Bakit mas marami tayong naisusulat kapag malungkot?

writhings1

Bakit ba tila mas marami tayong naisusulat kapag tayo ay nasasadlak sa kalungkutan, problemado o talunang puso keysa sa panahong masaya tayo?

Bigla ko lang naitanong sa aking sarili. Napansin ko rin dito sa sarili kong pahina na halos mas marami ang kategorya ko na mga temang malungkot kung ikukumpara ko sa mga masasayang kwento ng aking buhay. May temang samu’t sari, inspirason, buhay pag-ibig pero hindi nalalayo ang bilang ng mga naisulat ko na malungkot.

Ganito ba talaga yun? Kapag nalulungkot tayo o dili kaya’y sawi ang ating puso, mas malalim ang pinanghuhugutan. Dahil sa sobrang bigat ng emosyon na nagkukubli sa ating sarili ay mas marami tayong nasasabi at naisusulat. Mas nagiging madali ba sa ating isiwalat ang mga nagsusumidhing damdamin. Dito sa blogasperyo o mundo ng pagsusulat mas nagiging hingahan natin at mas madalas ay labasan ng ating mga nararamdaman. Sa panahon ng ating labis na kalungkutan mas mainam na sandali ito para ilabas ang mga nagpupumiglas na salita, mga nagpupuyos na damdamin at mga nag-aalab na mga panitik. Mas may laman, mas siksik at mas may puso ang bawat panulat. Kasabay ng paggalaw ng mga pluma o pagtaripa ng mga daliri ay patuloy na umaagos at tumatangis ang bawat silakbo mula sa ating puso. Mas marami tayong nasasabi at naibabahagi. Mas may diin at lalim.

Kung ikukumpara sa panahong tayo ay masaya. Hindi natin masyado lubusang maipaliwanag ang labis na kasayahan dahil ang alam lang natin masaya tayo. Ganun. Yung tipong ang kagalakan na ating nadarama sa panahong tayo ay masaya mas isinasarili na lang natin at hindi na kailangan isulat o ibahagi pa. Kasi nga masaya na tayo. Yun lang.

Kaya siguro talaga mas marami tayong naibabahagi o naisusulat kapag mabigat ang ating nadarama dahil mas gusto na natin ilabas ang naipong sakit at pighati dahil aapaw lang ito kapag patuloy tayong magkikimkim. Ayaw na nating umawas pa ang bigat na dinadala. Kung minsan ang mga pirasong papel at pluma ang nakikisimpatiya sa atin, at sa mga panahong itoay nagiging daan sa atin na ang pagsusulat ay mabisang lunas upang mapagaan ang silakbo na ating nadarama. Ganon lang siguro…Haysss…

Isang mainit na araw ng pagbati sa inyo mga kapatid…!!!

12 thoughts on “Bakit mas marami tayong naisusulat kapag malungkot?

    • Tama ka jan gurl. Walang inda niya pakikinggan lahat ng ating pagsusumamo. Gusto ko yun sinabi mo na “hindi tayo huhusgahan sa ating mga pagkakamali”….di ba? kumpara kapag nag vent out ka sa mga kaibigan mo eh halos lahat ng mura at pagkakamali ay naisisi na sa iyo.. salamat sa pagdaan enjoy your day😉

      • kaya kung minsan mas masarap kausapin ang computer at mga taong di mo kilala dahil hindi tayo nahuhusgahan.. wala ung pamilyar a salitang, “sinabi ko na kasi sa iyo eh. Tigas ng ulo mo di ka nakikinig.”

        gandang araw di sa iyo!.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s