Ang buhay ay parang pag-akyat ng bundok

Ang buhay ay parang pag-akyat sa isang bundok. Maraming ups and down. Maraming hirap at pasakit, pagod at hikahos. Maraming lubak na daraanan, putik na lalakaran, at bangin na lalagpasan. Maraming pawis na pupunasan, maraming hangin na hahabulin at maraming tubig na iinumin. Pero gayon pa man ang lahat ng ito ay kinakailangan sa pag-ahon at nagiging sandata sa isang makabuluhang paglalakbay.

Mula sa paanan pa lamang ay kailangan mo ng ihakbang ang iyong mga paa at ng marating mo ang rurok ng kabundukan.  Lakad sige lakad lang animo’y umiiindayog na mga paa. Walang katapusan na paglalakad, mga paltos sa paa at kalyo sa daliri. Mga pinupulikat na binti at nangangatal na mga tuhod. Animo’y binibagtas mo ang isang daang hindi mo matanaw ang dulo. ! Mararanasan ninyo ang maglakad sa dilim, paakyat ng bundok … walang maapuhap, walang mahawakan, at walang makitang katiyakan. Sa kabila nito , kailangan mong huminto, mag pahinga ng bahagya at uminom. Magnilay pansamantala at humingi ng palatandaan upang masundan ang daan na tinatahak. Patirin pansmantala ang uhaw at magtawanan at magsaya. Kailangan ibsan ang pananakit ng katawan. Dahil ang buhay ay puno pa rin ng saya sa kabila ng mga paghihirap.

Sa pinagkahaba-haba ng inyong paglalakbay dumarating sa punto na gusto mo ng huminto at sumuko. Bumalik na lang sa simula. Ngunit marami ka ng hirap na pinagdaanan at hindi na dapat bumitaw pa.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay iba’t ibang tao ang inyong makakasalamuha. Mga iba’t ibang ugali at maraming karanasan na. Mayroong survivor, may mga madaling sumuko. Mayroong malalakas ang loob, may mga madaling panghinaan. Mayroong handang magbigay ng tulong, mayroong hahayaan ka na lang sa pagkakadulas. Mayroong hinding hindi ka iiwan, mayroong din kaya mag-isa maglakbay.

It’s about the journey and not the destination

Kung ang iisipin mo lang ay ang marating ang pinaka rurok ng bundok ay sa malamang na malalagpasan mo ang ganda at kahalagahan ng buhay. Life is to be enjoyed, every step of the way. May maganda mang tanawin sa taluktok ngunit mas maraming kaaya-ayang tanawin ang inyong madaraanan. Namnamin ang tamis ng kalikasan.. Ang mabangong samyo ng mga bulaklak. Ang paglangit-ngit ng mga punong kahoy.  Ang pagragasa ng tubig sa ilog at pagtampisaw sa batis. Maririnig mo ang dagundong mula sa talon.  Damhin mo at hagkan ang sinag ng araw kasabay ng paghaplos sa iyo ng hanging amihan.

Maatapos ang mahabang oras na paglalakad ay mararating mo ang tuktok. Duon may kakaibang kapangyarihang babalot sa iyo at iibsan lahat ng pagod at sakit. Mararamdaman mo ang kakaibang kasiyahan, kapayapaan at kaginhawaan na mahirap maipaliwanag. Matutunan mo na may mga bagay dito sa mundo na kailanman ay hinding hindi matutumbasan ng salapi. Priceless kung maituturing.

At sa buhay kapag nakamit mo na ang pinaka highest “peak” nito ay may mga mararanasan pa rin tayong mga suliranin. Tulad din yan sa bundok, pabago bago ang panahon. Unpredictable. Malakas ang hangin. Minsan uulan at dili naman ay tirik na tirik ang araw. Sa gabi, magsisilbing ilaw ang liwanag ng buwan at mga tala sa kalangitan. Mabibilang ang pagdaan ng mga kometa. At ang nakakabinging katahimikan na ang tanging maririnig mo lang ay alulong ng mga mababalasik na hayop mula sa kakahuyan, ang paggapang ng mga ulupong at nakakakiliting paglipad ng mga kulisap at gamu-gamu. Panganib man ang nakaamba pero pinagbibigkis tayo ng ating panalangin na kailanman ay hindi tayo pababayaan ng Dakilang Lumikha.

Sa paglipas ni Kabonegro ay naghihintay ang isang umagang kay ganda pabalik sa paanan.

Mas kaaya-aya. Mas masaya. At handa ka na muling suingin ang bagong hamon. Ang paglalakbay pabalik. Matapos ng isang nakakahapong pag-ahon ay isang kapana-panabik na pagbaba naman ang gagawin.

Ang buhay ay parang pagbaba ng bundok. Mabilis, mahirap, kapana-panabik at peligroso. Hindi mo alam kung anong puwedeng mangyari uli. Maari kang muling matisod, madapa, magalusan at masaktan muli. Pero kailangan bumangon at ipagpatuloy ang paglalakbay. Minsan akala mo na ang daang nilalakaran mo ay ang daan pabalik, pero hindi pala at kailangan mo ikutin muli at magbalik ka sa simula.

Nang marating mo ang paanan, mapapabuntong hininga ka at magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapatnubay na Kanyang ginawa. Sa gitna ng mga paghihihirap at banta ng panganib, sa ligaya at saya alam mong may naka agapay sa iyong mahabang paglalakbay…

17 thoughts on “Ang buhay ay parang pag-akyat ng bundok

      • hello, Myr… a, naka-akyat na sa bundok ang lola mo – twice. pero ang tagal na ng mga iyon at siyempre, di ko naisulat ang karanasan. hamo, aakyat ako uli one of these days at isusulat ko na para winner din, haha. parang ikaw lang, waxing philosophical at ang husay naman… owki-owki naman po, daming salamat. i hope you are sailing fine. cheers!😉

  1. Alam mo ba Myr na matagal ko nang ninanais na makagawa ng isang katha na patungkol sa kabundukan, hehe, ngunit maka ilang pagtatangka na rin akong nabigo. Marahil kailangan ko rin na maranasan ang pakikisalamuha sa anyong kalikasan gaya ng iyong naranasan, upang di maging mailap sa akin ang mga kataga at tugma na karapat-dapat. Ang makapupukaw ng aking uhaw na kaisipan at damdamin. Maraming salamat sa isang napakasarap na sulatin.

  2. Lahat ng bagay mayroon ditu sa mundo
    Dapat pagsikapan.
    Ang tagumpay ay hindi isang magic
    Upang sa ganun madali mu itong makamtam.
    Minsan ang pagtitiwala sa isang tao ay wag ibigay kahit kaninu…
    Mas mabuti nalang kung ikaw mismo ang gagawa at paghirapan ito sabay tulong sa DIOS dahil tutulongan ka nya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s