Bundok Famy

Heto un unang pagkakataon na umakyat sa isang matarik na bundok ng Famy. Nais ko munang magpaumanhin sa mga larawan na nakakabit dahil itoy masyado ng luma at kupas na. Hindi pa kase uso ang mga Slr, digital at phone camera nuon. Kinailangan pa namin ng Fuji film na may 24 shots para lang magkaroon kame ng mga larawan. Kung mapapansin sa larawan ay naglalakihan ang mga katawan namin nuon. Dahil sa murang katawan namin, inakala kaming modelo ng isang “non-fat milk” poten cee at multivitamins.

It was year 1996 when we decided to have a different adventure. Ito yung umakyat ng bundok. Naimpluwensiyahan kami ng isa naming nakatatandang barkada na si “bundok master Arnold”..Oo “bundok master” kase marami na rin siyang naakyat na bundok dito sa Pilipnas. Dalawang oras na biyahe mula Makati patunong Famy, Laguna ang kailangan. Dito magsisimula ang aming paglalakbay….

Bughaw na kalangitan, maaliwalas na panahon at nakangiti si Haring araw. Akmang akma na panahon sa pagliliwalw at pag akyat ng bundok. Hindi masyado bihasa pero bitbit namin hindi lang ang malaking “tent” sa aming likuran kundi pati na rin ang lakas na loob na suungin ang isang matarik na bulubunduking kahilera ng “Sierra Madre”.

Sa paanan pa lamang ay dama mo na ang simoy ng sariwang hangin na kailanman ay hindi mo malalanghap sa siyudad. Ang samyo ng hangin nang-aakit at humahalina sa mga manlalakbay na nais itong akyatin. Maririnig mo na ang mga huni ng ibon at lawis-wis ng kawayan, malayong malayo sa mga busina ng bus at ingay sa lungsod. Sa aming paglalakbay unti unti kong nasisilayan ang iba’t ibang kagandahan ng ating Inang kalikasan. Nanasnaw ko ang matatarik na dalisdis, ang pasirko-sirko na bagnos at ang matatayog na punong kahoy sa kagubatan. Maririnig mo ang lagaslas ng tubig ng mga sapa na binabagayan ng mga talon at malalabay na kakahuyan, palumpong at iba pang ilahas na halaman. Madudulas ka sa tarik ng bangin at taas ng mga talampas.

Lakad dito, akyat doon. Dulas dito, dulas doon. Paulit ulit ang paglalakad, paghihirap at parang walang katapusan. Pero kailangan tumigil, uminom ng sandali, magtawanan at ma-refreshed ng bahagya at ipagpatuloy ang paglalakbay.

Sa bundok sa gubat hindi kami natatakot
Basta’t kasama si Dindong supot
Dala namin sa bag namin, kutsilyo at martilyo
Tutuliin si Dindong supot 

Yan ang aming kinakanta habang naglalakbay. Nakakapag pagaan ng pakiramdam sa tuwing inaawit namin siya ng sabay sabay. Ibat ibang tao rin ang aming nasalubong. Ang iba sa kanila ay mga “first timer” na katulad din namin. May mga magpapamilya, magkakaklase, magkasintahan at magkakagrupo. 

Matapos ang tatlo’t kalahting oras na nakakahapong pag-akyat. Hihingal-hingal at pumupugak pugak na narating ko ang tuktok ng bundok, at doon ay nalaman ko na ang lahat ng hirap na aking pinagdaanan sa aking pag-akyat ay sulit.

Sa tuktok ay nasilayan ko ang napakagandang paglubog ng araw habang dumadampi sa aking mukha ang malamig at mabangong hangin ng kabundukan. Naramadaman ko ang kakaibang kasiyahan at kapayapaan na hindi ko maipaliwanag. Napapikit at niyakap ang mga ulap. Bumulong sa sarili at nagpapasalamat sa obrang likha ni Bathala.

Tatlong araw at dalawang masasayang gabi kami ay namalagi. Inuman, kuwentuhan, asaran at hagik-gikan ng walang humpay. Kakaiba ang karanasan naming ito. Mula pag-akyat hanggang sa pagbaba ay namumutawi ang mga ngiti sa aming mga labi. Hindi ito ang una at huling akyat dahil nasundan ito ng pangalawa at pangatlo. Dahil ang pagsasama sama namin ang nagpapatibay at nagbibigkis ng aming samahan. Ngayon alam kong abala na ang lahat at may sari sarili na ring mga pinagkakaabalahan. Mananatili sa aming mga alaala ang kakaibang ekspedisyong ito ng aming buhay.

7 thoughts on “Bundok Famy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s