Fixing a Broken heart

Nitong mga nakalipas na araw, halos lahat ata ng mga nabasa kong paskil ay mga may kinalaman sa mga usaping pang puso. Mula sa mga paskil na kapwa ko blogger na sina after-march,chilled honey,lani jane, kayedee at bagotilyo. Yung buong sampung newposts ko sa notification sunod-sunod ang mga usaping pagmamahal. Karamihan masakit, malaman at may sundot sa puso.

Di ako mapakali sa mga nabasa ko halos malusaw un puso ko sa lungkot ng mga paskil nila, ewan ba pero hanggat dito sa apat sulok ng aking silid ay damang dama ko ang bigat ng pasan pasan ng bawat prosa na kanilang inilathala. Bakit ganon? walang happy ending..halos let-go and move on ang tema..nakakalungkot. Siguro masyado lang akong umaasa na makabasa ng magandang wakas. Hindi ko alam. Pero tulad rin nila, alam ko un pakiramdam na nasasaktan..ang sakit sakit na. Minsan pa nga mismong gusto mong isumpa un taong minahal mo nuon at halos ayaw ko ng makarinig ng mga senti music. Dumating lang siguro sa punto na naging “bitter ocampo” ako pagdating sa pag-ibig.

Hindi lang dito sa blogasperyo ang mga ganitong istorya. Tulad ng mga telenevola sa primetime, box office na tumabo sa takilya at kwento ng mga malalapit na kaibigan, mas matitindi pa at masyadong tragic ang mga buhay pag-ibig. Yun bang tipong may asawa na si lalake or babae tapos napili mo pa rin makipagrelasyon tapos ikaw nagpapaka tanga tangahan. O kaya naman tipong nasasakal na ang bawat isa kaya nauwi sa paghihiwalayan. Minsan pa nga yun tipo na kuwento after 4 frigging years na relasyon ay sa hiwalayan pa rin napupunta kase nagiging “me againts the world ang drama. Tapos meron pa nga un tipong na fall out of love na si babae kaya ginive up ang relationship niila..What the f??? talaga..tsk tsk..tsk..Dito napagtanto ko ang isang bagay. Na pagdating sa pag-ibig, wala rin palang katiyakan. walang kasiguraduhan.Unpredictable. Isang malaking question mark ang nasa dulo ng relasyon. At kung minsan ay natutuldukan. Na un mga bagay na gusto nating mangyare ay hindi naayon sa paraang gusto nito. (huhuhu)

Maraming pagkakataon na rin akong nagmahal at minahal. Sa dalawamput siyam na taon kong inilagak sa mundong ibabaw, samu’t sari na rin ang relasyon na aking pinagdaanan .Kala ko dati malas ako.. kala ko pinagtripan ako ng mundo. Masaya, masarap at masakit. Masaya dahil alam mong may nagmamahal sa yo. Masarap dahil alam mong may nagmamalasakit sa yo. Masakit dahil after the long run eh sa hiwalayan din ang ending. Eto un pinakamasaklap at ayaw nating mangyare….Pero ayon sa kanta ng South Boarder “Theres a rainbow always after the rain“.. Check. Agree ako diyan. Nagawan ko lagpasan ang pait na dulot mula sa isang bigong pag-ibig. Sa tulong na rin ng mga kaibigan, ka tropa at ka opisina. Libangin ang sarili sa mga tropa. Magcounter-strike, mag dota at magpoker. Mag foodtrip. Umakyat ng bahay-aliwan. Makipag chat sa internet at makipagbolahan kung kani-kanino, lahat maibsan lang ang sakit na pinapasan.

Kaya ko naisulat ito para ibahagi rin sa karamihan na may lunas mula sa bigong pag-ibig. Hindi naman ako eksperto pagdating sa mga payong ganito pero susubukan ko muna mag paka Joe d Mango, Dr. Love at Papa Jack.

Hinding hindi mo malalaman ang TAMA . . . . . . . . . . . kung masaya mong ginagawa ang MALI.

Anut ano pang bagay ang gawin mo para lang makalimutan ang isang tao tapos un pananaw mo pagdating sa pag-ibig ay hindi nagbabago , eh pasensyahan na lang. Habang buhay kang magkukubli at mamumuhay sa gawang mali. Isang malaking patlang ang susukob sa iyo at unti unting lalamunin ang iyong pagkatao ng iyong baluktot na kamalian. Bakit kamo?

Marami sa atin lalo na kahit mahal natin ang isang tao pero alam naman na tin na hindi na dapat pa ipagpatuloy dahil mali. Pero ano gingagawa natin. Nagtatanga-tangahan, maangmaangan at paka inosente. Magtitiis at papaka martir. Shaks! ikaw na! Bayani ka ng ituring. Daig mo pa un tatlong paring martir na ginarote sa Cavite. Un walang sawa nating naririnig mula sa mga kaibigan natin na “Hiwalayan mo na kase, nasasaktan ka lang” tapos sasabihin mo na eh “Mahal ko eh”…tsk tsk tsk….kung patuloy ka lang sa pagsunod sa dikta ng damdamin ay lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo. Kapag si puso na nasaktan damay na si utak. Partner kase yan eh. Kapag un isa na dehado, naapektuhan at nanghihina rin un isa. Sa panahon kase ngayon utak dapat ang pinaiiral at hindi puso. Kaya nga ang utak nasa itaas nang ating ulo dahil siya ang kumukontrol ng ating desisiyon at ang puso natin ay nasa gitna dahil ito ang nagbabalanse ng magiging takbo ng ating buhay.

‘Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo’

Kung hindi talaga siya ang taong para sa iyo, eh hindi sayo. Period. Tuldok. Tuldok. Tuldok. Mahirap i-sink in sa utak kase masakit. At kahit magkulong ka maghapon sa loob ng kuwarto mo at ubusin mo ang luha sa mga mata mo ay hindi na magbabago ang katotohanan na hindi kayo para sa isat isa. Kahit laklakin mo pa un dalawamput apat na kahonn ng beer, labing dalawang sakong sleeping pills para lang makatulog at kalimutan ang nangyari, it wont make a difference. Instead of thinking sa mga nangyare, bakit hindi mo subukan mag dasal. YES. You heard it right. PRAY. Trust me. mahaba man ang sungay mo at buntot mo diyan din ang bagsak mo. Subok ko na yan. Make yourself free for one day. Talk to HIM na parang bestfriend or tropa. Yun tipong para ka lang nagkukwento kapag nakainom ganon! 100 % sure pakikinggan ka NIYA. HE will make a way for sure. HE will do something NEW for you. Kaya niyang paghilumin ang sugat, poot at sakit na iniwang bakas mula sa bigong pag-ibig. Maniwala ka. Gagaan ang pakiramdam mo na parang bagong silang na sanggol. Ginawa NIYA sa kin yun kaya ganon din ang gagawin niya sa iyo. Malakas kase tayo sa KANYA.

 Subukan mo rin pulutin ang mga basag na pangarap. Paano? try to set a long term goal. Yun pang matagalan. Ask yourself. Hanggang dito na lang ba ako? Heto ba talaga ang gusto kong gawin? Hindi naman dapat matatapos ang ikot ng mundo mula sa isang tao lang. Kaya ko pa bang palayain ka? Tama pa ba itong ginagawa ko? Gusto mo pa bang nagmamahal ko kahit ang sakit sakit na? Sana nagets mo yun punto ko…Asking these questionns might help yourself feel tough and stronger. It mayhelp your feet to move forward.

Balikan ko lang pala un scenario na un girl or boy na fall out of love. Yung tipong isang araw nagising na lang sila na hindi ka na nila mahal. My gosh! Totoo pala iyon. Kala ko dati gawa gawa lang iyon. May explanation dun. Siguro un panahon na minamahal ka nya ay kusa niyang nadama. It is also possible to say na kusa rin nawala un feelings niya towards sa iyo. Di ba nga Love should be mutual and reciprocated. Kung magiging one-sided lang rather let go of the feeling. Kase baka mamaya awa na lang pala natitirang pagmamahal niya sa iyo, sige ikaw rin. You should be aware siguro na kung wala na talagang natitirang pag-ibig, relationship wont work and shud come to an end.

Going back to being single? well. Accept it. Nabuhay ka nga sa mundong ito na hindi mo pa nakikilala un taong mahal mo, ngayon ka pa ba aayaw. Oo nakakamiss un may kakulitan ka, may nag-aalala sa iyo. May naghahatid sundo. May katext ka parati at nagsasabing take care and i love you. Yun oras oras lagi mo chinicheck un cellphone mo kung may miss call at mushy kowts. Pero hindi mo ba naisip na dahil single ka, mas lalo mo pang mamahalin ang sarili mo. Mas may focus ka nasa trabaho or kung nag-aaral ka. Makakauwi ka ng bahay na walang magkokontrol sa iyo. Na tipong wala kang irereport sa isang tao kung nasan ka or kung ano man ang ginagawa mo. Hindi ka na masasakal at higit sa lahat wala ng magdidikta pa sa iyo.

Maniwala ka hindi kahinaan ang pagiging single. Yun iba nga mas nagtatagumpay sa buhay kahit na single lang sila. Hindi naman magkakaroon ng world peace kung magkakajowa ka ulit diba?.

Pagkatapos ng isang bigong relasyon. Stand up and chin up. Dedma lang. Bakit? Ito kase ang nararapat. Kung magmumukmok ka na lang parati at lungkot lungkotan effect ka, pagtatawanan ka lang. Yung para bang hindi na kaya ng concealer takpan un makapal mong eyebags kakapuyat sa pag-inom. Papayag ka ba na makikita ka ng ibang tao lalo na pag dati mong jowa na wasted ka parati?..Shape up and start all over again.

Di ba nga the greatest love of all is loving yourself. Kase paano ka muli magmamahal ng ibang tao kung yun sarili mo nga hindi mo kayang mahalin. Di ba mas maganda siguro na kapag nagkasalubong ang landas nyo ng dati mong kasintahan tapos sasabihin niya sa sarili niya na “Siya na bayun?. un may regret feeling ba. “Sayang naman”..mga ganong tipo ba..Smile to the world and let the world smiles at you. Maraming bagay na puwede nating gawin. Explore and enjoy. Get into adventure. Life will not end until he/she left.

 Its a cycle of life. Parte rin yan ng pagmamahal. Di ba kapag nagmahal ka handa ka rin dapat masaktan. Hayaan mo ang panahon ang maghilom ng mga sugat. Give Time a time. Lagi natin pagkatandaan na ang mga bagay na nangyayare ginusto man o hindi ay may kaakibat na dahilan.

Pasensiya na medyo mahaba haba natong mga nasabi ko. Siguro madali sa kin sabihin ang lahat ng ito dahil na rin sa mga naranasanan ko. Its a learning process. Believe that there is someone out there somewhere for you or for me. Just for you. Someone who was made for you. Until the day you find The One to share the rest of your life with..

31 thoughts on “Fixing a Broken heart

    • may dahilan kaya ko ito isinulat…marahil nakatakda ang panulat kong ito sa mga katangi-tanging babae/nilalang na ang tanging hangad lang ay tunay na kaligayahan sa buhay…masumpungan mo nawa ito sa lalong madaling panahon..alam kong matalino, matatag at naangkop ang isang napakagandang love story🙂 salamat sa pagbisita..

        • wag kang mag alala di ka namn nag iisa sa mundo ehh.. just alway’s remember that der is no permanent here in this world😦 ako din nasaktan , at until now masakit padin.. kinkaya lang🙂 gusto ko lang din sana makapagshare here hahaha…. pakatatag nlang tau, and dahil sa love na yan muntik narin akong mag pakamatay,, kaya kung ikaw nakakaya mu pa ako… hindi ehhh.. ung misming nagmakaawa kana.. kaya cguro naisipan ko narin magpakamatay nun…😦 its always fresh parin sakin pero di na rin ganun kasubrang sakit ng tulad ng una..😦

          KissesUY

  1. wag kang mag alala di ka namn nag iisa sa mundo ehh.. just alway’s remember that der is no permanent here in this world😦 ako din nasaktan , at until now masakit padin.. kinkaya lang🙂 gusto ko lang din sana makapagshare here hahaha…. pakatatag nlang tau, and dahil sa love na yan muntik narin akong mag pakamatay,, kaya kung ikaw nakakaya mu pa ako… hindi ehhh.. ung misming nagmakaawa kana.. kaya cguro naisipan ko narin magpakamatay nun…😦 its always fresh parin sakin pero di na rin ganun kasubrang sakit ng tulad ng una..😦

    KissesUY

    • its not the end of everything…kung kaya ko, dapat kaya mo rin…walang hirap dito sa mundo na di natin malalagpasan. sa ngayon alam kong medyo sariwa pa ang sakit na dulot ng bigong pag-ibig sa iyo ngunit hindi ka dapat pagharian ng lungkot at sama ng loob. magpakatatag ka at maniwalang mababanaag mo ang tunay na kaligayahan sa takdang panahon…..

  2. salamat bro,.. Iknow namn na lahat din ng bibigay skin ng diyos na pagsubok ay kaya kung lampasan,.. and may nabalitaan pa ako ngayon about my ex na ipinagpalit pala ako sa pokpok,… hindi ko alm kong matutuwa ba ako o malulungkot., ang savi lang skin ehh ausin ko ang sarili at wag magpaapekto., gnun lang kasi niya kadali ang bitawan ako sa babaeng yun., anyway as of now im trying padin ., i try to love some one pero di ko pa pla kaya, mas makakasakit pa pla ako ng ibang tao., kaya ang ginawa ko binitawan ko ung guy na un even though i know na seryoso xa skin,. at alm ko din na hindi kami pwede., basta masasabi ko lang masakit padin pala pagdating kay ex.😦

    • yah right mahirap pero dapat mong kayanin..eventually lilipas din yan sakit na yan..let time heal the wound..in time marealize mo na mas mahal mo na ang sarili mo…and also dont force ur self na magmahal ng iba magiging unfair sa isa yun…ang pag ibig hindi pinipilit kusa yan…also dasal lang parati…wishing u the best at salamat sa pagtambay sa pahina ko ha😉

  3. mmmm ah ok. hahaha salamt din sa buhay pag ibig mo … talgang ganyan kung kelan ka seryoso dun ka namn niloloko hayy nakakapagod na.. kaya pahinga muna🙂 thanks din sa pag pancin ng mga messages ko…

  4. Salamat po , mdyo na babawasan ang sakit na nararamdam q ngaun , mgfo 4 years na kz kmi this coming may 31 kaso ngwork lng sa manila, wla pang sang buwan mkipagbreak na sakin kz may bago na sya, nbigla nga po aq kz ok nman kmi tas iiwan ka lng ng d mo alam san ka ngkamali, salamat po sa mga nbasa q.
    more power n God bless u always.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s