Sa mundo ng blogasperyo

 

Dito sa Mundo ng Blogasperyo

 
Sa mundo ng blogasperyo mga blogger ay kakaiba
Mga sulat nilang obra sadyang magaganda
Mga panitik at panulat kanya-kanyang bida
Mga letra at titik kay lulusog ang mga bunga
 
Sa mundo ng blogasperyo, puno ng hiwaga
May lalim at siksik bawat isay may talinghaga
May suntok ang atake at may malalim na diwa
May diin, tumatatak na parang sugat na may hiwa
 
Sa mundo ng blogasperyo, maraming matatalinong pantas
Mga akda nilay sadyang nakapagpapabago ng landas
Patungo sa daang matuwid, kumakapit at umaangkas
Hatid sa pusong damdaming nagniningas
 
Sinong hindi makakikilala kay “saliw ng awit
Mga kwentong nagmamarka,tumatatak gumuguhit
Mga lathalang sadyang kanais-nais at kaibig-ibig
Lathalain niya’y walang kawangis, sadyang kay rikit.
 
Natatanging mga tula sadyang bumabaha
Literatura mula kay 25cup at chilledhoney talagang nakakatuwa
Isama mo pa si crazyfrog tumutula, dumudura
Si sundalong lasing naman kung humabi ay may tama
 
IIlan lamang sila sa mga makabagong manunula
Naglilimbag, nag aambag na mapalago ang kultura
Sila’y  mga binhing nagpapalago ng ating wika
Nagbibigay tuwa nagpapayabong ng ating diwa
 
Sa pagtula kong ito’y sila ang huwaran
Kanilang mga akda sadyang aking naiibigan
Umusbong nawa pa lalo ang pagkakakilanlan
Dito sa mundo ng blogasperyo may mga natatanging kakayahan.
 
 
 
 
 

12 thoughts on “Sa mundo ng blogasperyo

  1. O sya sige na nga, bago ako pumasok sa aking yungib at maghukay, ako muna ay kakaway sa iyo kaibigan sa napakagandang tulang ito…isa ka ring magaling na “pantas” sa istilong tanging ikaw lang din ang nakakapagbigay ng buhay…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s