Tama na Taiwan

taiwan 2

Tulad ng mainit na panahon ngayon ay mainit din ang tensiyon na namamagitan sa pagitan ng bansang Taiwan at Pilipinas. Nag ugat ang lahat ng ito matapos matapos aksidenteng mapatay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang iligal na mangingisda sa karagatang sakop ng Pilipinas. Dahil sa insidenteng hindi inaasahan, maraming mga singkit ang nagpupuyos ang mga damdamin at labis ang pagkagalit sa ating mga lahing pango.

Sa mga kaibigan nating Taiwanese, Una sa lahat, nais sana naming ipaabot ang aming taimtim na pakikiramay sa pamilyang naulila  ng nasabing mangingisda. Tulad ninyo, nakikidalamhati ang buong sambayanan ni Juan sa nangyaring ito. Ikalawa, paumanhin sa maling paghawak at miskominikasyon sa pagitan ng sandatahang pandagat ng Pilipinas at mga mangingisdang mga Taiwanese. Hindi naming kagustuhan ito, maituturing na aksidente at higit sa lahat ay hindi pinalano. Hindi siguro makatarungan na sisihin niyo ang sambayanang Pilipino sa isang pangyayari na hindi naman kagustuhan ng lahat.

Walang may nagnais ng mga pangyayaring ito. Ngunit parang lumalabas na ang kasalanan ng isa ay kasalanan na ng buong bansa! Huwag sana idamay ang mga kababayan natin na nagtratrabaho sa kanilang bansa. Pumatay ba ng taga-Taiwan ang ating mga kababayan doon? Masama ba silang mga empleyado? Wala ba silang galang sa kanilang mga amo? At dito ba minamaltrato natin ang mga taga-Taiwan, kahit napakasama na ng Pilipino sa mata nila? Ikinalungkot ng lahat ang insidente. Pero hindi ito dahilan para masamain ang buong bansa, at ang kanyang mga mamamayan. Lumalabas talaga ang kulay ng mga Taiwanese. Hindi lang pala sila dilaw kundi hilaw ang kanilang budhi.

Maibalik ko lang ang tanong. Dapat din ba kayo sisihin naming sa mga nasirang pangarap ng mga kabataang Pilipino dahil sa mga “druglords” buhat sa inyong bansa? Sa talamak na bentahan ng droga na madaling naipupuslit at pagpapalaganap nito sa min.

O sige, yung Pinoy na namatay sa ospital dahil sa paghampas ng baseball bat habang naglalakad mula sa trabaho. Humingi ba kayo ng paumanhin sa ginawa ng inyong kababayan na Taiwanese? Nagpumilit ba kaming humingi kayo ng paumanhin sa insidenteng naganap? HINDI.

taiwan 3

Nakikisimpatiya kami pero huwag niyo sana sisihin ang sambayanang Pilipilino.

Gusto niyong ihinto ang pagtanggap ng mga manggagawa? Pauwiin at maltratuhin ang mga kababayan naming OFW, na masugid na nag-aalaga sa inyong mga anak? Malaki ang papel nila sa inyong buhay. Dahil sa kanila, mas nabibigyan nila ng atensiyon at lumaking maayos ang inyong mga anak. Isipin niyo sana ang sakripisyo nila ang pananabik sa yakap ng mga sariling anak nila ngunit mas pinili pa nila ang bigyang kalinga sa mga batang hindi naman nila kaano-ano. Ang magtiis sa kakarampot na sahod na binibigay niyo sa kanila. Tingnan lang natin kung magiging ano sila sa paglaki kung wala ang aming mga OFW. Kung paano rin ito makaapekto sa inyong pamilya.

Tama na. Humingi na ng paumanhin ang aming bansa. Huwag niyo na sana palakihin pa ang isyung ito.

 

 

7 thoughts on “Tama na Taiwan

  1. hello, Myr… enraged ba ang Taiwanese? a, e, constant practice nila – mag-poach sa Phil. waters, ahaha. medyo nakakagulat, the Phil. president apologized promptly for the incident… sa iba-iba, they won’t. bisyo na nila – mamalakaya sa hindi nila teritoryo, ahihi… ^^ gusto ko ang post, maliban sa may dilaw and hilaw… hwag na yon, sana…🙂

    • salamat te san. La lang, over reacting na kase sila. nakakainis lang. Pasensiya na sa nasabi kong hilaw , wala talaga akong maisip na pangkutya🙂 Well sana maayos na, mashado na rin nagpakumbaba ang presidente natin…enough! Have a good one.!

      • hello… e, medyo ganoon pag may namamatay, madaling gisingin ang sentiments ng tao. thing is, as i told you, myr, matagal nang gawain ng Taiwanese fisherfolks na gumawi sa Phil. waters and hinahayaan ng pamahalaan nila, for so long… at ng pamahalaan din natin – yata, hehe. ^^

        ei, may political angle, kapatid. strictly speaking, Taiwan remains a province of mainland China. ang diplomatic office ng Taiwan is Mekong (tawag), which is a de facto embassy, meaning, not granted the full rights of an embassy as recognized in the world’s diplomatic circle. ayun lang…

        so, in a way, may isang parteng ini-address ng apology ng Phils ang China, hehe. (i guess, ha). of course, there is the humanitarian angle, kasi may buhay namang nawala nang di sinasadya. ayon… eh, pauso ang maging tagatanggol ng Phil. interest lately, ahihi. ‘lam mo, pag tagalabas ang kaaway, mas malakas ang singhal at sigaw, ahaha.😉

        lam ko, nadadala rin lang you and naiinis. hamo, huhupa rin yaan…🙂 cheers

  2. nakakalungkot na yung mga hindi nag-iisip na mga Pilipino (yung mga tambay na puro dota at facebook lang ang ginagawa), mas gusto ng gera ang sila pa mismo yung mga nagpo-provoke to social media. wala naman nananalo sa gera. kaya dapat gawin ito sa mapayapang paraan. huwag lang sana magmumukhang asong dumidila sa amo ang itsura ng Pilipinas sa Taiwan kung nagkataon.

    • Korek ka jan. Salamat sa opinyon. Sana nga hindi humantong sa ganoon. Parehas talo , walang panalo. sana makuha pa sa isang mapayapang pag-uusap. Hindi rin sana padehado ang ating bansa. Lets see kung ano ang mangyayare sa mga susunod na araw. Salamat kapatid !

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s