May-December Romances

Pagdating sa pag-ibig, wala itong pinipiling edad, taon o panahon. Bata o matanda, bakla o tomboy mayaman o mahirap, sungki o bungi ka man, lahat ay may karapatang magmahal o sadyang nabihag sa mailap na pana ni kupido. Positibo man o negatibo ang pananaw ng karamihan dito, ang mahalaga sa sitwasyong ito ay nagmamahalan silang dalawa.

Ngunit sa isang konserbatibong lipunan natin ay hindi matanggap ng iilan ang ganitong estado. Marami sa atin ay minamasama ang pagtitinginan ng dalawang pusong nagmamahalan. “Pedopilya, child-abuse, corruption of minor o kaya publicity lang. Ilan lang yan sa ating mga maririnig na hindi napapalampas sa mga matang mapagmasid. Bakit kaya ganon? Kapag ang dalawang taong magkalayo ang edad lalo na kung mas bata ang babae ay naakusahan kang “corruption of minor” pwede namang nagkainlaban lang. Ito ang reyalidad. May kasabihan nga na “Age doesn’t matter when you’re in love” o kaya “Love knows no boundaries even against all odds. Pakshet! Walang kamatayan. Ilan lang yan sa mga makapangyarihang kataga na naririnig natin ukol dito.

Sinubukan kong maghanap at masasabi kong maraming sikat na personalidad ang nasa ganitong May-December Love Affair. Heto ang ilan sa kanila.

1. Heart Evangelista (27 years old) at Senator Chiz Escudero (44 years old)- 17 years age gap

heart and chiz
– Ika nga ni idol Chiz Escudero “Walang pwedeng magdikta, manghimasok sinuman kung ano ang gagawin at hindi niya gagawin at kung ano ang sasabihin at hindi niya sasabihin, may sarili na siyang pag-iisip at kaisipan,”

2. Dolphy Quizon (83 years old) and Zsa Zsa Padilla (47 years old) – 36 years age gap

dolpyh 2

, – Dolphy and Zsazsa Padilla ay naging magkatuwang sa loob ng dalawang dekada at nabiyayaan ng magagandang supling. Ang tinaguriang “Hari ng Komedya” ay nagkaroon din ng mga iba’t ibang karelasyon sa ibang babae ngunit hanggang sa kahuli -huling sandali ng kanyang buhay ay hindi nalimot at natatanging pag-ibig kay Ms. Divine Diva.

3. Bossing Vic Sotto (58 years old) at Pauleen Luna (24 years old) – 34 years age gap

vic and pauleen

– Ika nga ni bosing  ” Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, kulay, yaman o talino. Kung mahal mo ipaglaban mo. Pero tandaan natin huwag na huwag kang magmaka awa upang ikaw ay mahalin. Masasaktan ka lang sa bandang huli “… Kaya idol talaga kita Bossing. Ikaw na! Lab u! Mwuah! Mwuah! Tsup! Tsup!.

4.  Tiya Pusit (65 years old)  at Rumored Boyfriend (27 years old) – 38 years age gap

tiya pusit

– Eto na ang tunay na May-December affair – Kasi nga, si Tia Pusit ay nasa edad 65 at ang pinagpalang IT specialist sa isang call-center sa Makati ay 27. Ito na rin ang patotoo sa kasabihang “age doesn’t matter” and it should not matter naman talaga. Hindi kasi puwedeng turuan ang puso and I believe so too. Hindi raw nila alam kung ano ang itatawag niya eventually sa mga magulang ng lalaki dahil mas matanda pa raw siya sa mga ito. Ano nga kaya?

5. Ka Fredie Aguilar ( 60 years old ) and Jovy Gatdula (16 years of age) – 44 years age gap

freddie aguilar

– 44 years ang agwat ng kanilang edad dahil 60 na si Freddie. Tama! Walang stir at menor de-edad pa ang napapabalitang dalagita at baka nga literal na may gatas pa sa labi. Pero ika nga , wala naman daw sinasabi sa “batas ng pag-ibig” na hindi puwedeng ma-in love ang isang matanda sa isang bata.  May mga kumakalat na sa Internet na dapat daw ay gumawa rin ng kanta si Freddie na ang title ay “Apo”. O bakit di na lang kayang “Magdalena, ikaw ay kapuspalad”.

Iilan lang sila sa mga nabibilang sa ganitong estado ng pagtitinginan. Isama mo pa sila Haydhen Kho-Dr. Vicki Belo, Tony Boy Cojuangco-Gretchen Barreto, Congressman Jules Ledesma-Assunta de Rossi at siyempre ang may asim pang si Madam Auring- at nakalimutan ko na yung guy.

Anu’t ano pa man tanggapin sana din natin ang ganitong estado. Malalaki na sila at buhay nila yan.  Basta nasa hustong pag-iisip at may disposisyon ang dalawang nagmamahalan ay maging masaya nawa tayo para sa kanila. Ipagpaumanhin niyo at unawain na lang natin sila. Ika nga ” Tao lang “.

7 thoughts on “May-December Romances

  1. ah iyan pala ang ibig sabihin ng May-December affair. hahahaha,

    anywayz, let them be happy, at sana di na makialam ang DSWD :p may menor de edad man sa mga nabanggit at nadawit sa mga love affair na iyan, hindi naman sila homeless🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s