“Bago dumating ang araw ng kapaskuhan ay muling nagngitngit at naramdaman ang Bagyong Pablo. Nakakalungkot at labis na kalumbay-lumbay sa kadahilanang maraming pamilya ang hindi kumpleto at mananatiling tumatangis dahil sa mga tahanan at buhay na nasalanta. Tila isa nanamang malaking delubyo ang kinakaharap ng ating mga kababayan na tila baga walang katapusang pakikipagtagisan kay Inang Kalikasan. Tila paulit-ulit na lang ang mga ganitong kaganapan, tila hindi tayo natuto sa mga nagdaang bagyo sa ating bansa.
Pero sa kabila ng lahat ng mga suliraning ito, huwag nawa tayo mawalan ng pag-asa, manalangin at maging matibay pa nawa ang ating pananampalataya
sa ating Dakilang Lumikha… Maraming mga bagay pa rin tayong dapat ipagpasalamat at may karapatan pa rin nating ipagdiwang ang darating na Kapaskuhan na may namumutawing ngiti sa ating mga labi.
Kapit lang.
Advertisements
Tama. Kapit lang. Nakakalungkot na puro si Pacquiao ang focus ng mga tao ngayon 😦 Tsk! Let’s pray for them.
Salamat beancent…its one of the biggest thing that we could do for now..pray! 😉
Nakakatuwa Myr ang iyong positibong pananaw, lalo ang pagpupugay sa ating Maylikha. Napakagandang gabi sa pagbisita sa iyong lugar. 🙂
Maraming salamat cup. Asahan ko ang iyong panalangin. Gandang gabi sa iyo.
minsan pag nahihirapan akong huminga kasi hanggang leeg na ang mga suliranin ko…sumisilip ako sa post na ito… narealize ko, napakaswerte ko pa rin….kasi wala akong kamag anak na natatakpan ng dyaryo o hinahanap sa laot…. hello myr ….
Aww…salamat chilled. Maraming mga bagay pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa Kanya. Pero hindi matatapos ang buhay, patuloy lang tayo sa pag-ahon at pakikibaka at matatamasa din natin ang kaginhawan…:-)
Just a sec….. who are those on the ground? they are dead , I know, but how did they die?
yeah. These are people who unluckily survived by the typhoon. They were all victims of flash flood..Sad to say. But we need to keep our faith.