Isang rosas para sa yo.

Nawa’y napangiti kita sa simpleng handog ko sa iyo. Ipagpaumanhin mo kung ito lang ang kaya kong ibigay. Isang simpleng rosas na epitomiya na nagpupumiglas na aking damdamin.

Damdaming nag aalab at nagliliyab na tila ba’y apoy sa gitna ng unos, na patuloy sa pagsilakbo sa nagbabagang kahoy.

Damdaming nagpipiglas na kumuwala na pilit nakikipagsabayan sa bawat patak ng ulan mula sa kalangitan kapag umaga .

Damadaming umiinog sa mga panahon na pinunpunit ng huni ng ibon ang bawat hapon.

Damdaming nagkukubli kasabay ng pagngiti ng buwan sa kalangitan sa katahimikan ng gabi.

Masarap isipin na sa gitna ng maraming pagsubok sa buhay , napatunayan kong ang pagmamahal ay isang pagsubok maalab at marupok. Itutulak ka sa iyong hangganan, sisingilin ka sa bawat minutong dinamdam mo na ito at gugunam gunamin mo ang mga panahong inakala mong ito ay totoo.

Sa gitna ng ligalig ko sa buhay,ay may isang taong tulad mo na nakapagpapangiti na maari kong makasama.  Isa kang magnet sa utak na ang hatak ay isang dambuhalang ilusyon, pananabik at minsan ay pagnanasa. At bawat gabi, ibang eksena; bawat galaw, ibang espasyo ang saklaw…salamat..ito ang alay kong rosas…;-)

 

(isang rosas ang aking inalay sa babaeng napupusuan na aking kasamahan sa trabaho.;-)

17 thoughts on “Isang rosas para sa yo.

  1. “Itutulak ka sa iyong hangganan, sisingilin ka sa bawat minutong dinamdam mo na ito at gugunam gunamin mo ang mga panahong inakala mong ito ay totoo. ” – what to do, eh? e, di, yon nga, mag-alay ng rosas at prosa, patatawarin.😉

    naibigan ko ito, Myr. isa itong matapat na paglalahad, wari ko, ng tinamaan ng magaling na pang-aalipin at pagpapalaya rin naman ng damdaming madalas ay sinisikil.😉 hello!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s