Ang aking Kuwaderno…

Ito ang aking munting kwuderno. Alam kong lahat tayo ay may kanya kanyang kwuaderno. Hindi lang siya isang ordinaryong kuwaderno kundi isang napakahalgang bagay na naging saksi sa paghubog at paglago ng aking pagkatao. Hindi pa uso ang wordpress, facebook, friendster, myspace, multiply at kung ano ano pang networking site ay mahilig na talaga ako magsulat. Bago ko pasukin ang mundo ng blogasperyo ay sadyang nakahiligan ko nang ilahad sa munting papel ang mga bagay at saloobin na ayoko palagpasin at kagyak ng aking paglalakbay.

Hindi lang basta salita at tinta mula sa mga pluma ang nakapaloob dito. Bawat tangis na nagmumula sa pluma ay nakasulat ang mga damdamin, hinuha, pangamba at maging mga alaala na pinaglipasan ng panahon. 


Dito ko naisusulat sa tuwing ako ay masaya o dili kaya ay malungkot. Kapag may pait at galit.  Kapag  ako’y nadadarang at natutukso. Kapag ako’y bigo at silakbo. Kapag  ako’y nanalo at nagtatagumpay.  Ito ang nagisislbi kong hingahan, kanlungan at seguridad. Hindi ako nagsusulat dahil sa alam kong kaya ko, kundi nagsusulat ako dahil ito ang alam kong nararapat. Dito napapaloob ang ilan sa aking mga sulatin at mga lathalain na nakakubli sa aking sarili. Dito nakasulat ang mga pangarap na nais kong mabuo. Dito nakalathala ang mga epitomiya ng aking nagsusumidhing damdamin. Dito nakalakip ang ilang mga tula at dula, mula sa pagkabigo hanggang sa pag-asa na inaasam. Dito ang bawat pahina ang nagsisilbing personipikasyon sa pagharap ng bawat hamon ng panahon.

Dito, dito at tanging dito nagsisimula at umiinog ang aking mundo mula sa aking mumunting kuwaderno.

16 thoughts on “Ang aking Kuwaderno…

  1. ang kwaderno nga ay bagay na minsa’y naisasantabi tulad ng pagsantabi sa mga ala-ala at gunitang nais kalimutan…maswerte ang tao dahilk may kwadernong nabubuhusan ng dusa at luha nang hindi nababasa…

  2. thanks for the blog..I have about 17 journal/diary as of now nagstart siya 2005 pa..and I will keep it siguro up to my last day..it is my 3rd or 4th time na magsulat sa diary though yung last eh around 2000-2001 at sa aking “galit” eh sinunog ko na..maganda ring may diary as in andun yung mga very personal na hindi ko inilalabas sa aking mga blogs..thanks again and happy writing!

    • wow..nice sharing..akala ko kase ako lang ang nagiisang lalake na mayroong parang diary eh…sayang naman kung sinunog mo..rather kept it para sa mga libreng oras mo nababasa mo un mga nasulat mo dati..then matatawa ka na lang tpos massasabi mo sa sarili mo na “ay nasulat ko pala un ganon”…salamat sa pagdaan..;-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s