Mabuhay ka Manny !

manny

Sa isang dekada mong pakikidigma ay nasilayan ng buong sambayanan ang natatanging pagkahubog ng iyong pagkatao. Mula sa ibabaw ng lona, sa ibabaw man ng entablado, sa likod ng mga telon o maging sa upuan sa Kongreso ay nanasnaw naming ang iyong angking katangian. Taglay mo ang isang kabutinhang loob na may busilak na malasakit sa iyong kapwa. Taglay mo ang kakaibang katangian na tumatatak sa bawat pusong Pinoy. Mula sa pamilya, asawa at kaibigan maging sa ating Inang Bayan ay handa mong salubungin at tanggapin ang bawat suntok upang magbigay karangalan ka sa ating nagkukumahos na bayan.

Maka ilang beses mo na bang inilagay sa mapa ang bansang Pilipinas? Ilang beses mo na rin bang Itinaas at iwinagayway ang watawat ng ating bansa? Ang mariing patugtuin ang pambansang awit sa kabilang panig ng daigdig? Ilang beses mo na rin makaulit sambitin at hindi nagsasawang ika’y Pilipino? Ilang beses mo na rin naging pamantayan ang Panginoong DIyos na bawat laban mo ang siyang nagiging lakas mo at kapangyarihan upang gapiin ang mga kalaban?..Ilan? ilan ? Ilan?…

Ngayong, nahaharap ka sa kakaibang dagok. Ang paghalik sa ibabaw ng lona makalipas ng napakatagal na panahon ay muli mo na naming nayakap. Malayong malayo ito sa nakagawiang pagpupugay sa tuwing nakakamit ang tagumpay. Ang pagtanggap ng ibat ibang batikos mula sa nabigo mong laban ang naging usap usapan sa apat na sulok ng Pilipinas.

Hindi sa lahat ng pagkakataon dapat mong ipakita na ikaw ay manalo. May karapatan din manalo ang iba, ganyan sa mundo ng palakasan. Pero ipinakita mo pa rin ng buong pagpakumbaba kung bakit kelangan ka pa rin dapat naming hangaan. Sa kabila ng pagkabigo ay nabanaag ang mga ngiti at buong puso mong tinanggap ang isang masaklap na pagkatalo. Na ang pagyakap sa isang kabiguan ay hindi isang kahinaan bagkus ay nagsisilbing lakas upang tahakin ang mga darating pang hamon at bakbakan sa buhay.

Ang tunay na kampeon ay wala sa dami ng “title na belt na suot”, wala yan sa 8th division tittle na nakamit”, hindi rin yan sa limpak limpak na salapi o bilyong bilyong dolyares na nakuha, at hindi rin yan sa milyong milyong mga tao na umiidolo sayo Dahil ang tunay na kampeon ay wala sa baba ng pagkadapa at paghalik sa lona kundi sa taas yan ng pagbangon!

Isa ka pa ring huwarang ehemplo na kailanman ay habangbuhay na ipagmamalaki sa buong mundo. Alam kong hindi ito ang huli para sa iyo dahil tayong mga Piliipino ay marunong bumangon mula sa pagkadarahop at pagkatisod. Buong tapang pa rin natin susuungin ang bawat hamon ng buhay, walang pag—imbot. Buong puso natin tatanggapin ang mga pagkakamali ngunit kasabay nito ang pag-asang mahahagkan din natin ang pisngi ng tropeo maging sa loob man at labas ng ring. Mabuhay ka Manny!…..

12 thoughts on “Mabuhay ka Manny !

  1. “Maka ilang beses mo na bang inilagay sa mapa ang bansang Pilipinas? Ilang beses mo na rin bang Itinaas at iwinagayway ang watawat ng ating bansa? Ang mariing patugtuin ang pambansang awit sa kabilang panig ng daigdig? Ilang beses mo na rin makaulit sambitin at hindi nagsasawang ika’y Pilipino? Ilang beses mo na rin naging pamantayan ang Panginoong DIyos na bawat laban mo ang siyang nagiging lakas mo at kapangyarihan upang gapiin ang mga kalaban?..Ilan? ilan ? Ilan?…” –🙂

    hello, Myr… hope things are well on your end. Magandang Pasko!🙂

  2. This really goes to Manny. Nice post… He will really appreciate this if only he have chance to see this.. As we all know he bring us a good fights.. lets not forget those things and even he lose the game.. he will always be the pride of the Philippines.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s