Mabuhay Gilas Pilipinas!

gilas

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang  “Gilas Fever“. Hindi pa rin ako maka get over sa pagkakapasok ng ating Pambansang koponan na Smart Gilas. Sa wakas matapos ang halos tatlong dekadang pagkauhaw sa FIBA World ay muling mapapalaban ang ating bansa sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa ibat ibang panig ng mundo.

Hindi man nila nasungkit ang kampeyonato ngunit sapat na ang pinakitang husay, lakas ng loob, determinasyon at higit sa lahat puso. Buong samabayan ay nagkaisa at muling pinagbigkis ang bawat Pilipino sa pinakita niyong kagalingan sa larangan ng basketbol.

Aminin man natin o hindi na sadya talagang malalakas ang putok ng kalabang Iranians. Hindi rin naging lucky charms ang panonood ng ating Pangulong Aquino matapos iwan sandali ang sandamakmak na problema ng bayan. Maging ang karisma ni “Bossing Vic”  na biyenan ng Gilas player na si Marc Pingris ay di rin umepekto. Maging ang presensiya ng tinaguriang The Living Legend Sonny Jaworski ay di rin umubra.

 Bukod sa angking katangkaran, tila mas maraming karanasan na ang kanilang napagdaanan pagdating sa mga international competition. Medyo nakulangan din tayo ng manlalaro ng magtamo ng injury ang ating pambatong si Marcus Douthit.

Magpasaganon pa man ay lu­mulutang pa sa ‘langit’ ang Samahang Basketbol ng Pilipinas matapos ma­kamit ng Gilas Pilipinas ang isa sa tatlong tiket pa­ra sa 2014 FIBA World Championships sa Mad­rid, Spain. Anu’t ano pa man ay muli ninyong nilagay sa mapa ang Pilipinas sa kabila ng mga negatibong pagtingin ng mga karatig na bansa natin.

Mabuhay kayo Gilas Pilipinas! Laban.

7 thoughts on “Mabuhay Gilas Pilipinas!

  1. hello, Myr… gusto ko ire, naibigan ko paano mo inihayag ang sentimyento. maiksi, malambing at diretso ang sabi. mabuhay ang participation ng Pilipinas sa FIBA! uu, in the past, parati tayong kulelat, hahaha. umabante na, ababa…😉 happy maulang weekend.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s