A love fails ;-(

Isang napaka ordinaryong araw, tulad ng mga araw na nag daan. Habang ako’y nakasadlak sa apat na sulok ng aking silid, nakalapat ang  likuran habang nakikinig sa saliw ng musika. Nakatingala at nagmumuni muni.  Nang biglang tumunog ang aking telepono. Dali dali kong dinampot upang malaman ang nasa kabilang linya. At sa aking pagkabigla, IKAW pala!.

Hindi talaga sumagi sa aking kukutan na makipagusap sa iyo sa kadahilanang ikaw ang huling nilalang na maaring tumawag sa akin. Hindi sa hinagap na nariyan ka pa rin pala.

Hanggang sa…..

Naging magpatuloy ang mga paguusap natin sa telepono. Hindi iyon ang huling beses na nagkausap muli tayo. Naging magkasundo tayo sa mga bagay –bagay, marami siguro tayong pagkakatulad,  naging magkawave length.

Madalas naman tayo magkita at magkrus ang ating mga landas , sa tuwing magtatagpo ang ating mga mata ay may mga halong bati at ngiti. Hanggang dumating sa oras na hindi ko na mapigilan ang aking mga mata sa pagsulyap sa iyo sa tuwing tayo ay magtatagpo. Siguro mayroon talagang kakaiba sa iyo, ngumingiti rin ang aking mga mata sa tuwing nakikita ko ang tamis ng iyong ngiti o dili kaya unti unti na ata akong nahuhulog sa iyo.

Yung araw ding iyon ay napakahalaga. Hindi ko malilimutan yung araw na binuhay mo ang katawang lupa kong matagal ding nahimlay sa pagkalugmok. Hindi ko alam pero sadyang napakabilis ng mga pangyayari. Sa aking kamalayan ay pinagusapan natin at nailahad ang ating mga nagsusumidhing damdamin sa isa’t isa. Hindi mo alam kung gaano ako kaligaya at lalo pa’t nabatid ko na magkatugma ang ating mga nararmadaman. Pero mayroon pa rin mga pangamba, takot na masaktan  dahil  alam kong napaka imposible na ikaw ay mapasa akin, pero wala akong magawa kaya tinanggap ko pa rin ang hamon. Ang isang makamundong pagnanasa na mapa sa akin ka.

Ang mga nakalipas na araw ay tila naging mabuti para sa atin. Parang araw araw ay puro pula na lang ang aking nakikita. Kahit saan man ako tumingin mukha mo lang ang natatanaw. Walang oras na malungkot.  Kahit na alam ko naman na ang bawat oras na magkasama tayo ay mga nakaw lang na sandali.  Pero napakasaya ko pa rin.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at biglang nagbago ang lahat.  Ang bawat pag-uusap ay nawawalan na ng saysay, ang dating pagkasabik ay nawawalan na rin ng kulay at unti uni naglalaho ang mga bagay bagay. Sa madaling salita, unti unti kang lumalayo at lumilihis ng landas. Ano bang nagawa ko? Ano ba ang mali?. Mga katanungan na hinahanap ko ng kasagutan.

Ang damdamin mo ay unti unting gumuho. Katulad ng isang gusali na unting nilalamon ang pundasyon. Napatunayan ko yun, kahit ipilit mo mang itago. Hindi ko alam. Ako’y litong lito. Biglang nagbago talaga ang lahat, alam  ko ang lahat ng ito dahil sa mga titig, kilos at mga gawa mo ay damang dama ko.  Minsan isang gabi kapag sinasabi kong ikaw ang unang magbaba ng telepono at umaasa akong maririnig ko ang tatlong salita buhat sa yo. Pero wala.  Hindi ko na naririnig ulit yun.

Masakit isipin at tumatangis ang aking kalooban nang malaman ko na iniiwasan mo na pala ako. Sa kadahilanang ayaw mo akong masaktan, at ayaw mo rin SIYANG saktan. Tama Siya. Ayaw mo KAMING saktan. Siya pa rin marahil. Siya pa rin siguro ang dinidikita ng puso mo.

 

Alam kong hindi mo ko kayang ipaglaban. Malungkot mang sabihin na takot kang sumugal at ipaglaban ang isang pag-ibig na alam mong hindi naman sapat. Huwag kang mag-alala, Ayos pa rin naman ako. Naiintindihan ko at pilit ko pa rin iniintindi na ang mga bagay dito sa mundo na kalian man na di mo pag-aari ay hindi talga pupuwede.

Madalas akong lumuha sa mga nangyare sa aking mumunting silid, kung saan alam kong walang makiririnig ng aking hagulgol kundi ang apat  na sulok ng aking silid tulugan. Tanging mga unan lang ang naging saksi ng aking mga pagdaraing. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung may dahilan pang gumising sa mga susunod na araw. Hindi ko pa alam kung may dahilan pa para mabuhay. Sabihin niyo na akong eksaherado pero dumating sa punto na ayoko nang making ng mga awiting pag-ibig, lahat un kapag naririnig ko ay nagpapaalala lang sayo. Ayokong lumabas ng bahay dahil sa mga mugtong mata dulot ng  isang bigong pag-ibig. Ayoko ng magmakaawa pa para sa iyo pero anong magagawa ko kung labis kitang minamahal. Labis mong nilamon ang natutulog kong puso.

Nagbago na nga siguro ang lahat.  Naging abala ka at gayundin ako. Sa tuwing dumarating ang pagkakataon na tayo ay makapagusap  nais ko pa rin sabihin kung gaano pa rin kita sinisinta., pero mas pinili kong mag walang kibo dahil alam kong wala na rin itong dating sa iyo.

Sa tuwing nadaraanan ko ang mga lugar na pinagsamahan natin muling sumasagitsit ang mga alalaa ng kahapon. Kasabay ng panunumbalik ng sakit , muling luluha at tanggapin ang katotohanan na wala ka na sa aking piling.

Minsan naitatanong ko sa sarili ko kung hinahanap mo pa rin ako tulad ng pagtawag ko sa iyong pangalan. Kung may natitira pa bang pagmamahal tulad ng pag ibig ko sa iyo. Pero ayoko nang marinig ang kasagutan kung alam ko lang na ito muli ang magdudulot ng pait at lungkot sa akin

Ito ang katotohanan. Ang realidad ng buhay, May mga taong dumarating at may lilisan. Ang ilan sa kanila ay magdudulot ng saya, galak, lungkot at lumbay. Ang ilan sa kanila ay sadyang daraan lang. Hindi ko alam kung anong klasipikasyon ka dun pero gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisihan ang makilala ka. At kung mabibigyan ako ng pangalawang buhay ulit ay pipilitin ko pa rin ang makilala ka at mahalin ka.

Isa na naman itong ordinaryong araw tulad ng mga araw na nagdaan. Sa loob ng silid. Nakalapat ang  likuran kasabay sa saliw ng musika. Nakatingala at nagmumuni muni. Narinig ko muli ang ating awitin, napangiti habang nanunumbalik ang mga luha ng kahapon.

Magpahanggang ngayon ay masakit pa rin. Pero alam kong lilipas din ito. Alam ko mawawala rin tong nararamdaman ko para sa iyo. Alam ko yun. At sana nga….

 


                                                                                                                     

 

 

26 thoughts on “A love fails ;-(

  1. hanggang sa huli ang lahat pala ay sadyang magtatapos sa pagpili “choice”. hmmm.

    “Madalas akong lumuha sa mga nangyare sa aking mumunting silid, kung saan alam kong walang makiririnig ng aking hagulgol kundi ang apat na sulok ng aking silid tulugan. Tanging mga unan lang ang naging saksi ng aking mga pagdaraing.”

    —nakakalumbay, mahirap talaga ang mag-isa ngunit madalas itong piliin ng iba, ang mag-isa sa tuwing malulumbay.

  2. awts! ilang beses akong napalunok habang binabasa ko to. payo ko lang. wag kang mag mukmok kung gus2 mong gumaling.. hanap k ng ibang alternative para hindi sya ang plge mong naiisip. makikita mo, may iba pang mundo maliban sa mundo nya🙂
    cheer up!

  3. eto ka na naman sa mga makabagbag-damdamin mong love posts, malupit ka lagi… ^^ kailangan laging ipaalaala ang mga sakit, gano’n? ikaw na, ikaw na…😉

    hey, kailan pala liliwanag ang bahay mong madilim ang background, ako’y nasisilaw, ahihi. happy weekend!😉

  4. Hanggang ngayon sya pa din ang mahal na mahal ko para sa akin is dream come true ko sya ngunit nauwi sa hiwalayan.. Ni minsan di sumagi sa isip ko na mauuwi lang sa wala ang relasyon namin. ang mahirap is kahit nakipag break sya sa akin wala akong maramdaman na galit dahil buong buo ang love and affection ko sa kanya, kaya hindi ganun kadali ang mag move on. Sa ngayon di ko alam kung paano ako magsisimula at pag umiiyak ko sabi ko LORD GIVE ME MORE STRENGTH… pareho kaming nasa abroad kahit na ako lagi ang napunta sa kanya 5hrs travel wala sa akin yun ganun naman talaga pag nagmamahal…

    • Mahirap man pero kelangan magpakatatag. Sadyang ganon talaga ang nagmamahal . Ang pag ibig masyadong mahiwaga, mahirap hanapan ng kasagutan. Pasasaan man kaibigan alam kong malalagpasan mo rin yan. Darating din ang tamang panahon na masusumpungan mo rin ang labis na kalihayahan. Slamat sa pagbisita…

  5. MyR. Tama ba ang nasa isip ko na sya na ang huling mamahalin ko alam ko bata pa ako pero paano… sobrang mahal na mahal ko sya.. sa totoo lang sinabihan ko ang mga kaibigan ko na kaibigan nya din na wag akong i-update dahil nasasaktan lang ako oo alam ko sa sarili ko na walang 3rd party involve ang rason is mga kaibigan nyang hindi mo alam ang trip. napakahirap… sobra…

    kung kami pa rin sana ay sabay kaming uuwi sa pinas sa susunod na taon pero wala na, masarap magmahal dahil mau inspirasyon ka pero kakambal nun ay sakit pag naghiwalay na kayo…

    naniniwala ka ba sa mga taong sinasabi nila pag ex nila ay ex na di na nila binabalikan, sa part ko wala akong ginawang mali at pagkukulang sa relasyon namin..😦

    • para sa akin depende iyon kung paano kyo naghiwalay..kung may formal closure ba na naganap..kung maayos ba ang paghihiwalay at kung may agreement bang naganap. nasa inyong dalawa pa rin un, maari kyong maging magkaibigan ngunit huwag ka ng umaasang maibalik pa rin ang dati…may mga bagay dto sa mundo na ka kahit anong pilit natin ay din rin natin makukuha….maglibang ka muli at mahalin ang sarili..bata ka pa at marami pang magagandang karanssan ang pwede pang mangyare sa iyo…chillax lang ang buhay….;-)

  6. Nung November 19, lang sya nakipag hiwalay sa akin sa totoo lang i feel lost that time di ko alam kung san ako kukuha ng lakas na paranoid ako di ako makapag isip ng maayos para pakalmahin ang sarili…

    kaya nung 28 nagkaron ako ng chance na pinuntahan ko sya sa Riyadh nagusap, pero alam mo yun MYR dun ko na feel na wala na syang pakialam sa akin kahit na nagkausap kami kahit alam nyang wala akong tutulugan dun nag msg ako sa kanya kung pwede makituloy sa kanya then kinaumagahan uuwi na din ako pabalik ng Khobar pero wala natiis nya ako halos pinagsusuntok ko na yung pader at dumugo ang kamay ko wala syang pakialam tumitingin lang sya habang ipinupunas ko ang kamay ko sa jacket ko… ang sakit MYR.. pero kahit ganun pa man wala akong naramdaman na galit dahil nangingibabaw pa din ang matinding pagmamahal ko sa kanya…

    • sadyang ganon talaga ang pagkakataaon..hindi mo pedeng ipilit ang pagmamahal ng isang tao sa iyo. kung may natitira man siyang pagmamahal siguro hindi na katulad ng dati…masakit pero kailangan tanggapin na nalanta ang dating maganda ninyong pagmamahalan…subukan mong bumangon, mamuhay ng wala siya sa buhay mo…wag mo na rin siyang habulin at dahil baka sa huli ay awa na lang ang natitira niyang pagtining para sa iyo….marami pang pede mangyare sa buhay mo kaya tiwala lang kaibigan..;-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s