Salamat po

Salamat Po

Hindi ko rin iwawaglit sa aking puso’t isipan
Bawat ginhawang makamit ay may isang pinagmulan
At ikaw lang Bro, ang aking sanggalang,
Binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.

Pagkat ang himig Mo ay malamyos na awit
Dantay ng palad MO kapayapaan ang hatid
Pag-ibig na sakdal tamis, sa akin ay inihain
Ano’t ako’y bantulot sa pag-ayon sa iyong nais

Ikaw ang tunay na Daan, Katotohanan at Buhay,
Liwanag ng sanlibutan, sa balana’y tumatanglaw
Ikaw ang humahawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag
Ikaw ang may mapanukaw na sulyap sa aking kaluluwang ligaw

Salamat po! Salamat po o aking Poon
Salamat sa mga pagpapala at sa mga nagdaang taon
Salamat sa mga hamon na nagpatibay ng panahon
Salamat po! Salamat po! kay buti mo Panginoon.

AMEN.

20 thoughts on “Salamat po

  1. hello, Myr… gusto ko ang mga salitang ginamit mo sa tula – sanggalang, malamyos, hatid, sakdal, bantulot, balana, mapanukaw. ligaw at pagpapala. at higit pa, hanga rin ako kung paano mo sila tinahi smoothly. ahaha, poetic ang isang taong grateful.🙂

    hala, masaya ako para sa iyo at sa iyong mga natatamasa. magsulat ka lagi pag may pagkakataon, kapatid. regards😉

  2. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s