Call Center Boi?

Anim na taon na ako sa ganitong trabaho. Yes! Anim na taon. Walang stir. Six years na ako sa kumpanyang pinapasukan ko. Shaks! Wtf! Pwede na raw ako magpalilok ng rebulto at puwede na rin ako magtayo ng puwesto sa pantry. It was 2006, nang unang mapasabak ako sa ganitong larangan…Nakakatuwang isipin at balik balikan kung paano ako nakapasok sa ganitong larangan. Ni sa hinuha ng manghuhula wala naman sa guhit ng palad ko na pasukin ang magulo pero isang napakasayang mundo na kung tawagin ay “Call Center World”…

Plantsa ng Long Sleeve, slacks na itim, shine na sapatos. Check. Pomada sa buhok. Check.Resume. Check. Address ng Kumpanya. Check. Folder. Check. (Necktie. Eks….magmumukha na akong tindero ng encyclopedia. ) Siyempre bitbit ko rin ang munting dalangin at lakas ng loob. Handa na ako!

Pagkapasok ko pa lang ng gusali ay makikita mo na rin ang bulto ng mga aplikante. Mga umaasa na mabawasan ang mga palamunin ng magulang at maibsan ang di mapigilang populasyon ng mga tambay.

“Excuse me miss, Saan po puwede ipasa?” (angat ng resume sa receptionist)
“Im sorry? “Tugon niya. (Sorry? Anu bang ginawa kong masama?)
“Resume ko po”.. tugon ko uli na may ngiti
What is that?” ( Tanga ba to, kita na ngang resume sagot ko sa sarili ko)
“I just need to submit my resume and applying for a csr position”…(wow spontaneous kahit ngawit ang panga)
“Okey, just put it right over there and i will be calling ur name in few sec”….

Whew! Pinagpawisan ako dun ah. Hindi na kinaya ng tawas at namasa ang kilikili ko. Yun ang unang pagkakataon na nakapagsambit ako ng mahabang ingles.. Buti na lang marami akong baon..
Initial Interview…Pass

Reading and Communication Skills.. Pass…

Typing Skills…Pass..

Panel Interview…Pass..

American Accent and Customer Relation Management Skills.. Pass….

Final Interview..Pass….

Grabe ganito pala ang proseso. Isang buong araw ang ginugol para dito. Akala ko nuon basta magbabasa ka lang ng “Peter Piper pick a peck of pickled pepper” tapos nagustuhan un enounciation of words mo eh tanggap ka na…

Congratulations and please submit the following requirements! Wow totoo na to. Kase un ibang mga kasabayan ko may inabot na letter saying na “Thank you for your interests in applying...keme..keme, you may re-apply after 6 months”…Feel sorry for them but I thank God na hindi niya ako pinabayaan at binigyan NIYA ako ng angking kakayahan at katatagan na makipagtalastasan sa linggwaheng hindi naman talaga sariling atin.

 
At last. Certified employee na rin ako. Mababawasan na yung tambay sa kanto. Hindi na ako palamunin. Mapagpapagawa ko ng salamin ang nanay ko. May pang-ambag na ako sa mga sunog baga. Mabibili ko na rin un mga bagay na gusto ko. Hindi na ako hihingi pera sa ate ko. May sarili na rin akong pang-date. May pang dota at pang poker na rin ako, pang sabong, pang pusoy at pang tong its. Malilibot ko na ang Pilipinas mula Aparri hanggang Hulo. May pantaya na ako sa lotto. Makakain na ako sa Yakimix at hindi lang Mcdo. May pang Starbucks at umay na ako sa 3 in 1. May karapatan na akong magrally kapag tumaas ang presyo ng langis. May karapatan na ako umangal sa mabagal na serbisyo ng pamahalaan. May karapatan na akong tuligsain ang bulok na sistema ng gobyerno. Dahil yan sa buwis na ikakaltas sa akin.

 
Unang araw este unang gabi sa trabaho. “ Thank you for calling Orlando Sentinel my name is Dwayne how may I help you”…..malayong malayo sa tunay kong pangalan yan. Dapat daw kase American name so feeling ko mas maganda at may dating naman siya pakinggan.

Customer: Yes Mr. Dwayne, I am very upset and f****cking pissed off about your poor service and your whole billing system su**ks….

Dahil nabulyaw bulyawan at hindi ko malaman ang sasabhin at dahil na rin sa taranta wala akong nasabi kundi…

“Can i hold you for a minute”…at lalo atang nagalit si Mr Customer : “What the fu** are you saying?…..( ha? Hahawakan ko pala si mr. customer ) . “My Apology Mr. Sparrow, I mean Can i just put you on hold in a minute or two and let me see what I can do”…. Yawn..naman pala 

Yan ang unang karanasan ko sa ganitong mundo. At marami pang kalokahan. At kung pinagdaanan din lang ang paguusapan sa ganitong trabaho. Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo ang ilan.

Training period ang the best. Sumasahod ka na walang ginagawa. Chillaks lang. Makikinig ng kaunti. Getting to know each other ng iba mo pang co-trainiee. Kapag nasa production na, yun na ang umpisa ng kalbaryo.• Namumuo ang mga PBB Teens at Tween Hearts. Love notes at Lova Palooza. Mga pagtitinginan habang pinuputak ka ng mura ng mga customer. Mas prone talaga na makipagrelasyon ka sa kapwa agents or minsan TL –Agent relationship, or Manager-Agent relationship or vice versa. Marami yan. Paano ba naman hindi kayo magkakainlaban? Parehas kayo ng araw. Yung gabi niyo araw, yung araw niyo gabi. Gising siya sa gabi, tulog ka rin sa araw. Di ba? Parehas un time cycle niyo at respective holidays.• Marami kang collection na token. Kung top rep ka may token ka. Perfect Attendance, 100% Csat at kung ano ano pang award. T-shirt ng company, bag, towel, mug, giftcheck, jacket, payong at kung ano ano pa. Puwede ka na maging model ng kumpanya niyo.

• Lagi ka may suot ng I.d. Mula pagpara ng jeep, taxi at mrt hanggang sa pag uwi mo naka I.D ka. Siyempre, proud ka na sa Call Center ka nagtatrabaho.

• Ilang beses mo nang sinabi na magreresign ka na. Kesyo mas malaki offer sa kabila, may birthday leave, may attendance bonus at commission incentive. May entertainment room, sleeping quarters at gym. May retirement fee, rice incentive, at kung ano ano pang benepisyo.

• Minsan ka na rin naging sarcastic. Yung tipong nag jojoke na pala si customer tapos tsaka ka palang tatawa kapag narining mong una siyang tumawa…..

• Dito mo mararanasan ang pinaka matagal na isang minuto sa buhay mo. Titingin sa avaya, mananalangin na di ka sana pasukan ng last call. Kung medyo magulang ka, mag aux or pee break para un isa ang makasagot. Magcountdown from 60 seconds till 1. Grabe sobrang tagal. I wanna go home..

• Natuto kang maging Obessive Complusive. OC ika nga. May alcogen sa station kada oras nililinis at tinataktak mo un keyboard. After lunch or yosi, mag ma moutwash or toothbrush ka. Bago kumain may handsanitizer kang dala. May mga naka save ka ng notes so wordpad tapos mga gamit mo lahat sa locker.

• Nagiging Bully ka. Lalo na sa mga bagong dating na rep, un mga “call center virgin”. Kapag nakakakita ka ng mess up na account, tatayo ka at hahanapin mo un rep na naka mess up. “Sino tong si Agent number keme keme keme na to…..

• Lahat ng dahilan nagawa mo na para umabsent. Nagkakasakit kahit wala naman. UTI raw pero hang over lang pala. Family Emergency pero nakipagdate lang sa jowa. Leave of Absence pero magbabakasyon lang pala sa Bora or probinsiya.

• Magtataka ka kung certified nurse or doctor ba un assigned sa clinic. Halos mag kulay talong ka na pero sasabihin sayo 30 minutes rest lang yan, off the phone. Tinatrangkaso ka na pero, mefanamic yung binigay sayong gamot. Dinudugo ka na pero sasabhin sayo irregular ka kase kaya di mo alam na meron ka.. May tonselitis ka na tapos bactidol lang ipapainom.

• Papasok ka na fresh na fresh tapos kasabay mo, wasted na galing trabaho.

• Yung mga Guard sa opisina niyo mas confident pa mag ingles kaysa sayo. Minsan na akong pumasok na walang I.d. sabi ni manong “Sir, kindly wear your I.D. or else i will file a complaint or you better go home” ( Pacquiao Accent).

• May mga “Steven Johnson Syndrome”… yan un kahit san pampublikong lugar eh ingles pa rin ng ingles. Or minsan kapag nagiinuman kayo kapag lasheng na, lulufet maginglesh at ishleng na magsalita..

• Ayaw mong pahuli dapat may credit card ka. Lahat ng types of loan na applayan mo na. SSS loan, Pag-ibig loan, Personal loan, Calamity loan at kung ano ano pa.

• Kapag nakakakita ka ng Amerikano lagi mo sinasabi yan un putanginang kausap ko kanina eh. With bitterness.

• Minsan sinusukat din kung hanggang saan tinatagal ang pasensiya mo. May bigla na lang magbabagsak ng keyboard or mouse. Ibabalibag un headset. Papatayin un monitor. Aba anong kinalaman nila sa kausap mo.

• Ma meet mo ang iba’t ibang propesyon. May dentista, nurse,service crew, engineer, doctor, arkitek, guro, at kung ano ano pa na mas pinili ang ganitong trabaho dahil sa magandang oportunidad at malaking sahod.

• Yung isang buwan na sahod ng tropa mu , isang cut-off mo pa lang or two weeks mo pa lang. Minsan pa yung tax mo eh sahod pa lang nila.

• Maglalagay ka ng notes na: Customer was rude and upset, don’t want to listen until he hang up. Pero ang totoo sobrang irate ka na sa kanya at napindot mo un end call.

• Kape na dumadaloy sayo hindi na dugo. Yun kasama mo may dala dalang Grande ng Starbucks dahil 8 hours ang shift ninyo , 8 hours din siyang nakadisplay sa station. Ganon ba katagal inumin ang isang baso na kape?.

Feeling mo mas masarap ang power nap sa opisina. Kapag sa bahay aligaga ka matulog hirap na hirap ka. Para ka ng lumpiyang nirolyo paikot ikot para lang makatulog. Sa opisina kahit 15 mins break mahaba na sayo. Minsan pa nga sinasamantala mo yun pagkakataon na kapag hindi maayos un pagkakababa ng telepono ng customer para kunware may call ka pa rin.

Marami pang iba’t ibang karanasan. Kayo na bahala magdagdag pa. Hindi ko kinakahiya kung ano mang propesyon meron ako. Sabi nga ng ilan na ang trabahong ito ay pang-tamad at pang walang utak. Na “Call Center lang” Huwag niyo sana kami ni “la-lang” Dahil kung wala kami, hindi uunlad ang GDP growth ng Pilippinas 4.5%. Hindi sana madagdagan ang impraktastura tulad ng mga tulay, kalsada, pabahay at mga gusali dahil sa pinapasok na $150 bilyon income. Hindi sana mababawasan ang unemployed at underemployment ng 6.9% ang ating bansa.


Hindi man kayo pamilyar sa mga datos at istatiskang nabanggit pero nais ko sanang ipabatid na kaming mga nagtatrabaho sa ganitong larangan ay may mga angking kakayahan, talino, abilidad, pasensiya at disiplina na aming sandata at kalasag sa pakikibaka sa ganitong larangan.
Kakayahan, sa pagresolba ng bawat hinaing at isyu. Talino, sa paglatag ng mga kasagutan at solusyon. Disiplina, sa paghawak ng oras na kung saan ang gabi ay nagiging araw at ang araw ay nagiging gabi sa amin. Pasensiya dahil kailangan buo ang loob mo at matibay ang sikmura mo tanggapin lahat ng mura at galit, at hinaing ng mga konsumer.

Kaya kaibigan kung sa Call Center ka lang. Taas noo mo paring sabihin na. Yes. Im working in a Call Center. Marangal at maipagmamalaki.
Happy 6th year sa akin. Have a Nice Day!

25 thoughts on “Call Center Boi?

  1. Ahihi, muntik muntikan na rin ako sa linyang yan nung kaka graduate ko pa lang,,,and that was 2006. Hmmm, hindi malayong nagtagpo ang ating mga landas noon(ahmmmm, sa dami ng aplikante malamang hindi rin ha ha)…pero hanggang first interview and reading skills lang ang inabot ko….ha ha…

    Aja! napadaan lang🙂

  2. uy hapi 6th pla!🙂
    ang isa sa ayaw ko lng sa ibang call center agent., pero hnd ko nilalahat. yun ngang sabi mo na pati sa public place e nag eenglish pa. sa totoo lang binabagayan dn kc ang pagsslita ng english.. but i agree naniniwla akong malaki talaga ang pasenya ng mga call center agent. at masasabi kong isa ako sa mga mababait na customer😀

    • hehehe..korek ka jan..well its their choice naman kung hanggang sa labas eh mageenglish sila. yun nga rin pinagtataka ko sa iba eh, 8hours ka na sa opisina ka kaenglish tpos hanggang paglabas mo ingles pa rin..Masyado na nilang niyakap ang salitang banyaga😉 salamat sa pagbabahagi

  3. Nainspire ako sa post na ito Kuya Myr. Eversince, I really want to be an agent. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko. Graduating student na ako and after gumraduate, gusto ko muna maging call center. Natatakot lang ako sa sasabihin nang iba.. Nag-aral ako ng limang taon para lang mag-call center. Marami kasing tao na nila-“lang” lang ang ganitong propesyon. At some point, huminto na akong mangarap bilang maging isang call center agent, and after reading this.. nabuhayan ulit ako! Magandang gabi! And Happy 6th anniversary.🙂

  4. I have actually spoken from the Philippines when I called my credit card company. ( My car was ” carnapped”, with my purse in it )

    Hey, cheers. That’s a lot of hard work, yeah ? When customers call, they’re angry. LOL

    • Sorry to hear that. I hope the rep was able to pacify your concern.. Iniimagine ko tuloy kung nagiging irate ka rin kapag tumatawag..Hehehe.. You are correct that its a lot of hard work and dedication to this job… As long as im enjoying, i dont see any reason for me to quit. Thanks for sharing and have a nice day!😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s