Maghintay ka Lamang

Minsan sa aking pagkakaupo sa aking istasyon ay lumapit ang isang kaibigan. Pakiwaru ko’y may mabigat na dinadala at suliraning kinikimkim sa likod ng kanyang mga ngiti… Hanggang ang hinaka ko nga’y tuluyan ngang nagkatatotoo ng dahan dahang humalik ang mga luha sa kanyang maamong pisngi….

Habang siya’ay naglalabas ng lungkot at patuloy sa pagtangis ay kasabay akong nakikinig ng musika sa king cellphone ng sumakto ang kantang “Maghintay ka lamang ni Ted Ito”.

Dahil naangkop ang kantang ito sa mga ganitong sitwasyon naisipan kong isalin at gawan ng repleksiyon ang natatanging awiting ito:

 

Kung hindi ngayon, ang panahon na para sa iyo;
Huwag maiinip, dahil ganyan ang buhay sa mundo

Lahat naman tayo sa buhay ay may kanya kanyang pagsubok. Iba’t ibang problema sa Iba’t ibang lebel. May kanya kanya tayong pasan na krus na pilit natin kinakaray karay ano mang bigat at hirap nito. Anu mang klase yan may mga  problema sa buhay na dumarating na parapara sa lahat: mapa sa buhay pag ibig,  pagkawala ng mahal mo sa buhay, kakulangan sa pera, kakulangan sa mga pang araw araw na pamumuhay,  trabaho, pag-aaral at kung ano pa  man yan.

–        Sa mundong ating ginagalawan, sa tuwing nakakasagupa natin ang mabibigat na suliranin, minsan naiisip at natatatanong sa ating sarili na “Bakit ako pa? Bakit ngayon pa nangyare ito? At kung ano ano pang katanungan na pilit natin hinahanapan ng kasagutan…

 

 

Huwag mawawalan ng pag-asa, darating din ang ligaya
Ang isipin mo’y may bukas pa na mayroong saya

Kabigua’y hindi hadlang upang tumakas ka
Huwag kang iiwas ‘pag nabibigo. Dapat na lumaban ka

 

 

Maaaring may mangyaring unos sa buhay ng tao na nagtayo ng kanyang buhay sa bato ng kapararakan.

–       Tulad ng walang kamatayang kasabihan na may pag-asa pang nababanaag sa bawat pagsubok ng buhay. Nawa’y lagi mo sanang pakaisipin na hindi lang ikaw ang may kinakaharap na ganitong klase ng  pagsubok. Mayroon pang mas mabigat pang kalbaryong pinagdadaanan. Hindi lang ikaw.

Hinding hindi Kanya kailanman bibigyan ng isang hamon na di mo kayang lusutan. Naniwala ako na  ang bawat pagsubok ay isang oportunidad na umunlad. Hanapin natin ang biyayang natatago at nagkukubli sa  anumang sakit ang ipatikim ng Maykapal sa atin, alamin natin kung bakit Niya ibinigay ito sa atin. Tiyak na may dahilan. 

Kung minsan naiisip nating hindi dinirinig o sinasagot ng Dakilang Lumikha ang ating mga dalangin. Sa gayong mga pagkakataon, kailangang huminto muna tayo sandali at pag-isipan ang mga nagawa natin sa buhay. Pagnilay-nilayayan, pagbulay bulayayn natin nawa at magmumuni muni kung minsan ay nagiging mabagal ang tugon sa ating mga suliranin.

Ang kailangan mo’y tibay ng loob
Kung mayrong pagsubok man

Ang liwanag ay ‘di magtatagal
At muling mamasdan


Ikot ng mundo ay hindi laging pighati’t kasawian
Ang pangarap mo ay makakamtan
Basta’t maghintay ka lamang…

 

 Hindi habang buhay magdarahop ako. Hindi habang buhay magtitiis ako. Hindi habang buhay tutulo ang mga luha ko para sa ganitong pagsubok. Pakatibayan mo nawa parati ang tibay ng loob. Humingi ng saklolo at tulong sa Kanya na bigyan nawa tayo ng lakas na tahakin lahat ng pagsubok na pinapaulan sa atin at sana bagyuhin din nawa tayo ng biyaya at pagpapala sa huli. 

 Magkaroon ng pag-asa, huwag masiraan ng loob, huwag mawalan ng pananalig, at mabuhay nang may galak.  Harapin ang buhay ng may tiwala. Ito ay mapagtatagumpayan natin kung ang Diyos ang gagabay sa ating buhay.

 Ang pagharap sa mga pagsubok at pagdurusa sa tamang paraan nang may pagtitiis ay pinagmumulan ng biyaya at kasiyahan.

Para sa akin, hindi lang ito basta awitin na may saliw ng melodiya. Ito ay isang aawitin laging nagpapaalala na may nababanaag pang pag-asa na darating. Na pagkatapos ng isang unos ay magliliwang din ang ulap at mapapawi ang lungkot at lumbay. Basta’t maghintay ka lamang..

 

31 thoughts on “Maghintay ka Lamang

  1. Magandang umaga Myr, ang sarap ng agahan na iyong hain, may timplang magbibigay liwanag sa puso at kaloobang nagugulumihan. Mapalad ako’t ito’y aking nabungaran. Nawa’y maging mapalad din ang sinumang makakabasa nito, pati syempre ang siyang may-akda.

    Salamat sa iyong wikang Filipinong katha.

  2. hello, Myr… ito ang parte ng kantang gusto ko –

    “Kabigua’y hindi hadlang
    upang tumakas ka
    Huwag kang iiwas ‘pag nabibigo.
    Dapat na lumaban ka…”

    Ang ganda, di ba? Kasi, minsan may mga kabiguang sunud-sunod at sobra pang sakit, parang gusto mong lumupasay na lang? haha…😉

  3. Ay absent ako?
    Nag cutting class ba ako o sadyang di ako nakagising at di ako nakapag attendance dito?

    Hallo MYR!
    Ang peborit ko ay…. ang buong kanta!!!
    Kaya ganda naman talaga… Yung tipo bang nag-eemo ka, nasa gitna ng palayan, sisigaw ka ng “Bakeeeeetttt??????” na nakadipa, tapos sasalampak sa putik, hahagulgol, tapos music cue… “Kung hindi ngayon ang panahon, na para sa iyo……” OMG! Wagas! Pang “Maalaala Mo Kaya”….

    Hmmmm kidding aside, this song is one of those classic OPM music that deeply touches the HEART and SOUL… It’s one of the very few songs that can really go straight and deep to our senses…..

    • very true! un mga senti moments na parang wala nang ibang sasaklolo sa iyo kundi sarili mo lang…Isa itong kantang mahusay ang pagkakalapat at pagkakasiksik ng mga letra..Kalimitan nga to di ba background music sa mga tele serye or drama minsan ko na rin narinig to sa maalala mo kaya..;-) medyo busy ka ata teh sa pagpapaganda, hinay lang aka masobrahan..hapy weekend😉

      • Ay pambihirang pagpapaganda iyan!

        Di ko obsesyon iyan Myr, pulbo lang katalo na!🙂

        (Matipid ako eh!, mahal ang mga pampinta sa mukha, sayang, ibibili ko na lang ng bigas at ulam hahahhaha)

        Kung ang kagandahan ay assurance ng isang long and lasting relationship, hala, ako ay magpapaparlor na araw araw! hahahahhaha Pero dahil walang assurance, yaan na…

        Pero hmmmm… MYr, salamat sa papuri… sasabihin ko sa nanay at tatay ko na mahusay ang kanilang genes…ikukumusta na rin kita hahahah APIR!

        Yeah, ang ganda ng kantang iyan… Its one of my favorites, pati sa VIDEOKE hihihi… Kaygandang awitin, na kahit di ka inlove, or in love man….pag inawit yan, nangangailangan ng damdaming dumuduyan… KAYGANDA!

        Hayaan mo, pagnagpangita tayo nina Froggy at Warrior (who is by the way, also a superb singer), aawitin ko yan for you guys, kasabay sa paghigop ninyo ng mainit na sabaw ng sinampalukang “manik” (manok na mukhang itik hihihihi)

        Hello din sa iyo!!! APIR!

  4. Huwag kang iiwas ‘pag nabibigo. Dapat na lumaban ka…
    *tatandaan*🙂
    …sana may tapang na harapin kung ano man ang dumating. Sana may lakas ng loob na makipaglaban… Sana…sana… Sana may tagtag tulad ng iba at hindi lalampa-lampa.😦

    Ps: kaya pala di ko makita ang nilalaman nito ay dahil puti ang ginamit mong tinta…kailangan palang i-view ng full at di mobile site… Pasensya na =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s