Dear Janet Napoles

jm6

Dear Janet Napoles,

How are you doing today? Feeling close lang talaga ako ha, pagpasensiyahan mo na. Kinabog mo ang malalaking isyu ng bansa sa ngayon . Grabe kahit saan ako magpunta pangalan mo ang nakikita ko, kahit saan ako magtungo pangalan mo ang naririnig ko. Inlab naba ako sa’yo? Walang ibang bukambibig ang masang Pilipino kundi ikaw..ikaw..ikaw…puro na lang ikaw. Mula kay manong driver ng taxi hanggang pagtambay ko sa kanto ikaw lang ang pinaguusapan parate. Natalbugan mo na ang pantasya kong si Anne Curtis Smith.

Sa unang pagkakataon papakailaman ko muna ang pangyayari sa ating bansa. Walang sinabi ang ang paghihirap daw ni Pacquiao, ang pagbebenta niya ng mansion sa LA, ang walang sawang pagbayo ni Habagat, ang paglubog ng barko sa Cebu, yung pitong milyong flagpole fund, hanggang sa pagtuwad –tuwad ni Miley Cyrus. Lahat ng mga yan ay kinabog mo ng bonggang bongga. Big Hits ka talaga teh!

But I don’t know if you have a chance to read this letter, dahil for sure ayaw mong mabasa ng diyaryo at magbrowse ng net. Alam mo na trending ka sa twitter at no.1 ka sa Yahoo engine. Gusto kong “i-tag” sa iyo to sa facebook pero kapag tinatype ko ang “Janet Napoles” sa search engine eh baboy ang lumalabas. Iniisip kong ipadala na lang ito sa isa sa mga bahay mo sa Indonesia kaso hindi ko alam ang address. O baka sa kasalukuyang ginagawa ko tong sulat ko ay naglalayag ka sa isang yate palabas ng ating bansa. Tapos punta ka Thailand, pa surgery ka para di ka makilala. Afford mo naman un eh, for sure mas kaya mong talbugan yung beauty ni Kevin Balot at Kim Choon ng “Eat Bulaga”. With that, hindi ka makikilala wala kang huli.

Teka bago ko ituloy un gusto kong sabihin, nais muna kitang bigyan ng babala dahil sa kasalukuyang sinusulat ko ito eh nagkakandarapa na ang masang Pinoy sa paghahanap sa iyo sa 10 milyong nakapatong sa ulo. Tiyak pati mga NBI at DOJ at patuloy ka rin hinahanap. And one thing for sure, wala akong balak magsulicit sa inyo dahil tapos na ang liga ng inter barangay dito sa amin.

Ate Janet, Bakit? Yan ang isang malaking tanong ko sa’yo. 10 Bilyong? Huwaw? Saan napunta?….kahit tatlong dekada akong magpuyat sa pagtatrabaho eh hindi ko kikitain un ganyang halaga. Magiging kasing kapal ng lumot ang aking mga mata at mamaga ang aking lalalamunan bago ko kitain yan. Ngayon nahanap ko ang sagot kung bakit ganon na lang kalaki ang ikanakaltas na buwis sa akin. Yun ay napupunta sa bulsa mo sampu ng mga kongresista slash elitista slash mandarambong mong kasama. Bilib din talaga ako sa apog mo/niyo pala, may lahi ba kayong “magician” o baka naman medisina o baka doktora ka sa kabilang buhay. Kaya tuloy “paranoid” na ako sa tuwing natatanggap ko ang monthly bills, payslip ko o kaya receipt baka kase makita ko na may “Napoles Deduction”….Tsk . Tsk. Tsk.

Naiimagine ko lang ate janet, kung ano ang magagawa sa 10 Bilyon peso. Hmmmm….

  1. 8,000 klasroom sa 2 palapag na building- Wow! Maraming bata na ang makapag aaral niyan.

  2. Wlang Kristel Tejada (16 yr old UP student na nag suicide) na magkikitil ng buhay dahil hindi afford bayaran ang tuition na nagkakahalaga ng P10,000 kada semester. Pwedeng bayaran yan ng isang milyong beses.

  3. 10 bilyong peso, kayang i-cover ang withholding tax na binabayaran ng mahigit 4 na milyong manggagawa na kumikita ng P20,000 kada buwan.

  4. Marami tren ng MRT at LRT ang mabibili. Kayang bayaran ng 350 milyong round trip from North Avenue hanggang Taft Avenue.

  5. Makakabili ng 400 milyong sako ng bigas. Madaming maralita ang makikinabang at matutugunan ang kumakalam na tiyan.

  6. Mahigit 600,000 units ng fire arms para sa kapulisan at sundalo. Mapapalitan din ang mga lumang paltik nila. Isama pa ang 6 na F/A Fighter Jets. Hindi un umaasa na lang tayo sa pinaglumaan ng mga kaalyadong bansa.

  7. Maraming chicks sa Pegasus ang maitatable ko niyan…

 Imagine!…Tsk.tsk.tsk.

Ate Janet, wag kang mag-alala. Sigurado, di ka naman makukulong. Baka ngayon lang yan. Alam mo naman tayong mga Pinoy, kung ano ang latest yun ang pinaguusapan. Isipin mo na lang na parang Fertilizer Scam at NBN-ZTE scam lang yan. Tingan mo nangyare sa mga kaso nila. Nu nengyere teh? Nakalaya pa rin un mga akusado. Besides, kayang kaya mo kumuha ng pinakamahuhusay na abugado at tapalan ng sandamakmak mong milyones para ipagtanggol ka. Manalig ka sa kasabihan na “When money speaks, truth is silent”… Tiwala ate janet.

May fallback ka pa rin kung sakaling makulong ka, maraming hospital kang mapagpipilian. Nandiyan ang Veterans, St Lukes at Medical City. Mamili ka lang pero baka at the end gusto mo mag pa house arrest na lang. Marami ka naman rest house eh for sure.

Well ang dami ko pa talaga gusto sabihin sa iyo ateh, pero sa mga oras na ito lahat ng FB status na nababasa ko ay sumuko ka na raw sa ating mahal na Pangulo. Huwag ka mag-alala dahil tutok pa rin ang taumbayan sa kahihinatnan ng usaping ito. 

 Hanggang dito na muna, teh. Paga na mata ko. Salamat sa pagbasa.

-Myr ng Makati-

 

P.S. Sa mga Pinoy na nagaasam ng 10 milyong reward kay Napoles , sorry na lang tayo, sumuko napo siya. Around 9:47 pm Wednesday. Malamang sa kanya na ang 10 milyong piso.

 

 

 

 

 

 

 

4 thoughts on “Dear Janet Napoles

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s