Malikot kong puso

to you

I don’t know if this letter will be send to you but still i will try to write down kung ano yung naglalaro sa aking isipan. I had a lot of things to tell pero may mga sarili akong dahilan kung bakit hindi ko ito masabi….

 Apat na beses sa isang linggo tayo magkita sa opisina at nagkakasama ngunit hindi ko magawang sabihin kung ano ba ang tunay kong nararamdaman. Oo, naidadaan ko lang lahat sa biro ang nais kong sabihin upang hindi naman lumabas na kahiya hiya. I don’t know kung lahat ng mga sinasabi ko eh may “impact” sayo pero alam ko naman wala. Imagination ko lang na meron.  Halos lahat na yata ng mga kasama natin napapansin na nahuhulog na ko, ikaw na lang itong deadma… But I’m not gonna wonder why, sabi nga nila, you’re always the last to know kapag yung issue tungkol sa’yo. 

 Nitong mga nakalipas na mga araw, parang nag-iba ang ihip ng hanging amihan. Na realize ko na unti unti nag-iiba un pakiramdam ko. I was wondering kung iniisip mo na rin ba ko gaya ng pag-iisip ko sayo?. Medyo naging sweet ka ng bahagya, sa mga text, sa mga yaya mo  or kapag nagpapasama ka sa akin at mas naging caring ka kumpara ng dati. I dunno maybe kaya ko lang nararamdaman lahat ng ito kase gusto nga kita.

Dati naman di ko iniisip that i really like you. True, i really like you before pero alam kong hindi puwede kase may boyfriend ka pa. Pero ngayon, mas ewan ko, mas gusto na kita. Like what i have said na realize ko that im really falling for you.  I know its coming. Di ko lang akalain na ganon kabilis. Kase in the very first place alam ko naman na di puwede.  Siguro tanga’t kalahati na lang ako if hinayaan kong magfall ako lalo sa’yo After na magkasama tayo sa Subic, Clark , hayu na na bigla bigla lalo na talaga nag-iiba ang nadarama ko.  Ayaw ko man aminin sa sarili ko, eto, London bridge  na nga ko for you. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw at mas malinaw pa sa full moon, ibang-iba na talaga ang nararamdaman ko for you.  Pakiramdam ko, nag-uumpisa na yung kabaliwan na alam kong kahihinatnan ng mga nararamdaman ko para sa’yo. Natatakot na nga ako eh.  I remember way back ng maramdaman ko ito a couple of years ago.

Kahit kasi sa ulirat ko di ko man lang na-imagine na magiging ganito ako sa’yo. Kasi alam ko nga in the first place na di pwede, after all, na you are still on the healing process (alam ko masyado pa masakit sa iyo ang nakaraan). Na lagi mo sinasabi sa akin na mas gusto mo ang mag-isa muna. And then, I have this rules na about liking na i work with, kasi mahirap na yun, lahat sila nawawala.

Dont know what to do. Mind over matter. Maybe. Siguro. Maari. “The nerve” Ikaw nga tong laging nasa mind ko eh! Di ko talaga inakala na aabot sa ganito. Gusto kita laging kausap, makita at makasama. Ngayon ngang dito ko sa office ng wala day off mo, parang kulang Nasanay na kasi ako na lagi kitang nakikita or naririnig. Imagine, more than 8 hours tayo minsan magkasama sa isang araw, shift natin tsaka pag kumakain pa after. So ngayon, parang wala lang, kasi parang di totoo yung mga pangyayari, wala ka kasi. Gusto ko nga mag early out kase wala ka rin naman.. I can’t wait till I see you again. Wala naman akong balak gawin pag nagkita tayo ulet, pero feel ko, gagaan na pakiramdam ko. Iba-iba kasi pinaparamdam mo sa’kin. Eversince na-realize ko na nag-fo-fall na ko sa’yo, parang roller coaster lahat. Kasi ang gaan ng feeling ko pag andiyan ka. Yun bang parang nakalutang lang ako, pero minsan, kahit andyan ka, mabigat din, kasi nga ang dami kong naiisip.

Bakit naman kase sa king ka nagpapasama kapag may gusto kang bilhin or puntahan? Bakit ba kase nagkakasabay pa tayo pag-uwi? Bakit din kase lagi tayo magkatabi sa station, sa la mesa every kaininan at sa halos lahat ng pictures tayo magkasama? Bakit naman kase kapag tinutukso tayo game naman tayo? Bakit naman kase na labs din ang sagot mo kapag tinatawag kita rin ng labs? Bakit kase nagbigay pa ako ng rosas nuon sayo? Bakit kase ako yung kasama mo nuon kapag kailangan mo ng kausap o kaya sa tuwing ikaw ay umiiyak? Bakit kase na lagi kitang pinagtatanggol kapag may dumedahado sayo sa office? Bakit minsan nalulungkot ako pag may nakikita akong may kasamang iba? Ang daming bakit.

Ewan ko ba. Naalala mo ba dati kapag uwian na at sumasabay ako sa payong mo dahil sa init ng panahon o ayokong mabasa tayo. Tapos bigla na lang ako aakbay or napapahawak sa mga braso mo. Di mo siguro maiimagine kung ilang jolts ng electricity ang nag-surge sa katawan ko nun.  Pero di maalis sa isip ko yun no. Hanggang ngayon, nire-relive ko lahat, every chance I get. Kasi parang magical moment yun for me. I remember we were just quiet, as in no one said anything. But of course, it is already embedded in the back burner of my mind.  Parang everything is going smoothly. Mas okay yung nagiging ganito walang lebel-lebel.

Sabihin mo nang pathetic, kasi bakit pa ba ko umaasa na merong pwedeng mangyari sa’ting dalawa eh alam ko naman na umpisa pa lang eh wala.  pero ewan ko ba, sadyang matigas lang talaga siguro ulo ko kasi pinipilit ko pa rin ang nararamdaman ko para sa’yo sa sarili ko. Pero ewan, bahala na lang kung anong mangyari. Bahala na siguro kung saan ako dadalhin ng makulit at malikot kong pusong ito…

 

 

10 thoughts on “Malikot kong puso

  1. Awwwww ! Really ? Guys are like that too ? ha ! maybe only Filipinos feel that way ? Oh my gosh, I think the girl is already in love with you ! Why don’t you confess already.,,.

    Woooo ! Love story ! Yay ! ! ! !

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s