa mga pagbabago ng kalikasan dahil ang dati ay malaki na ang pinagbago sa ngayon, mas maraming mas ngayon kesa noon. mas malalakas, mas matitindi, mas kalunos-lunos saanmang aspeto.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s