VERSATILE BLOGGER AWARD

===========================================================================

VERSATILE BLOGGER AWARD

===========================================================================

Taos puso akong nagpapasalamat kay Chilledhoney sa isang natatanging nominado sa award na ito. Hindi ko akalain na sa maigsing panahon pa lang na nailalagi ko sa mundo ng blogesperyo ay may kumikilala na sa aking mga panulat. Salamat dahil nabigyan ako ng pagkakataon mailabas ang aking nagkukubling damdamin. Salamat at patuloy kayo sa pagbabasa at pakikipagpalitan ng komento, kuro-kuro at opinion. Napakapalad ko dahil isa ako sa nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa mga makabagong mananalata sa kasalukuyang henerasyon.

 

Sa aking mga kapwa blogger, marapat lamang na ibahagi ko sa inyo narito rin ang ilan sa aking mga nominado:

1.  Sa saliw ng awit- isa sa mga taong pumukaw ng aking atensiyon kung paano magsulat. Ang nagbigay gabay nung ako’y nagsisimula pa lang dito sa pagsulat. Kelan ko lang napagtanto na iisa lang pala si Doon po sa Amin at Sa saliw ng awit.

2.  Childhoney- ang matinik at matalinghaga manunulat. Mga tulang tumatatak at mga panulat na nagmamarka.

3. 25cupnoodles- masipag sa paghabi ng mga tula. Tulad ni childhoney, mabalasik ang mga bawat panitik. Kaabang abang ang mga lathalain.

4. Theworshipwarriorbride- mga panulat na pumupunan sa aking ispiritwal na pagkatao.

5. Lambing- ang laging nagpapakilig at naghahatid ng kakaibang aspeto sa mga usaping pang puso.

6. Bagotilyo- mga panulat na hango sa mga tunay na pangyayari. Lalaking lalaki at brusko ang bagsakan ang dating sa tuwing binabasa ko ang kanyang mga akda.

7. Abrilicious beybe-madalas man puro pagkabigo ang ilan sa kanyang mga gawa pero naniniwala ko na may nababanaag pang kasiyahan na darating.

8. Otep- ilalakbay ka ng mga malilikot niyang paa sa ibat ibang sulok ng Pilipinas. Mahusay at laging deretso ang bawat atake.

9. Crazy frog- isa sa aking mga sinusundan manunulat. Mga kuwentong may tama. Mga kwentong natatangi ang mga timpla na parang may “magic sarap” kung sumulat.

10. Alimbukad- isa aking mga hinahangaan. Matalas ang mga prosas. May diin at suntok ang bawat pilantik ng kanyang pluma.

11. Sundalong lasing- Malakas ang tama. Mas may sipa pa sa pulang kabayo.

12. Manunulat ng bayan- Kailanman patuloy na lumilingon sa bayang pinagmulan. Makabayan, malaya at makabansa. Saludo ako na siya sumasagisag sa mga panulat bayang tinubuan.

13. Haring ibon- Dadalhin ka at ililipad sa kalawakan ng ulap. Ilalakbay ang iyong imahinasyon sa daluyong ng hangin.

14.  Echoserang Frog- ang mga ma chuchurva at mga checheness na sulat. Winnie Monsod  at award talaga. Kalibang libang magbasa at kung ano ano pang eklavu ang makikita mo sa kanya.

15. Para sa aking natitirang followers na naiiwan. Labis din ako natutuwa at kinapupulutan ko ng aral ang kanilang mga likha. Tunay nga dapat ko pa rin kayo ihanay sa mga mahuhusay at mababalasik na manunulat na sumasabay sa agos at patuloy na pag-ikot sa mundo ng blogasperyo. Ipagpatuloy natin ang pagsulat.

===========================================================================

Seven Things About ME:

I am well-true and well- nice

 I was never a nerd, I was the life of the party.

Always welcome anyone with a smile.

I am an achiever.

I was born with a pencil

I am passionate about my faith

 I live, breathe, and loves Christ.

===========================================================================

RULES:

If you are nominated, you’ve been awarded the Versatile Blogger award.

  •  Thank the person who gave you this award. That’s common courtesy.
  •  Include a link to their blog. That’s also common courtesy — if you can figure out how to do it.
  •  Next, select 15 blogs/bloggers that you’ve recently discovered or follow regularly. ( I would add, pick blogs or bloggers that are excellent!)
  •  Nominate those 15 bloggers for the Versatile Blogger Award — you might include a link to this site.
  •  Finally, tell the person who nominated you 7 things about yourself.

===========================================================================

40 thoughts on “VERSATILE BLOGGER AWARD

  1. hello, Myr… maraming salamat, kapatid. karangalan ko ang manguna sa iyong much coveted list, ahihi. salamat. ^^

    lagi kang magsulat. i really enjoy reading your posts.🙂 saka pala, pag may time, mag-edit para mas mapaganda pa ang mga lathalain. regards and happy weekend.😉

    • Salamat talaga. Alam mo naman ikaw talaga ang ugat ng lahat ng ito. Editing pa un isa sa dapat ko pang gawin. Yun ang kulang sa akin, tamad mag edit..basta kung ano maisip isulat agad. Ako man din ay mas lalong natutuwa sa mga panulat mong walang katulad..Napapaindak at napapahimig sa saliw ng iyong awit😉

      • welcome. at ako ang magpapasalamat ng marami dahil first honor ako, yihi!😉 yes, mas maganda pag may edit, kapatid. saka, read some more para madagdagan ang approaches and points of view sa sulatin, ayon… ^^

        but you’re a natural pagdating sa pagsusulat, as in. pag nagsipag ka pa, hala, uunlad pa ‘yan. noong ako ang nasa edad mo, sus, ang eewan lang ng mga naisusulat ko, haha. pero ikaw, maalam na, ngayon pa lang. keep on writing!🙂

  2. Pingback: Isang Bagsakan Award (One HiT Award) | 25pesocupnoodles

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s