Isang gabi na naman


sleepless
Isang gabi na naman na hirap sa pagtulog. Isang gabi na naman sinisigaw ang iyong pangalan. Isang gabi na punong-puno ng damdaming nagkukubli, nagkukumahos at muli inaalay ko ang panulat kung ito para sa iyo.
Hindi ko talaga alam kung paano ako magsisimula. Sa totoo lang sa dami na ng mga prosa na nailathala ko sa pahinang ito, eh parang ngayon pa akong nahihirapan magsalita. Sa mga oras ngayon, habang tumataripa ang aking mga daliri, walang iba itong sinusunod kundi ang dinidikta ng aking isipan at panaka-nakang bulong ng aking puso. Alam kong hindi ito ang tamang panahon para sa iyo upang ilahad ko ang lahat ng ito dahil sariwa pa ang mga sugat at ang bakas ng pilat ay naroroon pa rin mula sa isang bigong pagibig.
Ipagpaumanhin mo sana ako pero hindi ko mapigilian ang tunay kong nararamdaman. Nais ko sana na lang ikubli ang lahat ngunit heto na naman ako taglay ang isang mahinang puwersa.Ilang beses kong tinanong ang aking konsensiya kung tama ba itong nadarama ko? Kung dapat ko pa bang sabihin ang lahat ng ito? Baka masiraan ako ng ulirat kapag hindi ko inilahad ang aking nagpupuyos na damdamin. Matagal din panahon simula ng ito ay aking itinanim. Ang damdamin kong pilit na tinatago ay isang punla na tumubo sa aking dibdib. Umusbong, at lalo pang yumayabong habang lumilipas ang panahon.
Dumating na ang araw na kinatatakutan ko, ang tuluyang mahulog sa patibong at pana ni kupido. Nagiwan ng lason at pakiwari ko ay wala na siyang lunas. Ang bawat sambit ng iyong pangalan ay nananahan na sa aking mga labi. Ang mga sulyap ng iyong mata ay tila isang tala mula sa kalawakan. Ang samyo ng iyong amoy ay labis na nagpapahina sa aking mga tuhod. Ang matitinis mong tinig ang labis na nagpapatindig sa aking balahibo.
Walang araw na hindi kita naiisip. Walang araw na hindi ko naitanong sa king sarili kung paano ko maiibsan ang lahat ng pait at lungkot sa iyong mga mata. Kung maibabalik ko lang ang dati mong sigla at ngiti. Kung mapapawi ko lang ang lahat ng pagod at pangamba. Kung maiwawaglit ko lang ang lahat ng yong hikbi at poot.
Hindi ako nagmamadali. Tandaan mo sana na andirito lang ako. Di ko man makamit ang hinahangad kong pagmamahal pero mananatili pa rin akong handang umantabay at handang saluhin ano mang panaghoy mo sa buhay. Ang sugat ay maghihilom din sa tamang oras at manunumbalik din ang tiwala mo sa pag-ibig. Hayaan ko munang gumalaw ang ikot ng mundo sa paraang gusto nito. Magiging ayos din ang lahat. Tiyak yun.

Salamat sa isang gabi na katulad nito upang maipabatid ko ang aking saloobin. Salamat sa isa na namang gabi na hirap sa pagtulog. At dahil dito nailalahad ko ang bagay na ito.Β 

15 thoughts on “Isang gabi na naman

    • Masakit pero dapat tanggapin. Sa mundo di lahat ng gusto natin pede natin makuha. Kahit papaano magpasalamat sa mga sandaling kasiyahan na dinulot niya sa iyo. hindi man tyo ang piliin sa huli tanggapin ng may ngiti sa puso at kahit papaano ay naglaan sila ng kasiyahan sa buhay natin. Salamat sa pagdaan.πŸ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s