Salamat di ako makatulog –

 
Salamat sa ‘yo, kulang na naman ako sa tulog.  Pagpikit pa lang kasi ng mata ko, bumabakas sa king isipan ang maamo mung mukha. Iniisip ko kung makakausap na naman ba kita bukas.  Kung makakatabi pa kita pagpasok, makakasabay kita kumain at kung makakasama kita pag-uwi. Tapos irereplay ng isip ko yung mga kilig moments ko kapag kasama ka. Kung marami pa yon, good luck na lang sa eyebags ko ngayon. At for that, salamat din sa eyebags.
Salamat din sa ‘yo, nasusuya na sa ‘kin mga kaibigan ko, mga luma at bago ko ring kaibigan. Buti nga wala akong masyadong contact sa grade school friends ko kung hindi lahat na lang nakulitan na sa ‘kin. Wala na raw kasi akong ibang alam na topic. Minomonopolize ko pa ang oras na magkakasama kami, paulit-ulit din naman daw ang mga kuwento. At kahit hindi sila magkakakilala, iisa ang advice nila: Dream on. Magseryoso ka na!, wag na puros palipad-hangin. Okay, fine. Buti sana kung nakakatulog ako, di ba?
O sige na. Hindi na ‘ko makatulog pero ano ba namang ginagawa ng sleeping pills (red horse n lang)? Lagi akong nangangalumata, pero bakit pa ba inimbento ang concealer? Parang nangangatog ang mga binti ko pero ano na lang ang silbi ng calcium? Ano ba naman yung nasusuya sa kin ang mga kaibigan ko, eh what are friends for? Ano ba naman yung mga yun kumpara sa feeling na para akong nakalutang kahit na nagbaba ako ng pride ko? Sa feeling na kahit thirty minutes na yata akong minumura ng isang irate caller, kapag ngumiti ka, hindi lang sa mukha nawawala ang simangot ko. Pati puso ko nagmumukhang smiley.🙂
ju
Ano ba naman ang mga yun kumpara sa katotohanang nagmamahal ako muli. At hindi lang basta nagmamahal. Kasi IKAW yun. Dumating ka sa buhay ko at kahit hindi man reciprocated ang feelings ko, masaya pa rin ako. Kasi dahil sa ‘yo, marami pa kong natutuklasan sa sarili ko. At para don, nagpapasalamat ako sa ‘yo.
Baka isipin mo kulang lang ako sa tulog. Oo, totoo alas tres y’medya na ng madaling araw, pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko ‘to sinulat. At kung hindi pa rin nagsi-sink in sa yo, sasabihin ko ulit. Two words: Mahal kita. Yun lang. Salamat sana makatulog na rin ako. Good night.😉

16 thoughts on “Salamat di ako makatulog –

  1. naks pinattunayan ng post na ito ang mga linyang sa mga classic OPM songs na alam ko.

    mabuhay sa iyo at sana masabi mo na sa kanya. baka sunod nyan hindi ka na lang basta makatulog, hindi ka na rin makakain. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s