Worth of Sacrifice

Isa ang bidyo na ito na sadya naming nagpaantig sa aking damdamin. Ito ay halaw mula sa pelikulang “Most” na sadyang nagpaantig at pupukaw sa inyong natutulog na puso.

Kuwento ito ng isang ama na labis ang pagmamahal sa anak na lalake. Dahil tanging ang anak na lamang niya ang natitirang kayamanan niya dito sa mundo ay lagi niyang isinisasama ang kanyang anak sa kanyang araw araw na trabaho bilang isang “bridge master”. Ang “bridge master” ang taga manipula ng pagtaas at pagbaba ng tulay upang sa gayon ay makaraan ang tren sa ibabaw nito o kaya naman makatawid ang mga sasakyang pangdagat sa ilalim nito.  Habang ang ama ay naiiwan sa loob ng machinery room ang anak naman ay naiiwan magisang maglaro  sa may lawa sa tabi ng riles. Araw-araw ganito ang kanilang gawi.

Minsan may paparating na sasakyang pangdagat ang kailangang tumawid sa ilalim ng tulay. Kaya bilang isang “bridge keeper”, itinaas ng ama ang tulay na naguugnay sa riles ng tren. Pakiwari ng ama ay aabutin ng mga isang oras bago dumating ang isang papalapit na tren. Kaya naisip nitong tingnan muna ang kundisyon ng makina habang ang mga maliliit na barko ay tumatawid at iwanang naka ankla ang tulay.

Sadyang mapaglaro ang tadhana, sa hindi inaasahang pagkakataon, ang oras na inaasahan ng pagdaan ng tren ay nagbago. Mabilis ang takbo nito. Sumasagitsit. Humaharurot. Malayo pa lang napansin na ng bata ang mabilis na papalit ng tren kaya sinubakan nitong tawagin ang atensiyon ng kanyang ama. Kailangan maibaba ang tulay sa tamang oras at kung hindi maraming pasahero ng tren ang masasawi. Hindi lingid sa kaalaman ng ama na mabilis pala ang paparating na tren.

Hindi nakita ng anak ang kanyang ama kaya dali dali nagtungo ang musmos na bata sa drawbridge upang hanapin ang manual lever para maibaba ang tulay. (Ang drawbridge ay nasa ilalim ng tulay). Marahil, sa murang gulang ay mulat ang kanyang kamalayan na kapag hindi naibaba ang tulay ay maraming tao ang makikitil ang buhay. Hindi pa nagpatumpik tumpik pa ang bata kaya hinanap ang manual lever, napagtanto naman ng ama ang unti unting pagdating ng tren at laking gulat niya ng Makita niya ang kanyang anak na inaabot ang isang “lever” upang maibaba ang tulay.

Dahil sa pagtatangkang iligtas ng anak ang mga nakasakay sa tren ay nahulog ito sa ilalim ng drawbridge. Nagbigay takot ito sa ama ng nakita nito ang nangyayari. Nagpadagdag pa ang mabilis na paparating na tren na maaring sumalpok sa tulay. Ito ang nagtulak sa kanya sa isang mapang hamong desisyon.

Una, ang hayaan na lang mamatay ang lahat ng pasahero sa tren.

Pangalawa, hatakin ang lever na kokontrol sa pagbaba ng tulay at hayaang madurog ang kanyang anak sa bumababang tulay.

most

Sa kaligtasan ng lahat, kinakailangan ang sakripisyo ng isang pinaka-mahal. Sa tingin ninyo, tama ba ang naging desisyon?..

10 thoughts on “Worth of Sacrifice

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s