A good deeds will always brings good return.

Beggar

Isang gabi papasok sa opisina ay isang pangyayaring hindi ko inaasahan. Mula biyaheng Guadalupe patungong Cubao ay sumakay ang isang Amerikanong lalake (may pagkakahawig kay Jack Nicholson) na may karay-karay na batang paslit at sa kaliwa niya ay tangan naman ang isang malaking maleta na marahil ay punong puno ng kanilang kagamitan. Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay tumayo sa loob ng bus ang Amerikanong lalake at biglang nagsalita na may nginig ang mga tinig at sa aking pagkakatanda ay ganito ang kanyang tinuran: ” Filipino people, I am here in front of you begging for a food, water and money for my child, so please help me”.   Ang lahat ng pasahero sa loob ng sasakyan ay nabigla, ang lahat ay tumutok sa lalaking nagsasalita sa harap. Marahil marami sa amin ang nagtataka dahil kalimitan naman sa mga nanghihingi o kaya ang mga nanglilimos ay mga pulubi, batang paslit, matanda o kaya may mga kapansanan. Pero hindi isang dayuhan at hindi kailanman nagmula sa sarili nating lupain.

Siguro ang ilan sa amin ay napapaisip kung bakit siya humihingi ng limos gayun isa siyang Amerikano. Siguro akala ng ilan basta dayuhan ay marangya ang pamumuhay o dili kaya maraming pera. Siguro akala nila basta dayuhan puros dolyares ang laman ng pitaka at mga pensiyonado. Pero hindi ang isang ito, malayong malayo siya sa iniisip namin. ” My wife passed away a week ago, my child is diagnosed to a cancer and I dont have any family left here and abroad, so please! please! just help me.” Muling makaawa niya.

Sa bawat hinto ng sasakyan, bawat pagsakay at pagbaba ng mga tao ay paulit ulit ang kanyang salita. Mula Guadalupe, Boni, Crossing, Megamall , Ortigas panay ang pagmamakaawa niya sa mga taong sumasakay.  Maraming mga pasahero kasi ang bumubulong na “modus” lang raw ang ginagawa niya, mga walang pakelam ba. Tinitingnan ko siya maige habang nagsasalita at mababanaag mo naman sa kanyang mga mata na totoo ang kanyang sinasabi. Sinsero, tapat at may lalim ang kanyang bawat turan. Nagpadagdag pa yun bata na kalong kalong niya na halata na umimpas ang pangangatawan.

Ewan ko pero parang may kurot sa puso ang kanyang ang pagsusumamo. Gusto kong makatulong kahit sa maliit na paraan. May unang babae ang nag-abot ng isang daang piso bago ito bumaba sa Ortigas. At sa unang pagtanggap niya nang salapi labis labis at pulit ulit ang kanyang pasasalamat. ” Very much thank you and may God Bless you always “ ang una niyang sabi. Ikalawa, yung isang lalake na nag-abot din ng isang daang piso bago rin ito bumaba sa Santolan.” Very much thank you and may God Bless you always brother” muli na naman niyang turan.

At dahil malapit na akong bumaba sa Cubao, hindi ko alam kung kaya ko rin matapatan yun ibinigay nila. Dahil 80 pesos lang ang pera ko nung panahon na iyon tanging 50 pesos lamang at isang bottled mineral water na hindi ko pa nabubuksan lang ang naibigay ko. Tuwang tuwa ang mag-ama nakita ko rin ang pasimpleng pagngiti ng batang paslit. Habang pagbaba ko estribo ng bus ay muli akong lumingon at naaninag ko sa kanila ang kakaibang kasiyahan. Sabay bulong ko na lang na “Lord kayo na po ang bahala sa kanila, huwag niyo silang pabayan”.

Kakaibang kaligayahan ang naramdaman ko rin nung mga oras na iyon. Basta kakaiba. Hindi ko na iniisip kong magkakasya pa yung 30 pesos sa buong maghapon basta kahit papaano ay makatulong lang ako kahit sa maliit na paraan.

Lumipas ang araw ding iyon (gabi pala!) hanggang sa makauwi ako ng bahay ay nagsisink in parin sa king isipan yung nangyari kagabi. Kahit nanuod ako ng telebisyon naiisip ko pa rin, kung nasan na kaya yung mag-ama, kung san kaya sila bumaba o kung ayos kaya ang kanilang kalagayan. Habang nanuod ay biglang lumitaw sa screen ng telebisyon ang pamilyar na mukha, isang babae ang naglulundag sa tuwa dahil nabunot ang numero niya sa isang segment ng “All for Juan, Juan for all ng Eat Bulaga” nanalo siya ng sampung libo. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita, hanggang sa maalala ko na siya yung unang tao nag-abot dun sa Amerikanong mag-ama. Hinding hindi ako puwedeng magkamali dahil yung pilat niya sa mukha at yung pulang laso niya sa buhok nag nagmarka sa akin bago siya bumaba ng bus.

Wow! God is good!. Yun ang unang nasabi ko sa sarili ko nung nakita ko siya. ” Parang kagabi lang nagabot lang siya ng 100 ngayon sampung libo na ang hawak hawak niya”.

At sa kin, naguwi lang naman ako ng apat na libo dahil nag 5th place ako sa isang poker tournament nung araw ding iyon. Nakatitiyak din ako na yung isang lalaki rin nag abot, pinagpala rin siya. Siksik, liglig, umaapaw at umaawas.

Sa mga nangyaring kaganapan, I have realized one thing: ” God has its own way.  A good deeds will always brings good return.

Kaya kung may gagawin pala tayong mabuti sa ating kapwa, gawin mo na ngayon. At bibigyan ka NIYA ng natatanging surpresa.

Have a blessed weekend!😉

13 thoughts on “A good deeds will always brings good return.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s