Regalo sa mga Sikat…

At sa tuwing paparating ang panahon ng Kapaskuhan ay hindi nawawala ang bigayan ng aginaldo. Dahil inihahanda ko na ang perang ipamumudmod at ampaw na walang laman  sa mga inaanak ko siyempre hindi ko rin dapat kalimutan handugan ng kahit mumunting regalo ang mga sikat na personalidad sa ating lipunan. Hindi na kailangan ng magarbo at mamahalin dahil sa antas ng kanilang pamumuhay nakatitiyak akong afford nilang bumili.

Kung may pagkakataon ang mga sumusunod na bagay ang ibibigay ko sa kanila.

pizap.com10.412221952807158231386819830396

Para kay:

1. Presidente Noy-Noy Aquino – “kutsilyo” para makatay na niya ang pork.

2. Bise Presidente Jejomar Binay – “vacuum cleaner” dahil ayokong nasasabihan siya na “trapo”.

3. Mayor Erap Estrada – “wrist band” dahil sa pagpapawisan lalo sa sangkatutak na problema ng Maynila.

4. Janet Napoles – “encyclopedia” para magkaroon naman siya ng alam. Pwede rin memory enhancer para bumalik ang                                          alaala.

5.Benhur Luy- “pito” dahil mahusay siyang whistle blower.

6. BIR Commisioner Kim Henares- “eye glasses” para mas makita niya yung ibang taong hindi marunong magbayad ng                                                                       tamang  buwis.

7. Pambansang Kamao Manny Pacquiao – “rosaryo” para magtuloy tuloy na ulit ang kanyang panalo.

8. Sen. Miriam Defensor Santiago- “blood pressure” para hindi lagi nagtataas ng boses sa Senado.

9. Sen. Juan Ponce Enrile- “mani” gusto ko happy siya.

10. Ka Freddie Aguilar – “gitara ” para may bago siyang patutugtugin sa kanyang magiging bagong ” Anak “.

11. Willie Revillame – “jacket” para di siya lamigin minsan sa mga sinasabi niya minsan.

12. Kris Aquino – “love books” para maging matagumpay naman siya sa buhay pag-ibig.

13. Sarah Geronimo – “ slam book ” baka akala niya teens pa siya. Para malaman ko ang mga “likes at dislikes” niya.

14. Anne Curtis – “alcohol meter” para malaman niya ang ibig sabihin ng drink moderately.

15. Coco Martin- “mug” para mas yummy ang pag-inom niya ng kape.

16. Honesto – “neozep” para hindi namamaga ang ilong pag nagsinungaling.

17. Kathryn Bernardo- “magic lamp” para she got to believe in magic.

18. Daniel Padilla – nasa kanya na ang lahat.

Sa ngayon, sila pa lang muna ang naiisip ko. Sa susunod na lang yung iba ;-)…. Maligayang Pasko sa inyo !!!

4 thoughts on “Regalo sa mga Sikat…

  1. hello, myr… salamat sa pagdaan at sa iniwang good and kind words. appreciate them, kapatid. wala pa ring gaanong time para tsumika, pasensya na… dumaan lang para bumati – Sana ay mas masaya at masagana ang bagong taon para sa ‘yo. sana ay mas marami kang masulat. hugs…🙂

    • hellow ate san..walang anuman. naiintindihan ko kung gaano ka ka busy this holiday season..maligayang bagong taon syo. naniwala ako kapag may oras makapagsusulat ka uli. ako man din ay di msyado makapagsulat. more power and stay happy ate san..salamat sa isa na namang taon😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s