Tuwing Umuulan

ulan2

Heto at muling sumapit ang buwan ng Agosto. Alam natin na lahat na ito ang panahon na madalas dalawin ang ating bansa ng mga bagyo. Kumbaga, suking suki na naman tayo sa mga baha at panahon na upang muling gamitin ang ating mga nakaimbak na kapote at payong. Sa tuwing ganitong maulan marami tayong mga bagay na madalas nating gawin at hinding hindi pinalalagpas. Heto ang sampung bagay na masarap gawin kapag umuulan,

Sa tuwing tag-ulan:

1. Masarap maligo kasama ang mga kaibigan at naniniwala ka na gamot ang tubig ulan sa iyong  napaka kating bungang araw.

2. Habang tumatakbo sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan, pupunta ka sa mga alulod kung saan naiipon ang mga tubig at naglalabas ng malakas na buhos         ng ulan. (kasama na rin siguro ang mga dumi ng pusa at ibon sa mga bubong).

3.  Masarap magtimpla ng mainit na kape, magulam ng may sabaw, kumain ng tuyo at sinangag o dili kaya pandesal na may sardinas. Mag goto, mami at                 pares.

4. Pwede rin mag shot ng mga hard drinks tulad ng empi lights at gin bulag. Isang mabisang kontra lamig.

5. Masarap din mag “labing-labing”.

6. Ang matulog ng bonggang-bongga. Malamig na nga, naka electric fan ka pa.

7. Magpaka “senti” with background music. Soundtrip habang nag e-emo. ulan

8. Mag movie marathon maghapon.

9. Nag aabang ka ng balita at tuwang tuwa ka pag nasuspinde ang klase daig mo pa ang nanalo sa jueteng sa sobrang saya.

10. Mag internet at mag browse ng kung ano pang anik anik.

 Ilan lamang yan sa mga bagay na ating ginagawa tuwing umuulan. Na sa tuwing sumasapit ang ganitong panahon kay sarap gawin ang mga bagay na ito. Ikaw? May espesyal na bagay ka pa bang ginagawa kapag tag-ulan?……Isang maulan na araw sa inyo ! 

 

 

 

6 thoughts on “Tuwing Umuulan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s