Taken na siya?

12

Dear Kuya Myr,

First of all I just want to greet you a Happy New Year! Thank you for considering this letter of mine. I’m Miguel from Tondo and 31 years of age. I’m an avid follower of your blog site for quite some time now. I have read all of your posts here and most of your advises and writings are truly amazing….

Kuya, tatagalugin ko na ha kase limited lang sa isang paragraph ang ingles ko eh. Trying hard konyo kase ako ng Tondo. Naglakas loob na akong sumangguni sa iyo dahil ayaw akong paniwalaan ng mga kumpare ko. Wala silang matinong maipayo sa kin kaya naniwala ako sayo.  Mabalik nga pala ako ulit sa problema ko.  Nagtatrabaho ako sa isang accounting firm sa may Makati. May ka opisina ako at itago natin siya sa pangalang Laida. Hindi ko na talaga maitago ang aking nararamdaman at mukhang tinamaan ako sa kanya. Mabait, responsable, matalino, malikhain, mapagmahal, malambing at higit sa lahat seksi at maganda.

Araw-araw kami magkasama. Mula pagpasok, lunch hanggang sa pag-uwi. Lagi kaming magkatabi sa opisina. Magkatext at parati siyang may iniiwang mushy notes sa table ko sa tuwing naka day-off ako. Madalas kami laging nagkukulitan, nagkakantahan at nagtatawanan. Dama ko ang kakaibang kasiyahan kapag kami lang dalawa.

Hanggat isang araw, nakita kong hinatid siya ng lalaking naka motorsiklo at marahang iniabot sa kanya ang bulaklak. Mukhang nagsusumamo un lalaki o parang sinusuyo. Masakit kuya! Para akong binanlian ng kumuklong tubig. Hindi ko alam kung asawa niya yun pero ayon sa nasagap ko ay boyfriend niya un for 1 and half years. Masakit talaga! Isang malaking torture sa akin to habang sinusulat ko to sayo. Ramdam mo ba?

Alam kong mali itong nararamadaman ko para sa kanya pero parang may nag uudyok sa kin na ipagpatuloy ko ang lihim kong pagtingin. Gusto ko ng magtapat. Gusto ko na sabihin na mahal ko siya. Na akin na lang sana siya. Yung feeling na parang may chance.  Di naman ako manhid. Yun ganun kuya. Alam mu yun?. Naiiyak na ako. May chance nga ba? O baka naman friendly lang talga siya? O baka ako lang itong assuming…

Sana mabigyan linaw niyo po ito kuya. Salamat.

Naguguluhan,

Miggy ng Tondo.

 *************************************************************************************************

11

Miggy,

Una sa lahat Happy New Year din sa iyo.  Salamat at binigyan mo ko ng dahilan para makapagsulat muli. Matagal tagal din ako nabakante sa pagsulat dahil sa pagpapalaki ng bayag ng tiyan. Salamat at napili mo ang pitak na ito upang sumangguni sa iyong saloobin. Huwag muna akong tawagin kuya, Myr na lang halos magkasing edad lang naman tayo. Ang lakas lang makatanda eh.

Mabalik na pala ako sa problema mo kay Laida? Tama di ba. Huwaw! It takes a man and a woman lang ang peg. John Lloyd kaw ba yan.? Ok anyway going back…..hhmmm..let me think..

Miggy hindi na bago itong istorya mong ito. Hindi ka taka-taka na kahit sinong lalake na tulad mo ay mahulog ang brief loob kay Laida. Bakit kamo? Gaya ng sinabe mo sa itaas na halos lahat ng magandang katangian sa isang babae ay nasa kanya na. Diwata kung maituring. Isa pa, panay ang mga moments niyo gaya ng sabi mo di kayo mapaghiwalay. Ang landi niya rin kase. Or siguro may mga babae talagang ganon lang. Eh talagang mahuhulog nga ang loob mo sa kanya.

Ganito yan Miggy. Ang kay Juan ay kay Juan ang kay Pedro ay kay Juan pa rin Pedro. Di ba golden rule natin yang mga guys. Kung meron nang nauna, eh go to the next na lang pre. Mahirap maging kontrabida. Mahirap maging “third party” ika nga. Di ba sa lahat ng party ito ang hindi masaya?.

Believe me. Marami pang iba diyan. 100 milyon ang populasyon ng mga Pilipino at 50 milyon dito ay babae so huwag kang mawalan ng pag-asa na may mahahanap ka na mas higit pa kay Laida. Marami pa diyan sa tabi tabi, kung gusto mo sa Aurora 500 all in sama tulo.  Matuto tayong bumisina pre. Malinaw pa sa sikat ng araw ng may kasintahan na pala siya, so huwag maging pamato at pamang gulo. Mahirap kung tayo ang sisira sa isang relasyon mas malaki ang “karma” o balik nito sa atin.

Ramdam kita pre. Abot nga hanggang dito sa kwarto ko, pero heto talaga sa tingin ko ang dapat. Layuan mo na rin hanggat maaga. Mahirap pero dapat kayanin. Paano? Siguro minimize mo na yung pagsama sama mo sa kanya…kumbaga ikaw na rin ang magkusa. Mahirap ipagsiksikan ang sa sarili na alam mong wala ka ng puwang. Para kang sumakay sa isang punuan na jeep na wala na palang bakante. Huwag ganon! Tang ina tatanda ka bigla nyan.

At kung talagang gusto mo nang lumayo, subukan mo na rin magtapat. Remind ko lang, magtatapat ka hindi para paghiwalayin sila kundi para mas maging magaan un loob mo. Para magkaroon na rin ng closure. (Ano yan pinto?) With that, Im sure mapapadali lalo ang paglayo mo. Vent it out. Mahirap ang may kinikimkim. Trust me. Gagaan lahat ng dinadala mo at makapagsisimula ka ng bagong kabanata ng buhay mo. Mabuti na rin yun malaman niya kung ano rin ang tunay na saloobin mo para sa ikapapanatag ng iyong kalooban.

Never assume unless it’s for sure.

Malay mo, mutual din pala? O di ba sabihin niya rin na mahal ka na rin pala niya. Ang saya ng buhay mo.Thank you Lord! Pogi mo dun sa part na yun. Huwag mo siyang i-push na hiwalayan un bowa niya. Wag ganun bad yun. Hayaan mo siya ang umaayos ng gusot. Hayaan mong bigyan siya ng panahon para mas makapag isip at timbangin ang mga bagay bagay na sa tingin niya ay nararapat.

Kung walang feelings at sabihing natutuwa lang talaga siya sayo. Eh tumalon ka na lang sa building. O kaya pasagasa ka sa tren . Well, then and fine. Hindi lahat pedeng maging atin. Tandaan mo: may mga taong gusto mo na di ka gusto at may mga taong gusto ka na hindi mo naman sila gusto kaya QUITS lang. Kaya go to the next na lang. Magsimula ulit ng wala siya sa buhay mo.

May mga bagay rin dito sa mundo na kahit ano mang pilit nating kunin ay hindi rin talaga para sa atin. Maigsi lang ang buhay para ipagsiksikan sa isang bagay na di naman natin pag-aari. Maghintay ka lang at sa tamang panahon makikita mo rin ang nararapat para sa iyo. Magtiwala ka lang.

Hanggang dito na lang.

Sumasainyo,                                              

Ang Tambay na si Myr

 

 

 

 

37 thoughts on “Taken na siya?

  1. Uy eto na ba ang format mo for 2014? So kami sa buong universe pwede ng magpadala ng sulat? May problema din ako Myr. May gusto akong patayin. yung brutal na pagpatay. Pero yung tipong di ako makikilala. Tatanong ko lang kasi anong klaseng stilo yung tipong walang dugong lalabas sa katawan nya. Any advise?

  2. Haha, panalo ‘tong bago mong post! In fairness ang benta ha!

    Pero lugi lang talaga – pero yung naman ang masaya sa pagiging babae – kasi kami yung confirmation eh hindi namin pwede itanong, so hangga’t walang sinasabi bawal mag-assume, pero kayo may choice kayong magconfront.

    hmmm…parang ako yung naguluhan sa statement ko. Haha

    • hahahaha..un ibang mensahe ko nasa fb at email ko, pinipili ko kung ano magandang sagutan sa knila..hehee…medyo dami pang nakalinya walang panahon sa ngyon. kung may alingasngas ka sa buhay wag kang mahiyang lumapit sa kinn ..hahahahah….salamat sa pagbisitia froggy😉 enjoy weekend…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s