Nung Bata ka pa

Nung Bata ka pa:

Minsan mo ng pinapak ung milo

Sisilipin mo ung ref kung mamamatay yung ilaw pag siansara

Kumakanta ka sa harap ng electric fan

Mamimitas ka ng santan tpos sisipsipin ung nectar

Mangunguha ka ng gumamela tapos gagawa ka ng mga bubbles

Ika kas kas sa dingding ung styrophore para kunwari snow.

Magsusulat ka ng pangalan sa maalikabok na sasakyan or bagong sementong kalsada

Ketchup lang pede mo nang iulam.

Hinihipan mo yung nauubos na zesto sa tetra pack

Kapag naumpog ka sa ulo, kinakatok mo un baba mo para di ka raw mabobo

Ginagawang braces un foil na doulble mint

Ilan lang yan sa mga gawain natin nung pagkabata.  Totoo. Nakakatuwa. Simple. Nabasa ko ito sa isang post sa facebook. Kaya naisipan ko ring ibahagi.  Pero ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit masarap maging bata na lang. Ang sarap balik balikan. Ang sarap alalanin.

Katulad ng isang munting bata, walang intindihin masyado sa buhay. Kumain, maglaro tapos matutulog. Hihingi ng kaunting barya, bigyan ng kapiranggot na kendi masaya na. Hindi katulad ngayon na malalaki na, kelangan kumayod, kelangan mag banat na ng buto. Hindi na pupuwede na gigigising ka tapos mangangalkal ka ng makakain. Ngayon, gigising ka tapos iisipin mo ang susunod na mga araw kung paano makakain..

Kapag nakakakita ako ng mga bata sa labas ng kalye. Napapangiti pa rin ako. Ganyan ako noon! Tapos mapapailing at ibubulong sa sarili na “HIndi na pala pwedeng habambuhay na bata”..tsk tsk..! Ikaw? ano naalala mo nung pagkabata?….

33 thoughts on “Nung Bata ka pa

  1. sa lahat ng ‘yan ito lang ang hindi ko ginawa “Ketchup lang pede mo nang iulam.”…ewan ko ba hanggang ngayon hindi ako mahilig sa ketchup..gatas pa inuulam saka yung sitsiryang Doris.

    Tama hindi pwedeng manatiling bata habambuhay. Pero nakakapagtaka kasi karamihan nung bata excited tumanda (ako dati kasi naiimagine ko ano kayang feeling ng may borfriend), pero kapag tumanda na sasabihin “ang sarap sana bumalik sa pagkabata (lalo na kapag hanggang ngayon yung iniimagine mo dati hanggang ngayon imagination padin hahahaha)…pero merong ilang matanda na isip bata padin.😉

  2. naaliw ako.🙂
    oo nagawa ko nga ang mga eto. pwera sa santan. ano un?😀

    uu nga.. nung bata ka, gus2 mo na tumanda para magwa ang mga nais mo. pero ngyung matanda kna gus2 mo bumalik sa pagkabata.. haysss..

  3. Sobra nakakatuwa alalahanin talaga.. Buti pa noon, nasasaktan lang tayo kapag nadadapa.. tapos babangon ulit, na parang wala lang.. Ay. haha! nag-emote!

    Isa sa mga gawain ko din nung bata eh papakin ang bearbrand na may asukal.. Diba, napakasweet ko talaga! Hahaha!

    Happy Friday! ^^

  4. nakakatuwa ang magbalik tanaw
    sa panahong tayo ay naging matakaw
    matakaw sa pagtuklas ng mga bagong pananaw
    tayo’y tila uhaw na uhaw
    sa ilalim ng langit na bughaw
    ito ang aking mga palahaw
    sa iyong pagbabalik tanaw
    nabigyan bang linaw?

  5. nung bata ako;?
    -pinangkukulot ang tangkay ng dahon ng kakawate🙂
    -kasehodang walang sapin sa paa..basta makatakbo ng mabilis wag lang mataya! haha…
    -at maraming marami pang ibang mga bagay na ang sarap balikan

    i miss my childhood days!!!

  6. Nakakamiss maging bata😦
    Naalala ko noon, umiyak ako kase kinatay yung alaga kong manok, akala ko kase pet ko siya, umalis ako ng bahay at doon naglabas ng sama ng loob sa bahay ng kaibigan ko. HAAHHAHHA. Super tampo ako sa kanilang lahat. Nakakamiss talaga!

  7. nung bata pa ako,

    naalala kong makipaghabulan sa alagang pato ng aking lolo..
    takbo ako ng takbo, hanggang sa binato ko ito,
    ako ay natuwa, napahiyaw ng husto, kasi tinamaan ko sa ulo,
    umiyak ako dahil sumigaw si lolo, ayan na, may hawak na pamalo
    nakita ang ginawa ko, nagalit, umuusok ang kanyang kalbo,
    kanyang wika, “bakit kasi ikaw ay sinabihan nang huwag tumakbo,
    ikaw pa rin ay kumaripas, walang hinto-hinto,
    pato tuloy ay natuwa akala ikaw ay nakikipaglaro,
    huwag kang maiinis, siya ay naaliw, huwag kang mambato…”

    napadaan lang po sa iyong tambayan G. Myr!

  8. Pingback: Nung bata pa ako…naalala ko « Chilledhoney's Blog

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s