Gusto mong sumaya?

Sino bang ayaw na maging masaya. Ikaw, ako, kaibigan mo, magulang, ka-opisina, kasintahan lahat naman tayo nais makamit ang kasiyahan diba?

Simple lang akong nilalang, walang magarang kasuotan, malapalasyong tahanan, magarbong sasakyan o makikintab na hiyas. Pero nagagawa ko pa rin harapin at tawanan ang bawat hambalos ng unos na dumarating sa akin. Wala pala sa materyal na bagay at ano mang luho sa mundo ang tunay na kasiyahan. Tanong sa akin ng isang ka-opisina “Boi, Anung meron at nakangiti ka na naman parang araw-araw na lang ng ginawa ng Diyos lagi ka nakatawa” Well sabi nga sa kanta ng “Color it Red” Simple lang ang buhay ngumiti ka na lang…Yes I do have my down moments  but I  I would always welcome anyone with a smile. My problems are only felt by me. I wouldn’t tell anyone if I was having a hard time. Ayoko kase na may naapektuhan eh. Marami akong mga paraan upang mapanatili ang mga mumunting ngiti sa aking mga labi. Hayaan niyong ibahagi ko sa inyo kung paano maging masaya. 

Una. MAG-ISIP KA NG BAGAY NA MAGPAPASAYA SA IYO.

Mapa –materyal na bagay pa yan or bagay na gusto mong gawin, mga pangyayari o kaganapan. Di ba nga sabi ni Peter Pan .”Just Think of a happy thought and you will fly”. Totoo. Lulutang ka talaga sa kawalan. Huwag mo masyado isipin yung mga bagay nag magpapalungkot sa iyo. Kapag ginawa mo yun, unti unti kang lalamunin ng lungkot at lumbay.

Pangalawa. MASDAN ANG GANDA NG KAPALIGIRAN.

Mula sa sinag ng araw na dumadampi sa iyong mga pisngi. Mula sa matatayog na puno dulot ay lilim. Mula  alon sa dalampasigan, matatarik na lambak at talampas. Namnamin ang samyo ng hangin. Bawat patak ng ulan. Ang mga huni ng ibon at langitgit ng kawayan. Yakapin mo ang kalikasan na obra ni Bathala. Lahat ng ito’y punong puno ng saya.

Pangatlo. MAGHANAP NG POSITIBONG TAO O KAIBIGAN.

Makipagkilala ka sa isang nilalang na may optimistikong pananaw sa buhay. Yung tipong parati masaya at maligalig. Yung tipong lahat ng bagay eh ang dali dali para sa kanya. Yung may busilak na kalooban. Kung makikisama ka sa isang negatibong tao, baka mamana mo pa ang kanyang pangit na emosyon kase mas malakas sila talaga makahawa. Ang mga taong may optimistikong pananaw sa buhay ang siyang magiging susi rin natin sa hinaharap.

Pang-apat. BILANGING ANG PAGPAPALA AT BIYAYA.

Matuto nawa tayo magbigay pasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap natin. Maliit man o malaki o dili kaya’y isang himala. Isa pa rin itong biyaya. Hindi lang puro hiling, dapat nagpapasalamat din.

Panglima. MAHALIN ANG SARILI.

Mahalin mo ang sarili mo means, prioritize your wants. Wag mo munang isipin ang iba, sarili mo muna. Lahat naman tayo nadadapa at nagkakamali. Try to fix it. Bumangon, humingin ng tawad at magsimulang muli. Mahalin mo ang sarili at magiging kumpleto ka bilang TAO.

Huwag na huwag mong hayaan na palungkutin ka ng nakaraan, namnamin ang kasalukuyan at paghandaan ang kinabukasan. Kaya kaibigan maging masaya ka at hindi mo pag-aaari lahat ng sama ng loob dito sa mundong ito. Ang mundong ating ginagalawan ay nababalutan ng masasayang bagay. Imulat ang iyong puso at mga mata. Humayo ka na may ngiti ngayong araw na ito… Maging masaya ka nawa!🙂

15 thoughts on “Gusto mong sumaya?

  1. “Kaya kaibigan maging masaya ka at hindi mo pag-aaari lahat ng sama ng loob dito sa mundong ito.” hahaha, nga naman…

    ang ganda ng post mo, Myr… tamang-tama, kung kelan nagtataka ako ba’t napalaki yata ang appropriation ko ng pains and hurts, haha. kako kasi, some people could use more problems and kasaklapan, okey na ako sa quota ko, hihi. but then, shaks, dinagdagan pa, kulang pa raw, as in…

    anyway, now more than ever, nalinaw nang no use to wallow in sadness. kumbaga, powtek, hindi ako magpapayapak ng tuluy-tuloy at gano’n-gano’n na lang. shaks na ‘yan, hindi puro siphayo lang, bakit ba? hehe. happy weekend, kapatid😉

    • hehehe..salamat kapatid.. di ba nga kanya kanyang down moments lang talaga sa buhay, pero ikaw na rin nagsabi na hindi dapat magpapayapak ng ganon ganon na lang.. maraming dahilan para maging maligaya tayo lahat..whoa! .happy weekend din syo😉

      • hihihi… ay nakow, kung malalaman mo ang true story, mamangha ka ng konti bakit ang laki yata ng na-appropriate para sa lola mo, as in… tinalo ang plots sa telenobela, shaks na ‘yan. kailangan makasulat ako ng marami, doon man lang makabawi, hehehe…

        tumitingin na lang ako ng madalas sa langit. pag nakakita ako ng magandang sky, nako-console ako kahit paano. kako, may maganda pang bagay na libre, na pwedeng makita at ma-experience…

        hope life’s treating you better, have the rest of the week happy, kapatid. cheers pa rin…😉

  2. Mahalin ang sarili…. prioritize your wants..
    Magshoshopping ako myr! (pagnakuha ko n sahod ko hihihi… Kelan ko ba huling ginawa to… Waaaaa di ko na alam…:(
    Hindi mo pag-aari ang lahat ng sma ng loob… TAMA… Namamagaling lang na akuin…

    Isang nakakagaan na paalala kaibigan… Salamat…

  3. Myr, tao po, pede ko po ba i-repost ang mga linyang ito sa aking lugar,

    “Pangatlo. MAGHANAP NG POSITIBONG TAO O KAIBIGAN.

    Makipagkilala ka sa isang nilalang na may optimistikong pananaw sa buhay. Yung tipong parati masaya at maligalig. Yung tipong lahat ng bagay eh ang dali dali para sa kanya. Yung may busilak na kalooban. Kung makikisama ka sa isang negatibong tao, baka mamana mo pa ang kanyang pangit na emosyon kase mas malakas sila talaga makahawa. Ang mga taong may optimistikong pananaw sa buhay ang siyang magiging susi rin natin sa hinaharap.”,

    kung ok sa iyo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s