Hamon ng buhay.

Sadyang mailap, mapaglaro at mapanghamon ang buhay. Ano man ang suntok nito sa iyo? Mabigat man ang dagok, may bukol man ang umpog ay kailangan mo paring ipagbunyi ang iyong mga nagawa at mga pinaplano. Tumayo sa pagkakatisod at maging interesado ka sa iyong larangan gaano man ito kahamak, gaano man ito ka peligro dahil ito ang tunay na tangan mo sa nagbabagong kapalaran.

Maging mapanuri sa iyong pakikipagkalakalan, pakikipagkuro-kuro at pakikipagtalastasan. Sapagakat datupuwat ang daigdig ay puno ng mga hunyango at panlalang. Mga buwitre na nagkalat. Mga ulupong na nagsisigapangan. Ngunit hindi ka dapat magpatalo sa mga ito. Hindi ka dapat magpasupil at magpabulag. Taglay mo ang kabutihang loob upang puksain at wakasan para lamang sa iyong dakilang hangarin at saanman ang buhay ay puno ng kabayanihan.

Lagi mong isaalang alang ang mga aral sa iyo ng magulang sa nagdaaang panahon, habang mabining isinusuko ang mga bagay ng murang isipan. Palawakin ang agimat ng iyong diwa dahil ito ang magsisilbing kalasag upang ipagsanggalang ka sa biglaang kapighatian. Huwag mong hayaan lamunin ang iyong sarili ng dalumat na mapanglaw  at mga pangambang nagmula sa agam-agam at sapantaha.

Maging payapa ka kasama ang mga obra ni Bathala anuman ang hinahaka mo tungkol sa Kanya. Anumang  kaganapan at minimithi  sa kaguluhan ng buhay, magkaroon ng kapanatagan sa iyong diwa. Sa lahat ng mga pagsubok, pagkukunwari at mga basag na pangarap lagi mong isaisip kundi man ay isapuso na isa pa rin itong magandang daigdig. Maging ikaw ka at huwag kang mapanlibak. Lalong mo sanang hulmahin at hubugin ang pananaw mo na may positibo paring darating….

-Myr 096-

16 thoughts on “Hamon ng buhay.

  1. napakagandang sanaysay at panawagan,,,,,,ito’y tunay na obra ng taong kababanaagan ng pag-asa…..salamat kaibigan,,,,binigyan mo ng pagkakataon ang aking isipan na makapagmuni,

  2. ang kapangyarihan na tangan ng may positibong pananaw ay walang kapantay. nagustuhan ko ang mga binitawang mong linya Myr. Lalo pat binigyang halaga mo rin ang pagkakaroon ng “passion” sa mga nais gawin at mga bagay na gagawin pa lamang. sa linyang ito na masarap namnamin,

    “maging interesado ka sa iyong larangan gaano man ito kahamak, gaano man ito ka peligro dahil ito ang tunay na tangan mo sa nagbabagong kapalaran”

    napakagaling ng pagkakasaad, isang kaisipang nais kong wag makalimutan.

    • Maraming salamat 25cup. Salamat at nagdulot din sa iyo ng kaisipan na pwede mo ring isabuhay. Sa akin, isa talaga itong malaking aral na nais ibahagi sa mga mambabasa. Tuloy tuloy lang ang buhay na may kaakibat na positibong pananaw….Musta naman ang tag-ulan natin jan?..hehe..;-)

  3. ” Sa lahat ng mga pagsubok, pagkukunwari at mga basag na pangarap lagi mong isaisip kundi man ay isapuso na isa pa rin itong magandang daigdig.”

    Isang napakagandang kaisipang nagbibigay ng napakagandang damdamin sa kaluluwang kinakapa ang kaayusan ng buhay….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s