Kwentong Barbero

barbero
May Isang Bata Na Nagpagupit Sa Barbero

Barbero : Otoy, Alam mo hindi ako naniniwalang may Diyos.

Bata : Bakit naman po?
Barbero : Tingin ka sa labas, ang daming taong may problema. Kung may Diyos, eh di sana inayos na Nya lahat ng problema.
Bata : Ganon po? Ako din po, hindi ako naniniwalang may barbero.
Barbero : Ha! Bakit naman?
Bata : Tingin po kayo sa labas. Kasi kung may barbero, bakit ang daming mahaba ang buhok?
Barbero : Eh, hindi ko naman sila pwedeng gupitan kung ayaw nila.
Bata : Ganon din po si God, hindi Niya maaayos ang buhay natin kung ayaw nating lumapit sa Kanya.

Susun-suson, laksa-laksang mga salita ang narinig, binigkas ng mumunting bata. Mapanudlo ang kanyang mga salita, mapanudyo … matalas at may kabuluhan … tumitiim sa aking isipan at sa kaibuturan ng puso ang turan ng isang batang walang kamuang-muang!

Alam kong ito ay dapat maging liksyong aral para sa akin at sa iba, na ang katagang nasambit ng batang paslit ay may angking kapangyarihang likas sa salita na kumikilala na kailangan natin lumapit sa Kanya.

Maligayang araw sa inyo.🙂

12 thoughts on “Kwentong Barbero

  1. naku Myr ito ang kwentong barberong narinig ko na “hindi” kwentong barbero, kuha mo. isa itong panggising. ang galing. sarap namnamin, salamat sa paghahandog ng isang kwentong barberong, hindi talaga kwentong barbero. papagupit muna ako, at magpapakulay. hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s