Sulat at Larawan

sulatSa kalagitnaan ng isang malalim na gabi, hindi maapuhaw ang antok 

Magtitimpla ng isang tasang kape upang magising ang ulirat

Lalabanan ang pagkabagot at marahas na haplit ng hanging amihan kasabay ng pagbuhos ng ulan 

Muling uungkatin ang nakatabing baul, hahagilapin ang mga lumang  liham at kupas na larawan

Babasahin, muling magbabalik tanaw, at gugunam-gunamin sa aking gunita ang mga nagdaang  kahapon

Dadampian ng malamyos na halik ang mga alaalang lumipas

Mapapangiti ng bahagya. Mapagtatanto na minsan sa aking buhay ay may mga taong sumubok, sumugal at nagbigay tiwala ng pagmamahal. 

Ngunit ang lahat ng ito ay tanging mga alaala na lamang at magiging parte na lang ng kasaysayan….

23 thoughts on “Sulat at Larawan

      • ahihi, para nga yata, sabi ko nga… masarap gawin yaan pag nasa aircon’d na lugar at walang ginagawang minamadali, ahaha. ^^

        ayos lang. di yata nanalo ang marami sa mga ibinoto ko, shaks lang… ay, pati si bro eddie, kainaman na. kahit kamo di me masyadong agree na pandoon sya, i put in his name, hala, most of my candidates didn’t make it yata…

        a, yong no. 1 pala, winner. acquaintance ko sya 20 years ago pa, haha. may sense syang ale at simple. pero, syempre, sympathy vote ng tao sa tatay nya ang nagpanalo, not because of platform or pagkakilala sa kanya… medyo ganoon pa yata talaga ang politika sa pinas… ^^ btw, ikaw, nakaboto ka ba, kapatid or dumuty ka that day? cheers sa iyo.😉

        • i agree with u ate san. symphaty vote talaga un nangyere kay grace. no doubt! really acquiaintance mo pala siya? wow! may dahilan siguro kung bakit hindi nananalo yung mga pinili mo. ako rin bet ko talaga si bro eddie pero siguro mas pagtuunan na lang niya siguro ang paglilingkod sa Diyos, yun siguro ang misyon niya for the people. Lets hope for the best to our country…cheers!

          • a, matalino sya and capable.. pero, di siguro dahil na-get across yon sa mga tao. mas the apelyido factor pa rin… kwan, sa early college friends sa u.p. na sa st. scho nag-h.s… st.scho si grace (hs), ka-batch nya sina vicky morales… ahihi, di naman kami close, nokaba. may common friends, noong araw (mga kaibigang a bit older than me). ang simple nya noong manamit, often jeans and white shirt lang, pero anak sya ni s. roces, ahaha… ayon nga, sa JIL na mag-pokus si bro. eddie. tara, let’s!😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s