Hapdi at panaghoy

Minsan isang gabi ako’y muling napahikbi at muling dumaloy sa aking mga mata ang luhang nagpapahayag ng panghihinayang at pagsisisi, mga sakit at hapdi na pilit kong ikinikimi sa likuran ng aking dibdib at kinukubli sa bawat ngiti at halakhak na aking ginagawa. Akala ko’y tapos na ang lahat. Animo’y wala ng hapding nadarama, ngunit ako’y nagkamali. Ang sugat ay di pala gayong kadaling gumaling at kung maghilom man, isang alaala pa rin ang mananatiling nakaukit sa aking damdamin.

 

Nais ko sanang magbangon sa pagkarapa mula sa isang bigong pag- ibig ngunit ito’y hindi gayong kadali. Itinuon ko ang isip sa ibang tao ngunit walang makasagip saakin sa pagkalunod ko. Hindi ko na mawari ang dapt gawin upang siya’y limutin at upang ang mga damdaming nadarama ay tuluyang mawala na sa aking dibdib.

 

Hanggang ngayon, batid kong pangalan pa rin nya ang sigaw ng aking puso at siya pa rin ang aking hinahanap. Gusto ko nang muling lumakad ngunit ang nakaraan ay patuloy sa pagpigil saakin. Itong nakaraan na muling nagbabalik sa aking alaala, ang kanyang malalambing at mapanuyong tinig, ang bawat salita at simpleng pagsabi at pagpapadama na ako’y kanyang mahal na nakapagpapa- payapa sa aking damdamin at nakakapagtikom sa aking mga labi.

 

Di ko alam kung bakit ganon sya kamakapangyarihan at magpasa hanggang ngayon kahit ako’y kanya nang pinalaya ay tuloy pa rin ako sa pananatili at pagbibigay ng sarili ko bilang kanyang bihag. Mahapdi man ang aking nadarama ngunit batid kong siya’y iniirog pa. Batid ko mang wala siyang damdamin at di ako mahalaga sa kanya, patuloy ako’y naririto at nagmamahal pa. Ang bawat patak ng luha, hikbi at panaghoy ay makapagsasabi ng aking tunay na nadarama, mahal kita, mahal kita

 
Marahil ako nga’y makata na siguro at alam kong binusang mais na ang lahat ng mga tinuturan dito, ngunit ako’y walang magawa, nananatili pa rin dito sa puso ko ang kanyang larawan, tinig at yakap, ang bawat alaala ay patuloy na nakaipon sa aking damdamin at walang tigil na nagpapaluha sa aking mga mata. Dito sa puso ko’y tanging sya lamang at ang lahat sa kanya pa rin iaalay. Dalangin ko lamang ay mahalin nya ako, at kung di man, bagong pag- ibig nawa ang magbago sa lahat ng nadarama kong ito sa puso ko.😦

28 thoughts on “Hapdi at panaghoy

  1. Bagong pag-ibig ba ang sagot sa pusong sugatan?
    Kailangan nitong maghilom upang maging handa sa susunod na pag-ibig.
    Maaaring matagal bago mawala ng tuluyan ang pighating nararamdaman. Pabugso-bugso ang pait na iyong mararanasan. Pasasaan ba’t konting panahon pa at ang sugat ay maghihilom. Lahat ay may hangganan. Huwag kalimutan na mayroon ding “simula”..Lahat ng nangyari na ay magiging bahagi na lang ng iyong nakaraan.. Bahagi ng nakaraan , ng mga alala na bumuo sa iyong pagkatao.

    • Salamat kapatid sa iyong turan. Labis kung ikinigalak ang pagbabahagi mo ng kuro kuro kung paano maisantabi ang isang bigong pag-ibig. Marahil panahon ang bibilangin at malalim na karagatan ang kailangan suungin upang maghilom ang mga sugat na nakadarang sa aking puso. Masakit. Mapait. Hindi man ang bagong pag-ibig pero nawa’y makatulong sa panibagong panimula…maraming salamat muli :-0

  2. “Gusto ko nang muling lumakad ngunit ang nakaraan ay patuloy sa pagpigil saakin.”–hehehe hindi ka naman hawak ng nakaraan, ikaw ang nakahawak-o mas tamang sabihin nakayakap sa nakaraan kaya hindi ka nya pinipigilan muling lumakad ikaw lang ang gumagawa nun sa sarili mo (kontrabida lang?! hahaha). Try mo sya’ng bitawan ‘di ka lang lalakad, tatakbo ka pa!

  3. MYR… Napakahirap ngayon lamang ako nakadama na kahit na akoy kanya iniwan wala akong galit na nararamdaman kung kayat hirap akong maka MOVE ON. minsan magigising ka na lang bigla at sya ang papasok sa isip mo lubhang napakahirap.. minsan iisipin mong wag na lang mag mahal ngunit kalaunan ay magmamahal at magmamahal ka pa din.

    • tama ka jan kaibigan. pero hindi mo pedeng piliin ang mga taong mahal mo..kusa yan,,,hindi pinipilit at hindi minamadali.. mahirap pero kailangan kayanin..may mga dahilan kung bakit mo siya nakilala o bat ka niya iniwan. ipakita mo na kaya mong umahon at mabuhay ng wala siya..tiwala lang at magiging maligaya ka muli..salamat sa pagdalaw..;-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s