Ang aking Pitaka

Dahil sa wala na naman akong magawa nitong buong maghapon, naisipan kong kalikutin un pitaka ko na katabi. Hanggang sa habang isa-isa kong inilalabas at sinisilip ang laman ng aking lumang pitaka ay napagtanto ko na marami rami rin palang nakatabi na mahahagang bagay. May mahalaga palang papel na ginagampanan ang ating mga pitaka. Hindi lang pala siya imbakan ng mga mahahalaga at personal nating mga gamit kundi ito rin ay sumasalim sa iyong nagkukubling sarili. Katulad ng buhay na kinakaharap natin, may dumarating mayroon din umaalis. Tulad din yan ng ating pitaka, may sinusuksok, pinapasok at mayroon din inilalabas.

Sa loob ng pitaka raw ay napagtatanto at nagiging batayan kung ano raw ang isang ugali, personalidad at prayoridad ng isang tao. Mga tinatagong lihim, misteryo at hiwaga na tanging ikaw lamang ang nakakaalam.

Dahil lahat naman tayo ay may mga tinatago at sinisilid sa ating pitaka, hayaan niyo ilantad ko sa inyo ang aking mga mumunting lihim.

Salapi-. Ito ang isang bagay na hindi mawawala. Ang salapi ang sumisimbolo sa pinansiyal na estado ng isang tao. Sabi nila, kapag makapal daw ang pitaka, maraming pera malaki ang sweldo at maganda ang buhay. Kung mapapansin niyo sa larawan isang daang piso lang ang makikita. Hindi sa dahil wala na akong pera. Ang isang daang piso na yan ay nagmula pa sa aking namayapang ama. May kasabihan kase ang mga matatanda, yung mga panahon na nakaburol ang aking ama ay hawak niya ang isang daang piso na ito at kapag ihihimlay na raw sa huling hantungan ay iiwan ang pera at ipapasa sa mga anak. (ito raw ang magbibigay suwerte pag dating sa usapang pinansiyal at huwag na huwag gagastusin).

Kaya hanggang ngayon ay tangan tanga ko pa rin siya. Ang isang daang piso na ito ang nagbibigay sa akin ng paalala na anumang problemang pinansiyal na aking kakaharapin ay makakayanan kong lagpasan.

Identification Card– mula sa school I.D. company, SSS, membership card, nbi card at kung ano ano pa. Ito yung mga mahahalagang bagay na ipiniprsinta sa pakikipagtransaksiyon kapag may mga mahahalagang dokumento. Ito kase un pagkakakilanlan ng isang tao.

Health Card– Medicard, Intellicare, Cocolife. May malaking papel yan lalo na pagdating sa usaping pang kalusugan. Sa oras ng peligro laging maasahan. Salamat naman sa Diyos at hindi ko pa nagagamit ito. Salamat sa magandang kalusugan.

Credit Card– ang last resort na tinatawag. Kapag said na at wala ng balang ipuputok. Heto nagiging bida ang mga credit card. Dalawa lang ang credit card at wala na akong balak dagdagan pa. Sa katunayan ay ipinasara ko na dahil ayoko nang magkaroon pa ng obligasyon na may binabayaran kada buwan dahil sa mga bills.

Membership Card– Discount card ng SOGO Hotel at Eurotel, Metro Card Club at Resort World.

Love Letter– nakatabi rin un kauna-unahang letter na natanggap ko. Nagpapaalala sa akin na handa na muling umibig at magmahal.

Larawan– mula sa pagkabata hanggang sa pagkabinata. Hindi mawawala ang larawan ng mga dilag na inibig sa mga nagdaang panahon. Nariyan rin ang larawan ng aking pamilya. Sila ang mga nagsilbing inspirasyon , sandigan at tinitingala upang lalong magpursige sa buhay.

Simple lang laman ng aking pitaka. Wala mang makapal na perang laman, pero siksik sa yaman ng alaala ng lumipas.

Kaya kung may pitaka ka, hindi lang basta pitaka yan. Isinasalarawan niya ang mga natatanging yaman mo sa buhay. Mga bagay na pinahahalagan at mga taong pinagkaiingat-ingatan. Anu’t ano pa man ang laman ng iyong pitaka alam kong lahat yan ay may malaking papel sa iyong pagkatao.ย 

Pasilip naman ng pitaka mo?…….;-)

17 thoughts on “Ang aking Pitaka

  1. nagwonder ako prang gusto ko nga ipakita ang aking pitaka hehe. pero lahat ba? kc hindi ko sinasadya o hnd ko naman cla collection pero naitago ko ata sila lahat heheh.. pero sa akin hindi laht ng nsa pitaka ko ay mahalagang tao, nagkataon lang na naiwan dun mga pics nla heheh.. sinisilip oo ung mga pic kung saan ka at mga ex mo hahaha

    • hahhaha..sige sige pasilip din ng laman..nakaka curious din kase eh kung ano laman ng sa iyo..well kanya kanya naman yang tinatago eh, it doesnt matter kung para sa yo eh mahalaga pa un mga bagay na un..kase ako tinatago ko lahat sila , masarap din kase tingnan at balik balikan din…pasilip din naman ng sayo at makita ko mga ex mo rin..๐Ÿ˜‰

  2. Ang lumang wallet na ingat na ingat ako, nasa bahay… Ang laman tatlong old peso bills: 1 peso, 5 centavos, at 10 centavos (galing din ‘yon sa lumang wallet ng tatay ko.. Hiningi ko)๐Ÿ™‚
    -tuwang tuwa ako pagnakikita ko ‘yon. Hindi ako makapaniwala na maliit ang sukat ng pera noon at ang centavos ay perang papel..

    Hallo!

  3. Hmmm.. 3 wallet ko, ung isa ginagamit ko pag namamalengke… May tatlong bulsa, isa para sa cp, ung isa para sa pera papel at barya, ung huling bulsa listahan ng pinamili o di kaya resibo.
    Ung isang wallet pag pupunta sa mall kagaya ng nauna marami din itong bulsa, lagayan ng credit card, identification card, bills, coins, receipt, foreign currencies, calling card discount card etc…

    Ang huling wallet photo album cum calling card holder, may iilang nakasingit na bills pang emergency.. Mrt card at mga papel na hindi ko maitapon dahil may mga nakasulat na pangalan..

    Salamat dito nakalkal ko ulit wallet ko..๐Ÿ™‚

  4. ayos nabigyan mo ng mas malalim na pagtatanto ang pagkalikot mo sa iyong pitaka. Ngayon hindi ko alam kung ganyan din ang masasabi sa akin. Ang pitaka ko ngayon ( at parati) ay lalagyan lang talaga ng pera na puwede ko lang ipanggastos.

    Yung mga cards ko ay sinisiksik ko sa daily organizer ko at once pa lang ako naglagay ng picture sa pitaka ko, as in elementary days.

    Naisip ko tuloy kaya siguro unti lang dalang gamit ng mga lalaki parati ay dahil nasa wallet na nila halos lahat ng kanilang kailangan. Minsan pati ata yong maliit na suklay na brown chocolate nandoon na rin. hehehe!

    • salamat kapatid kung nabigyan pakahulugan ang mga mumunting bagay….tama ka . kanya kanya lang siguro tayo preferences na nais itabi..meron din ako lumang suklay na yan masyadong klasiko nga eh..tayo kase mga guy mas marami rin mga lihim na sinusuksok siguro nagkataon lang na mas mainam kung naitatabi sa aking pitaka..siguro sa ibang mga bagay ka may mga tinatago ..hhehe๐Ÿ˜‰

  5. hanggang coin purse lng ako. haha๐Ÿ˜€ ang mga ID at samu’t saring cards ay kasama nung lalagyan ng ATM… yung kauna-unahang love letter na natanggap ko isinuksok ko sa secret pocket ng bag ko. Nahiya ako kasi madaming wrong gramming. hahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s