To. Mr. Ramon Bautista

ramon-jinri2

Una sa lahat gusto sana kitang i-congratulate dahil sa nakuha mo rin ang puso ni Jinri Park. Naks! Iba talaga karisma mo sir! Alam kong maraming mga Pinoy ang taas kilay pa ring nagtatanong kung paano mo nakuha ang loob nang isang banyagang katulad
niya. Para kang GLOBE! nothing is impossible.

Lingid sa kaalaman ng iba na si Ms. Jinri Park ay isang Koreana. FHM model at Dj ng RX. 93.1. Regular mainstay sa Vampire ang Daddy ko with Bossing Vic (ewan ko kung kamag anak niya si Sandara, Luneta at Quezon Memorial).  Matagal na rin akong naging tagahanga ni Ms. Jinri kaya labis akong namangha nang malaman ko ang magandang pagtitinginan niyong dalawa. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa isang dilag na katulad niya maganda, makinis, maputi, matalino at elegante. Siya ang Roman God of Beauty na si Venus pero “koreana bersiyon”.

Nang una kong mabasa sa social media na may namumuong magandang pagtitinginan na nga ni Ms. Jinri ay aaminin kong may halong pagdududa. Akala ko publicity lang ang lahat. Pero hindi mo na kailangan sumikat dahil matagal ka na ring sikat gayundin siya. Ikaw ang sumulat ng “Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo?” at dahil dun alam ko na ang dahilan. Minsan mo na rin naka  showdown si “Master Rapper sa Pag Ra-rap”. Mahusay na commercial model slash comediane at matalinong propesor sa  Unibersidad ng Pilipinas. Higit sa lahat ikaw ang self proclaimed Internet Action Star! Ambigat!

Sinubukan kong kumpirmahin hanggang sa napunood ko ang isang interbiyew kay Ms. Jinri Park sa palabas na “Whats up Doods ni Mr. Edu Manzano at sinabi niyang “I think I started. It was just a joke because I used to host a (radio) show  with him. Funny thing is, at first it was parang joke lang. And then you know, I actually find him really attractive now” “From a scale of 1 to 10 – 10 being the highest – I would say 8″…Wow dalawang paligo na lang perpek na..Ikaw na talaga parekoy!…

Sa totoo lang natuwa ako sayo at impokrito ako pag sinabi kong hindi ako naiinggit. Pero higit sa lahat ay nagkaroon ng pag-asa sa nangyare. Hindi naman ako panget at hindi rin naman gwuapo. Kapag tinatanong nila kung ano ang description ko  bukambibig nila na “mabaet yun”. Sabihin ko ng sapat lang. May mga nagkagusto din naman sa akin pero hindi ang katulad ng isang beauty queen. Pero binuhay mo ang katawang lupa ko! Akala ko nuon hanggang noble books at fairy tale lang lahat ng ito ngunit nagkapag-asa na balang araw ay may isang mala – anghel sa kalangitan ang maaring umibig sa isang dukhang, hampaslupang, maralitang katulad ko… For the records, hindi ako nangmamata ng kapwa ha or minamaliit.Aminado naman ako na katulad mo ay may angking kaguwapuhan na di inaasahan. Medyo nakatago pa lang yung sa akin at hindi ko pa nagagamit.

Minsan napapaisip ko, na 45 milyong lalake ang mga Pinoy pero bakit natatangi ang kanyang pagtingin sa iyo. Swak ka sa criteria ni Ms. Jinri na “Asian, musician and funny “. Siguro patok lahat ng”jokes” mo kay Ms. Jinri dahil mahusay kang comedieane. Nakakakilig ang mga panulat mo dahil mahusay kang manunulat.  Nakabibighani ang iyong mga tinig dahil isa ka ring “dj”. Malaman ang mga sinasabi mo dahil mahusay kang propesor ng Unibersidad ng Pilipinas…at marami pang iba.

Magpasagayon pa man kung totoo man ang agam-agam. Kayo man o hindi. Kung “friends” lang ba. Congratulations pa rin Ser! Ang basehan ng isang tunay na kagwuapuhan ay laging nagmumula sa loob.  Higit sa lahat natutunan ko na “Funny is the new pogi” shortlist of “kwela” guys that make ladies’ hearts melt…

P.S. Kung dumating sa puntong yayain mo si Ms. Jinri makipag-date at busy ka sa trabaho. Hayaan mong ako ang maging proxy moh :-)…

-Myr-

2 thoughts on “To. Mr. Ramon Bautista

  1. Sa totoo lang natuwa ako sayo at impokrito ako pag sinabi kong hindi ako naiinggit. Pero higit sa lahat ay nagkaroon ng pag-asa sa nangyare. – haha, nagkaroon ka talaga ng pag-asa? well, sino bang hindi mabubuhayan ng loob (kung totoo nga talaga ang love story nila).

    I never paid attention to Ramon’s book (Bakit di ka crush ng crush mo), but now I suddenly had the urge to read it. Para kasing- Anong meron kay Ramon? haha Anyways, sana may mabait na magdala ng book na yon saken dahil hindi sya available sa dito.

    Makakahanap ka din ng Jiniri Park mo…..apir!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s