A Letter to my future wife

wife2

Sa mga oras na tumataripa ang aking mga daliri ay iniisip ko kung ako nga ba ay naiisip mo rin, kung ako ba ay magugustuhan mo, kung iniisip mo rin ba kung anong nagiging balakid sa atin at ang tagal tagal nating hindi magkatagpo.  Tatlong dekada na ang inilagi ko sa mundong ibabaw ngunit magpa hanggang ngayon ay hindi nawawalan ng pag-asa na magkukrus din ang ating mga landas.  Walang araw na hindi ako mag-asam, mangarap at maging sa panaginip ay hinagap ka na makikilala rin kita. Nakatutuwang isipin kung paano tayo pagtatagpuin. Kung katulad din ba ito ng mga romantikong palabas na tumabo sa takilya? O hindi kaya’y posible na buong buhay na pala kitang kakilala pero hindi mo pa napagtanto na tayo pala ang para sa isa’t isa? Sana andirito ka lamang sa aking tabi dahil ikaw lang ang may tangan ng kasagutan sa aking lahat ng katanungan.

Minsan tinatanong ko ang aking sarili kung alam ko pa ba ang ibig sabihin ng “pag-ibig”. Alam kong kahit kailan ay hindi ko lubos na mauunawaan ang bagay na ito hanggat hindi natin nahahanap ang taong karapat dapat sa atin. At habang hindi pa kita natatagpuan, siguro nga ay hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng pagmamahal. Hindi mo lang alam kung gaano ko pinapangarap ang pakiramdam na makadantay sa iyong mga bisig.  Ang mainit nating mailapat ang ating mga kamay. Ang makaniig ka sa tuwing pagsapit ng malamig na gabi. Ang matamis na pagdampi ng iyong mga labi. Ang mariing sabihin na hindi natin iiwan ang isa’t isa. Lahat ng ito ay patuloy na naglalaro sa aking isipan. Hindi man ako nakatitiyak ngunit malimit kong dinadalangin sa Diyos na tulungan Niya akong makilala ka sa takdang panahon.

 Lahat ng sakit sa mga nakalipas na panahon at lahat ng hinagpis, pagluha at pagtangis simula ng ikaw ay simulang hanapin, gusto kong malaman mo na nakakakuha pa rin ako ng ibayong lakas at katatagan ng loob na may maganda at masayang buhay ang naghihintay para sa akin. Ang mabuhay ng IKAW ang kasama.

Sa aking isipan at kaibuturan ng aking puso, iniisip ko ngayon kung kung ikaw ba ay nasa labis na pagkabalisa, kalungkutan at kapighatian. Kung ikaw ba ngayon ay nasasaktan at nahihirapan sa iyong paglalakbay. Pero mahal ko, huwag na huwag ka sanang bibitiw dahil andirito lang ako, matiyagang maghihintay sa iyo. Nakatitiyak ako na kapag nagkasama na tayo, marahan kong gagamutin at ang sugat ay patuloy na maghihilom ng aking pagmamahal.

Sa pagsapit ng takipsilim, nakadungaw sa king bintana habang nakatingala at minamasdan ang mga tala sa kalangitan, sana ikaw rin ay ganon din at iniisip mo rin sana ako. At sa tuwing dumarating sa punto na nawawalan na ng pag-asa, pinipikit ko ang aking mga mata at nananalig sa iyong pagdating. At maging sa aking mahimbing na pagkakatulog ay ikaw lang ang tanging laman ng aking isip hanggang sa panaginip. Wala kang lugar na paglagyan upang sabihin ko sa iyo kung gaano kita minamahal at hinihintay.

Pansamantala, pakaalagaan mong mabuti ang iyong sarili para lang sa akin. Manalig ka sa ating pangarap at huwag kang bibitiw. Magtiwala ka iyong puso na tayo’y pagtatagpuin ano’t ano pa man ang mangyari. Inihanda na ng Diyos ang daan at nasa sa atin na iyon kung paano natin siya tatahakin. Huwag kang mag-alala at huwag kang matakot na maligaw.

Magiliw pa rin akong maghihintay at handang alayan ka ng wagas na pagmamahal…

 

Your future husband,

Myr🙂

 

20 thoughts on “A Letter to my future wife

  1. Awww ! That is soooo sweet !
    Oh, man, how I wish there was some guy thinking the same way about me. * sniff * Lucky is the girl who will finally meet you , Myr. And I mean that. You are a rare breed.

  2. eloww… ei, salamat sa pagdaan dpsa.🙂 ay, baka tumatawid pa siya ng bundok, ilog at mga lambak, kapatid. pero feeling ko, makakaabot yon at darating sa iyo bago mag 2016 election, ahihi. by then, para kayong tumama sa lotto, ahihi…😉 ay, ang hopelessly romantic, magaling sa hintayan. cheers!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s