Resign and Goodluck!

apcMagpasahanggang ngayon, lutang pa rin ang inyong abang lingkod. Pilit ko pa rin pinagtatatagpi-tagpi ang mga bagay bagay at ang mga padalos-dalos na desisyon aking ginawa. Pero andito na ko. Lahat ng bagay ay may limitasyon. Lahat may hangganan. At dito marahil natapos ang isang kabanata ng pitong taong pagbubuno ng buto sa kumpanyang niyakap ko ng halos kalahating dekada. Anu  mang papel ang ginampanan ko sa kumpanyang ito nawa’y nagawa ko naman ng maayos at mabuti.

Sadyang mabilis ang pagusad ng panahon. Parang kalian lang ng una akong nagtrabaho dito. Parang ilang kurap lang ang dami na agad ang nangyari sa king paligid. Daming kaganapan at ang daming mga bagay, tao, at pangyayari ang nagpabago at humubog sa aking pagkatao. Sa mga taong nakilala at naging bahagi ng aking pitong taon sa opisina, hindi ko kayo malilimutan.

Sa mga taong tulad ni:

– Manong guard na laging naninita sa di pagsuot ko ng I.D. Eh kung maka-Ingles, wagas! Daig pa yung mga kliente namin sa opisina.

– “Ateh” ng pantry na panay ang pa kyut kapag ako bumibili. Ako na pogi. Laging may discount at sukli agad kahit wala pa akong binabayad.

–  Manang maling, oo kase mabenta talaga yun tinda niyang maling. Panalo! Nakakaalis ng puyat kahit may kamahalan. Halos ka presyo niya yun Yhum TLC ng Jollibee pero kung tutuusin isang pirasong maling lang at tinapay lang yun.

–  Manong tindero ng taho na laging hinuhuli ng mga security ng Araneta dahil hindi siya nakapagbigay ng lagay. Mamimiss ko ang tamis ng iyong taho at linamnam ng soya. Na nagpapainit sa aking malamig na gabi na pagtatrabaho.

–  “Kuya” na head ng “Asia Clean” na laging nag pa-flush ng ebak ko pag sira un toilet bowl. Pasensiya na ayoko lang talaga ma “over      brake”

–  Workforce na walang ginawa kundi sumigaw ng “After Call at Auto in” (Market! Market lang! unlimited?)…

–  Q. A.(Quality Analyst) na laging nagbibigay ng Auto-fail. Nagbibigay ng huddle at goodpoints sa pag handle ng mga call.

Team Lead ko na may sariling oras sa pagpasok. Laging umaalalay sa aking magandang stats. Ang nagbibigay tiwala sa pagigiging top rep ko kahit isang buwan lang. Na minsan narin nagbigay payo pagdating sa usaping pang puso.

 OM/TL/Workforce/Q.A. Siya na lahat. Guwapo pa man din sana kaso lumamang lang siya ng isang push up sa akin. Ang laging tutok sa hawak na account.

–  Siyempre, yung mga antukin at irate na Rep. Ang magagaling sa pag “power nap” at mag “stop save” sa mga customer. Ang mga kasa-kasama ko sa tawanan at hagik-gikan, sa gitna ng maingay at ma “queing” na mundo ng call center.antok

Sila ang mga nakagisnan kong mga nilalang. Ang mga kasabayan ko sa puyatan. Mga kabalikat sa pagsalubong sa bukang liwayway at paglubog ni Haring Araw. At dahil sa tagal din na inilagi ko sa mundong aking ginalawan, nais ko na rin samantalahin ang panulat kong ito na magpasalamat sa mga karanasan naibahagi rin nito.

Salamat sa pitong-taon pagpupuyat pamamalat sa kumpanyang ito dahil:

–  Nabili ko ang mga bagay na gusto ko. (Laptop, Cellphone, Ipad, Ipod, Itouch, PsP, Rubber shoes, shirt, jacket, Value meal, 2 piece, Spicy, Baconator, House and Lot sa Forbes, Ferrari, Benz,  suka, toyo, asin, kalamansi..at kung anik anik pa.)

–  Nagkakaroon ako ng pang poker, pang dota, pang tong its, pang pusoy , sabong , pang lotto, blackjack, pang beer-house, pang-table, pang ladies drink, pang pick-up at kung ano ano pang kalokohan.

–  Nagkakaroon ako ng sariling perang pang date.

–  Nakapunta, nakapagbakasyon sa ibat ibang parte ng Pilipinas. Luzon, Visayas at isusunod ko ang kuta ng mga Abu Sayaff.

–  Nakilala ko yung tatlong babae na nagpakislot ng aking puson  nagpatibok ng aking puso. Si Michie, Si Dory at si Jubie.

–  Nakilala ko at nabuo samahang walang kupas “Elites” na kasa-kasama ko san man maglakbay.

–  Nakilala ko ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan na si Joylogs.

–  Muling nabuo ang F4 si Daming Su, Semen, Mitzuo at WasiLey.

–  Kaya ko ng makipagmurahan ng Ingles.

–   Mas tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili lalo na sa ibang lahi.

–  Napahalagahan ko ang pagtulog sa tamang oras. Na hindi dapat ikahiya ang “eyebags” dahil pinagpuyatan ko yan.

–  Natuto akong magimpok kahit pakunti kunti.

Natuto akong makipag flirt at lumandi. Magmahal ng tapat.

–  Nalaman ko na labing tatlo pa la ang buwan sa kalendaryo. Yun ang ika 13th month.

– At nalaman ko rin ang iba’t ibang loan tulad ng PAG-IBIG, SSS, Calamtiy, Housing, Salary, Mutual Fund at kulang na lang Funeral loan.

Maraming karanasan, marami pang mga bagay, tao at pangyayari ang gusto ko pang sabihin subalit kulang ang espasyong ito para banggitin ko lahat. Baka abutin pa tayo ng Biyernes Santo.

sfc collage

Sa ngayon, andito lang ako sa bahay, nagpapahinga at nagmumunimuni…Mag you you tube tapos mag “Gangnam Stlye” ng bahagya. Pag napagod, kakain, lalabas, tatambay sa kanto at mansisipat ng mga chiks na magdaraan, makikipagkuwentuhan sa tropa. Hayaan ko muna i-enjoy ang normal na buhay na nawala sa akin ng pitong taon. Muli, hayaan ko munang gumalaw ang mundo sa paraang gusto nito.

Masyadong maikli ang buhay para sa mga bagay na gusto nating gawin, masyadong nagmamadali ang buhay, minsan hindi tayo makasunod at natutulala na lamang. Siguro ito marahil ang gusto ko, “try something new”.

Sa ating buhay madami tayong pintong binubuksan at sinasarado, sa dami nito mahirap ng bumalik kaya dapat magingat tayo sa pagpili ng pinto na ating bubuksan. Minsan ang mga maliliit na desisyon na ating ginagawa ay maaaring makaapekto ng malaki sa ating buhay. Magpasaganon pa man, alam kong may magandang kapalaran ang naghihintay pa rin sa akin. Hindi man ngayon, baka mamaya o maaring bukas at naniwala akong darating ito sa takdang panahon.

Salamat sa inyong lahat! ajah!😉

263389_10200635531282325_849471937_n

Logging out:

-Boi-

9 thoughts on “Resign and Goodluck!

        • really? tagal nun ah..hirap din kase tambay, nga ! nga! .walang pasok ng pera. kung may negosyo lang sana kaso ala eh..hhehehe..pag nagsawa na ako tumambay kayo kayod naman ulit…sana makayanan ko rin yun katulad ng ginawa mo ng isang taon tambay..:-0

          • eh border pa kasi ak ong nanay at tatay ko nun, kaya malakas loob kong tumambay ng isang taon.. pero hindi ako naghanap talaga kasi parang gusto ko munang sulitin ang bakasyon.. ilang taon din akong sunod-sunod na pumasok at nag susummer class nung college.. parang reward ko sa sarili ko.. mabait naman ang langit at nung nag apply naman ako, dalawa agad ang sumagot.. sinasabi ko nga sa interview na isang taon akong nasa bahay at natuto na akong magmanage ng channel sa cable, mag organize ng mga plato sa hugasana, at mag supervise ng basura tuwing umaga.. tawa yung nag iinterview.. winner! ehehehehe .. goodluck pre.. kapag na feel mo na it’s time for you to work, mararamdaman mo yan… yung fire and passion..

      • relax and pahinga muna. gala ng konti, ahaha. after a month or two, sige na uli. yaan ang payo ng ate mo…:)
        mahirap magtagal na walang perang papasok at walang pirming routines, hala. mag-resume ka agad, kapatid. happy Sunday. ^_^ enjoy and smile palagi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s