Tulad ng isang alon

Tulad ng Alon

Ang buhay patuloy lang sa pakikibaka sa mga panahong nagdaan

Katulad ng mga alon, hindi siya napapagod haplusin ang dalampasigan

At anu mang hadlang  at harang ng mga buhangin upang itulak siya palayo

Walang pagod siyang bumabalik at patuloy sa pagsuyo

 

Iukit mo man sa buhangin ang mga alaala ng kahapon

Hindi man masaling pero guguho ito sa ihip ng hangin

Tulad ng bakas sa buhangin, maaring mawala lahat ng alaala ng pag

katao mo sa dalampasigan sa isang hagod ng malakas na agos…

 

Ang alon sa dagat ay nag aalimpuyo, anu mang hambalos nito

ilang ulit man itong itulak pabalik

patuloy ito sa pagragasa at pag-agos na parang walang nararamdaming sakit

Dahil sa mundong ito ay punong puno pa rin ng ligaya at tamis.

12 thoughts on “Tulad ng isang alon

  1. Myr, magandang gabi, napakasarap naman sambitin ng mga hagod ng iyong mga pangungusap. Na mimiss ko ang mga ganitong salitaan na magaang ang pagkakalatag, nadarama ang bawat talata sa tuwing sasambitin. Nasarapan talaga ako rito Myr, walang halong bola. Napapa -emo ako.

    • Awww…salamat uli. Alam mo naman tayo kapag naging emo mode at senti moments mas lumalabas ang talas ng panulat. Mas nakakagaan kase ng pakiramdam kapag nagbabahagi ka about lifes perfective. I mean life is unfair kung minsan pero mas marami ang masaya at makulay na dahilan para yakapin at namnamin ang buhay. Maging inspirasyon tayo sa iba kahit sa ganitong paraan lang. Enjoy weekend!😉

      • ako’y tunay na napahanga (inspired) nitong iyong paskil. lalo pa dito sa iyong komento, “mas marami ang masaya at makulay na dahilan para yakapin at namnamin ang buhay”.

        kinakailangan lang talaga nating matutunan na maibaling ang ating puso’t isipan para ating masumpungan ang mga bagay o simpleng bagay na magdadala sa atin sa tunay at lubos na kasiyahan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s