Usapang Babaero

Babaero-  salitang ugat: babae, meaning ‘woman’.. womanizer, playboy, polygamous. Papalit-palit, paiba-iba, pinagsasabay-sabay. Hindi makuntento sa isang babae.

babe

Senyales ng Babaero:

Hindi makatingin ng diretso

Madalang sa text

Siya ang nagiging Diktador sa relationship , siya ang batas

Hindi siya nakikipag emotional talk

Takot sa “Public Display of Affection”

Ayaw ng surprise visit

Inaalis ang wedding ring

Walang wallpaper ang cell phone

Hindi diretso sumagot. Daming paligoy-ligoy

Pag-aantayin ka ng isa hanggang dalawang oras

Breakfast  na lang di pede ang dinner

Kapag may tumawag lalayo at bubulong 

Kapag may issue, hindi sinasagot ng diretso.

Hindi nag bibigay closure sa babae

Tips sa mga Babaero:

Huwag aamin. Deadma Lang.

Trust us. It helps. Psychological.

Kapag hindi ka umamin, mag sisink in sa utak ng babae na wala kang inaamin.
Sabihin pa rin na siya ang mahal mo! ang gusto mo! ang nag-iisang babae mo! Basta huwag umamin. Pumutok man uli ang pinatubo, wala kang aaminin!

Never doubt the Woman’s Instict.

Huwag i-underestimate. Huwag mamaliitin. 
Dahil malupet ang Woman’s Instinct. Proven yan. Para silang may kapangyarihan or special skills sa ganyan. Kung may naamoy na yan nang isang beses na nambababae ka, hindi na mawawala yan sa pang-amoy nila. Matritrigger na yung utak nilang magkunwaring wala silang alam. Pero ang totoo, nagiipon na yan ng mga sinyales.
Kahit wala kang ginagawa, iisipin nila may ginagawa kang kagaguhan. Dahil ganun ang pagkaparanoid nila. Kaya kung mambababae ka na talaga, mas mahihirapan ka na magtago. Gets? Kasi natrigger mo na pagkapraning nila eh.

Kunwari tinanong ka ng asawa,jowa or girlfriend mo, “Bakit ngayong ka lang aber, eh dati naman hindi ka naman ganito umuuwi?”
At heto ka naman at magdadahilan at kung anu ano pang rebuttal at sabi niya, sige, naniniwala siya.
Kung sa tingin mo nakalusot ka na sa malupet mong rason, hindi pa, nasa utak na niya yan.

Kaya kung mambababae, bantayan ang routine sa niloloko mo, huwag biglaang baguhin, huwag hayaang makaamoy ng kakaiba ang partner mo. Ingatan ang kanyang woman’s instinct.

Hindi ka dapat magpasakop sa babae.

Hindi hinahayaang malamon ng mga babae ang kanyang buhay.  Dapat ikaw ang masusunod, ikaw ang diktador, ikaw ang batas. Ikaw ang hahawak it magpapaikot sa utak at puso ng babae.

Babaero Moves:

Mga binibitawang linya ng mga Babaero:

Minsan sa aming mga lalake “We’d rather not to take our relationship in a deeper level”. Yun tipong masaya na kayo kung ano kayo ngayon. Wala ng nakakabit na lebel-lebel pa.

Eto un tipong ayaw mu pa masyado seryosohin ang isang relasyon. Tipong inaasure niyo muna sa isat isa kung ano ba talaga ang mas nararapat na status ninyo.

Playing Safe. Ayaw magsalita ng tapos. Magaan sabihin, pero sweet at may dating.

—————————

Para sabihin ko sa mga babaero jan, wala akong sama ng loob sa inyo. Choice niyo yan eh. Hindi ko rin balak ibuko yun kabalastugan at kalokohan ng mga katulad natin. Minsan na rin akong naging babaero. Nanggaling na ako jan. Alam namin natin na iisa lang habol natin. Pero mas mainam ang magbago.

Pero sinulat ko ito para malaman niyo na ang tunay na nagmamahal at rumerespeto sa mga babae ay wala pala sa dami ng babaeng napasagot yan, wala sa dami ng babaeng kasama mo matulog gabi-gabi, wala sa dami ng chikinini mo sa katawan at wala rin sa dami ng anak na nalahian.

Maniwala kayo mga pare, ang malaman ng mundo na malupet ka na babaero, won’t do you any good, wont make any difference. Na malaman na ano, na pogi ka!, na matikas at matinik ka sa babae! Ikaw na magandang lalake sa buong mundo!

Ganito. Minsan sana magkaroon tayo konsensiya sa mga babaeng nais nating makasama, mga babaeng mamahalin. Na mas maging faithful tayo sa kanila. Na hindi natin sila pinaiiyak at pinaluluha dahil sa iba. Yung tipong may nasasabi sila na ” Ako lang di ba? “..Ako lang “….Na kaya natin silang pakiharapan at tumutig sa kanilang mga mata. Tandaan mo. Iba pa rin ang pakiramdam ang magmahal ng tapat at iisa. Mas katangi-tangi ang nadarama at masasabi mo na mas massarap pala magmahal ng tapat.

Happy weekend !  ajah !😉

50 thoughts on “Usapang Babaero

  1. “Iba pa rin ang pakiramdam ang magmahal ng tapat at iisa.” – hihihi, ilan lang kaya ang lalaking kayang magsabi nito nang hindi nahaharinan (choke)? i just wonder… ^^

    sabi, may ilang lalaki raw na kayang maging faithful. ilan lang… tapos, technically faithful lang daw ‘yon. essentially and basically, may infidelities pa rin. sabi lang naman…😉

    • Ahem!….siguro sa panahon ngayon, mangilan ngilan na lang talaga..ewan ko ba pero ayokong isipin na parang nature na ng mga lalake ang pagiginh polygamous. But still ayoko pa rin lahatin dahil may mga tao parin na takot sa sarili nilang multo…mahirap magsalita pero eventually may makikialala ka rin na guy na super faithful sayo….if that happen, isa ka sa mga pinakamapalad na babae sa mundong ito…happy weekend poh..;-)

    • Tama Awit, iilan lang kami talaga (uhu, ugh), pero ang ilang pagsubok sa tatag ng pag-iibigan ay lalong nagpapasidhi sa pagmamahalan ng dalawang nilalang, basta makita lamang ang mga bagay na dapat at tama, at magkaroon ng sangkatutak na pagtitimpi (naku sana mabuhusan ako nawa, hiling sa Maykapal, pls oh Lord, sa panahon ngayon kelangang kelangan talaga ni Cup). Kung minsa’y kasi sa parte ng mga lalaki, mahirap malapit sa sitwasyong kagaya ng kinatatakutan ng mga babae na mangyari para sa kanilang mahal (ang mapalapit sa mga Gels na talaga namang may dalang lambing), talagang maglalaban ang tibay sa pananalig sa Diyos at ang sariling desisyon. Kung minsan ganun ba talaga ang mundo, ang tao, at ang sitwasyon?, na kusang naghahain ng mga dapat at di-dapat. At matapos makapili sa dalawang “options” doon mo palang malalaman ang tunay at ang kahihinatnan ng mga pagpili, tila isang sorpresa na biglang bubulaga.

      Sa ngayon sa tangkang pagbubulalas ni Myr (na blogger na may puwang sa kamalayan ng aking pusot isipan), nais kong i-share na sa buhay ng isang lalaki, may mga certain levels ang pagiging babaero, ang pagiging malapit sa girls siguro ay naituturing na babaero, pero ang sa akin, basta’t walang bagay na ginagawa na alam nating BAWAL o labag sa kalooban ng sinuman (including the one you truly love), mananatili pa ring katanggap tanggap ang pagsasamahan.

      Lagi kong ina-alala ang payo ng aking Mahal, sabi niya lagi, “Oh mahal, lagi mong tatandaan na, prevention is better than cure, ang babae kapag binigyan mo ng extra attention, malamang sa malamang ay may “possibility” na ma-inlab sa iyo, kahit di mo talaga instensyon”.

      p.s., si Cup ay nagpahayag lamang para mag share, ngunit di ito nangangahulugang siya ay naging malinis, tuwid at mabuting lalaki para sa kanyang Mahal, siya rin ay minsang nahuhulog o natitisod sa mga lubak ng mga daang kanyang tinatahak.

      at kung minsang sa pangyayaring ganito, di lamang ang dahilan nito ay para magpaka-macho or magpa-pogi sa iba, o ang magpasikat, meron kasi itong bagay o dahilan na sa ngayon ay di pa lubos ding maintindihan ni Cup.

      • Wow cup! napa whew ako sa sinabi mo dito. Maraming salamat talaga sa mga karagdagang paalala ukol sa usaping ito. Hmmm….i wonder kung paano kaya ikaw mambabae? Hehehe..napaisip lang ako. Di ba naman tlaga sa buhay nadating sa ating mga guy ang tumingin din sa iba. Hindi naman sa sinasabi natin na di tayo faithful sa ating mga minamahal siguro mas may nakikita rin tayong ibang katangian na hindi natin makita sa ating mga partner. On the other way around, its a big test to your relationship kung magpapadala ka sa tukso, kung makikipagrelasyon ka iba or try to hold on to your current relationship. Hamon yan na binibigay sa iyo lalo na kung engage ka na, commited or kasal na. Maybe prone ang mga guy na mambabae lalo na if the gurl is showing some intentions that they really like the guy. But like what you have said “bastat alam mo sa sarili mo na walang masamang bagay or bawal na ginagawa mananatili ang konsenya at mas magiging matatag pa ang samahan”… O siya cup alam ko na faithful ka na ngayon at mas maging mayabong pa nawa ang iyong buhay pag-ibig😉

        • Naku si Cup ay lubha atang mapagkalinga, kung minsan nga lang sa pagiging mapagkalinga, hmmm, may nahuhulog sa upuan, sigh. At kung minsan ang inyong lingkod ay kasamang nahuhulog din sa kina-uupuan, naku, patawarin talaga. Ngunit ang mahalaga ay ang “realization” at ang pag-iingat na tumungo “beyond the limits”, dahil kung magka gayunman ay labis ang magiging o magkakaroon ng “guilty feeling”, at ang pagkapoot mismo sa sarili.

          Nakaka tuwa at mahahalaga ang iyong mga mapangahas na linya sa kathang ito. Saludo si Cup.

    • bakit parang labas sa ilong? bulaan, bulaan!😉 hi, Pot! ano’t humihirit sa paksa? kapatid, hwag munang kondenahin – ambisyon mo pang maging Don Juan balang araw. ikaw rin, baka ma-preempt… sige? hehehe… happy All Saints Day sa iyo at sa may bahay, kay Myr.🙂

  2. para sa akin nd masama ang ang isang babaero kung ikaw ay binata pa at walang sabit, dahil ang damdamin ng isang babaero ay my hinahanap na wala sa mga nagiging gf niya kung kaya t nangliligaw pa rin cya,, kung baga sa babae ay pihikan, pero oras ng makita nila ang hinahanap nila, db pokus na sila sa isang babae, na cnasabi karamihan dati silang babaero, pero nagbago na, ang tunay na magaling na babaero tandaan nyo ay nd nagpapaiyak ng babae, madami man dumaan sa buhay niyang babae pero paghiniwalayan nya ang babae ay walang sama ng loob sa kanya at nagiging kaibigan nya pa, yan ang magaling na babaero, bihira lang ang mga gamyang, na lalake, yung mga nagsasabi na babaero madaming girl at madaming napaiyak na babae yan ang pananamantala sa kahinaan ng babae na napaniwala dahil sa sa cnasabi nila, hinde babaero ang tawag doon manlolokong lalake, pag alm nila na my gusto sa kanila yun sasamantalahin, isa lang masasabi ko mga tol kung kayo magpapaibig ng babae maging idolo nyo, saludo ako sa inyo mga tol pag nagawa nyo nd magpaiyakng mga babaeng napaibig nyo, saka ang tunay nababaero malihim at hinde madal dal, at nd pinagkakalat na naging gf ko na yan, maging simple, hehehe napahaba ata

  3. Dapat dyan sa mga babaero pinuputulan ng a** at nilalagyan ng sili yung kanila pagkatapos putulin at kinakarma.yun bang tumatanda ng nag iisa at walang kumakalingang anak dhl sa ugali nila.

  4. Ganun pala ung mga babaero dko maisip un a. .alam mu bang lahat ng sinabi mu e patungk0l sa bf q. Parang gusto q ng maniwalang babaero talga ang gago na yun!hay. Thanks f0r dis tgal q ng hnap ng sag0t dto ku lng pala makikta.:-(

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s