Mushy ;-)

Sinta,

Sana datnan ka ng e-mail kong ito na nasa maayos na kalagayan.

Sana makita mo ang kuwaderno ko ngayon. Dahil sa wala akong magawa ay nag-trip na naman ako. Punung-puno ng iba’t ibang klase ng papel. May art paper, stationary, post-it notes, may index card, may bond paper, may dyaryo, may pinilas sa spiral notebook. May mga ibat ibang sulat din na ginawa ko na hindi ko masabi syo. 

 

Lahat ng mga papel na yun ay punung-puno ng pangalan mo.  Walang iba kundi pangalan mo lang. Ewan ba. Kahit saan ako tuminging pangalan mo lang ang nakikikita ko.

 

Pangalan mo na nakasulat sa iba’t ibang desenyo. Iba’t ibang istilo. May graffiti, cursive, may print, may naka-calligraphy, engineering lettering, may halo-halo. May nakasulat sa blue bolpen, black bolpen, red bolpen,  at pink bolpen. May naka-lapis, naka-crayola, naka-stabilo, naka-pentel pen, water-color, mechanical at technical pen. Meron pa nga akong sinulat gamit ang kaliwang kamay ko, sinulat ko ng nakapikit, pabaligtad, patihaya at padapa.! Yung iba may kasama pang, rainbow, flowers, may stars, may hearts. Astig! 

Ganyan ako ka mushy ngayong araw.

Yang napakagandang tatlong letra na bumubuo sa pangalan mo, nakasulat sa lahat ng style na maisip ko. 

Boi.

28 thoughts on “Mushy ;-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s