My Sassy Girl

Dahil sa gusto kong tumawa at mapangiti nitong mga nakalipas na araw ay nakita ko yung lumang “DVD Disc” ko ng My Sassy Girl. Isang pelikula na luma noong 2001. Labing dalawang taon na pala buhat ng ipalabas ang pelikulang ito pero hayaan niyo ilahad ko ang nababalot na misteryo tungkol dito.

pizap.com13583363082511

Habang papuwi ang bidang lalake (Kyun-Woo) ay nanasnaw niya ang isang lasing na lasing na babae na muntik ng mahulog sa riles ng tren. Dahil sa sobrang kalasingan ng napakagandang babae, wala siyang magawa kundi ang tulungan at alalayan ang magandang dilag (Ji-Hyun Jun) at inakala ng mga nakakakita na siya ang nobyo nito.  Hanggang sa dalhin niya si Ji-Hyun Jun sa isang malapit na motel upang asikasuhin ang wala sa ulirat na dalaga at dahil na rin sa hindi rin naman alam ang tirahan nito. Dito nagsimula ang mga nakakatuwang karanasan at namuo ang magandang pagtitinginan ng dalawang bida. Hanggang sa mapagtanto ng bidang lalake ang lalim ng sugat na pinaghuhugutan ng dilag at maunawaan ang sakit na dinulot mula sa naunsyameng pag-ibig ,unti unti rin napapalapit at nahulog ang damdamin nito para sa kanya.

Sinong hindi makakaalam sa palabas na ito. Marahil isa kayo sa mga napakilig at napangiti ng kakaibang sangkap at tema tungkol sa isang  estudyante ng kolehiyo na hindi pa alam kung anong direksyon ng buhay ang tatahakin at istorya ng babae na naging masalimuot ang mundo para sa kanya.

Lintek pala ang palabas na ito.  Maganda ang daloy ng istorya. Tamang-tama ang timpla ng humor at drama. Sukat na sukat ang sangkap ng bawat “twist” ng istorya. Isa sa mga “highlights” ng pelikula ay yung parte na “10 things I love about  You”, o kaya yung ikwento nung matanda ang ginawa nung bidang lalaki na palitan yung puno na tagpuan nila ng bidang babae.  Isa rin sa di makakalimutang eksena ay ang sinabi ng babae nang kausapin nya ang nagwawalang sundalo ukol sa pag-ibig.  Sabi niya, ang tunay na pag-ibig ay mapagparaya at hindi makasarili kahit ang katumbas nito ay ang labis na pagsakit ng kalooban.

278506032_640

Tiyak tumatak sa inyong mga puso ang mga katagang ito:

The 10 Rules: (ito yung parte na pinagbilin ng bidang lalake ang mga dapat gawin ng isang tulad niyang lalake para magustuhan siya ni babae).

1. Don’t ask her to be feminine

2. Don’t let her drink over three glasses

3. Drink coffee instead of Coke/Juice 

4. If she hits you, act like it hurts. If it hurts, act like it doesn’t

5. On your 100th day together, give her a rose during her class

6. Make sure you learn fencing and squash

7. Be prepared to go to prison sometimes

8. If she says she’ll kill you, don’t take it lightly

9. If her feet hurt, exchange shoes with her

10. She likes to write. Encourage her

Tulad ng pagsasalarawan ko kanina. Maganda ang pagkakalahad ng pelikula.  May suntok ang bawat binibitawang mga punchlines at komedya. May sipa ang bawat kataga na binibitiwan ng bawat bida. Tunay ngang nagiiwang kirot sa ating mga puso ang mga iniwang karakter ng babae sa kabila ng pagkagalit niya sa mundo ay naroroon pa rin ang malasakit sa mga bagay bagay at pag uunawa sa pagmamahal. Lalo pang nagpakilig ay mahusay na pagsaliw ng musika ( I Believe by: Jimmy Bondoc ) ang melodiyang nagpakiliti sa bawat tagpo.

Habang papatapos ang palabas, I felt the sudden urgency sa lahat ng mga bagay na plinano ko sa buhay ko noon pa. Na ang pelikulang ito ay parang palabas ko rin sa totoong buhay. Na yung mga taong hindi mo inaasahang dumating ay makikilala mo rin pala sa di inaasahang pagkakataon. Na yung taong hinahanap mo sa hinaharap o future, ay nasa harapan mo lang pala.

pizap.com13583359761381

Hanggang sa muli. Ajah !😉

 

12 thoughts on “My Sassy Girl

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s