Inuman 101

 

 

Inuman – isang grupo na binubuo ng dalawa pataas na katao para magsalo sa alak hanggang malasing at pagusapan ang lahat ng bagay na maisipan nila.

dahil ang grupo ng lalaki na naguusap lang- ang tawag don ay CHISMISAN.

 

-simula at sulosyon ng mga problema.

 

 Must Haves:

 alak, chaser, pulutan, utensils, shot glass, baso, lighter, sigarilyo, yelo

optional- music, games, babae

 

Settings

 Una, siguraduhing malinis ang lugar na pagiinuman- lamesa at upuan ay kailangan- kung walang mesa- mag improvise

lamesang balasubas ay madalas gawin- lalo na ng mga karpinterong magiinuman sa trabaho

 Ihain ang lahat ng kobyertos at mga baso. kung isang grupo ng mga lalaki ang magiinom, isang baso isang shot glass.

maglalabas lamang ng extrang baso pag may TB o ano pang nakakahawang sakit ang mga kainuman mo- kung ganito ang senaryo-

paalisin ang may sakit o wag ipaalam sa kanya na magiinuman kayo

iset ang sounds bago pa magumpisa ang inuman para ganahan ang mga manginginom- umpisahan ng masayang tugtog para masaya ang inuman.

 

Tandaan: kadalasan ang mood ng inuman ay nadadala ng tugtog- ugaliin masaya ang tugtog- magpatugtog lamang ng inyong “cruisin” na cd pag senti ang isang tropa

makikita na naka-thumbs up pa ang ginoo sa inuman, patunay na masaya ang gabing ito

______________________________________________________

  

Etiquette

  

Sa inuman:

Bago mag umpisa ang inuman – ugaliing mag bigay tagay sa demonyo- kasabihang mahiwaga para di makisali ang diablo. (nangyayari to pards)

Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan

Dibale ng magtagal sa suso wag lang sa baso.

Pag tapos tumagay – ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na, baka naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.

Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.

Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan

Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makikiinom ka ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera

 

 Sa Pulutuan:

Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain ka sa inyo kung gutom ka.

Pag ginagamitang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag aralan.

Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang istilo na to para hindi tumaob ang barko.

Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta, inuman to.

Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang baboy.

Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom

 

Asal sa Mesa:

Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to- hindi sosyalan,

Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng ikuwento

Pagbisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.

Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka lang kupal.

Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal ang binara.

Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.

Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat – kupal ang dating mo non.

Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita.

Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.

Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.

Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday – wag kang agaw eksena.

Goodtimes lagi.

 

After ng Inuman:

 

Ugaliing tumulong magligpit.

Kung di na kaya humiga sa isang tabi

Kung di tumutulong magligpit – huwag makulit.

Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.

Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng pangambag.

 

 

Suka Tips:

 

Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.

Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag nakainom.

Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan- (banyo, inodoro.)

Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.

At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura. Para di ka itaboy.

 

Tanggero Tips:

Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka ng gamit tulad ng:

tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.

Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nagambag – alukin ang lahat ng bisita.

 

 

Sa Mga Manginginom:

 

Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at  pagpapalit ng music kung walang nakaatasang dj.

Ipanatiling masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at mag saya para makalimot sa problema-

sa larawan sa taas makikita na buhat ng isang ginoo ang kahon ng beer, ito ay senyales na sya ay tumutulong sa inuman.

____________________________________________________________

Maligayang pag inom sa inyong lahat, hari naway malasing kayo ng maayos!

______________________________________________________________

ashleighonline.multiply.com

 

32 thoughts on “Inuman 101

  1. sigh, parang sarap talaga shu-mat, lalo pagbarkadahang walang iwanan at walang bugbugan. hahahahahaha. ayos tong post na to. trip trip lamang. naalala ko ng minsan akong makipag-inuman nagbaon ako ng tsokolate, paiwas suka pag nasobrahan, ang kaso mo, nilantakan na pala ng tanggero, hahaha.

  2. ahaha, astig! ang galing.. ikaw na ang sanay at bihasa, as in… Myr, pwede mo nang ikuha ng copyright itong inuman 101 mo, pramis… thumbs up! ikaw na talaga, ikaw na ang babad sa inuman, makaranasan at may Ph.D. nang maituturing, haha. ^^

    gusto ko ang mga dont’s gaya ng huwag gawing tubig ang chaser, ang kulit mow…😉

      • ahaha. once a year na lang ngayon, Myr. or twice, kung minsan. tapos, di na mahilig sa beer. usually, one shot of margarita na lang. na-tame na rin, hihi…

        pero dumaan din sa palainom no’ng 20s, as in… may year na three times a week uminom, kainaman. beer ‘yon at sangkatutak na pulutan at kwentuhan. simpleng sociable lang, kundiman dekadente, hihi.

        matagal ko nang wish na sana minsan ay malasing ako uli nang walang pakialam, haha… ewan!😉

        • parehas tayo minsanan na lang talaga. ung mga early 20s din ako at mga 18 to 19 inuman to the max yan , walang humpay hanggang mawala un kaluluwa ko.nakakamiss din un mga ganon moments, pero kase un level of maturity natin nagiiba rin minsan kaya alalay na lang tayo sa mga bagay bagay…iniimajin ko kung paano ka kaya malasing nun..siguro mas matalas ka sumulat at mas mabagsik😉

          • naaliw ako sa inom na walang humpay hanggang mawala ang kaluluwa, hihi… oo, nakaka-miss ‘yong inumang walang inaalaala, as in… pag nagiging adult, halos nawawala na ang gano’n, for some reason, letse, hihi… ^^

            ah, three times lang yata ako nalasing. usually, pag may tama na, nagigi akong tahimik… ‘yon ang di alam ng marami – ang paraan paano ako patahimikin, ahaha. ah, di ko pa nasubukan ang magsulat ng nakainom. meron daw mga taong gano’n ang style – nag-iinom para makapagsulat. ^^

            hindi ako nagsusulat pag nag-iinom o pagkatapos… in that sense, medyo babae pa rin ako, hihi. parang that’s a male thing – ang mag-inom tapos magsulat? ^^ ewan ko lang… basta. hellow, Myr!😉

            • Yeah ganon kase kame pag nalalasing ng tropa..mas masaya mas maraming trip.. at least alam ko na ngayon kung paano ka pag lashing. may idea na rin kung paano ka patatahimikin.. Un magsulat ng nakainom most of the times nagagawa ko un, kase mas malakas ang sipa, malakas ang loob sabihin lahat mas swabe ang mga bitawan un nga lang medyo minsan layo layo na lalo kung lasing…naku pano kaya kung ikaw magsulat ng lasing..hehehe…kaiba ka talaga😉

  3. Donts:

    Huwag lagyan ng stork ang Redhorse para patayin ang lasang mapait,
    Ikaw ay tiyak na babagsak matapos walang habas na mangulit….

    Do:

    Mag-iwan lagi ng panlakad, ang alak ay pang katuwaan,
    Hindi dapat magpakalunod, tila ikaw ay walang kamatayan…

    Must haves:

    Pamasahe pauwi kung nakikiinom lamang.
    Magbaon ng sariling kumot at unan kung nasa bahay ng kaibigan.
    (Huwag pasaway, matutong tumulong magligpit kinabukasan)

    Setting:

    Basta may videoke, katalo na.

    Pulutan:

    Kahit ano, huwag lamang butong pakwan! (delikado yun pag lasheng na, sumasabit sa ngalangala)

    (yan po ay ayon sa aking mga kaibigan ^_^ … KAMPAI! )

    • hahhaa..maganda ang iyong mga panukala ah…ilan sa mga dapat at di dapat gawin..ayos! minsan kung walang storck pede mentos sa redhorse tpos may chemical reaction un…videoke? pede kapag lasing na kapag tamang kantahan na, pero mga kwento moments at tawanan moments sounds or gitara ayos muna para di masyado maingay…salamat..shot na !😉

    • Teka, ako ay may nalimutan….

      Kung ang ambagan ay napagkasunduan,
      Ako ay sang-ayon, bago lumarga, pera ay iwanan…
      Baka di ka na imbitahan sa susunod na inuman…
      Dahil mga kaibigan ay para na ring iyong dinugasan….

      ^_^

  4. Pingback: KAMPAI! « Chilledhoney's Blog

  5. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

  6. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s