Confused?…

Confused bang masasabi yung tipong:

Alam ko naman kasi at sigurado ako na mahal ko siya. Kaya lang hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung masaya nga ba talaga ako. Kung masaya na ako kapag nagkikita kami, magkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari bago kami nagkita, tapos, kakain, matutulog.  Then, kung bakit pakiramdam ko eh, wala naman talagang relevance ang existence ko sa totoo niyang buhay, IMAGINATION ko lang na meron.

Yung tipong parang ayaw niya akong isali, o worse, hindi pa siya aware na may totoo siyang buhay. Masaya na ba talaga ako kasi hindi  masyado na kami nag-aaway? Kasi  masaya na yung mga panahon naming magkasama? Kahit alam kong hanggang dun lang kami ngaun, fun.

Ayoko naman sigurong tanggapin na lang na ganun lang talaga kasi magkaiba na ang mga mundo naming dalawa. Hanggang kelan ko ba hahanapin yung true essence ng relasyong ‘to?

Siguro nga, tanggap ko na na hindi talaga siya. Takot lang akong umayaw. Mahirap kasing umalis at hindi mag-look-back. Hindi ko yata kaya. Andami na kasing nangyari, tumagal na rin kasi. Yung ala nandito pa rin???

Mahirap na para sa’kin alalahanin kung paano buhay ko nung hindi pa siya kasali dun at kung anong magiging buhay ko kapag parte na lang siya ng nakaraan.

Hihintayin ko pa rin ba? Baka na lang mali lang talaga yung panahon para humingi ng meaning. Kasi, nung una naman, bago mabilis na lumipas ang panahon naramdaman ko naman na niyakap niya ang kaluluwa ko nang mahalin niya ako. ….

15 thoughts on “Confused?…

    • Tama isa pa lamang itong malaking prelim…akala ko nga “somebody that i used to know” nga…by golly wow lintik na kanta yan….mainit pa rin ang summer medyo busy busyhan lng sa work wala masyado getaways…How are you doin for now?..

      • ahaha, napamura sya, kainaman… kaya ka baga, susulat-sulat ka ng mga ganitong posts, hehe. eto, namamatay na sa init. maski umuulan na, saksakan pa rin ng init. hindi rin natuloy ang get-away namin nitong weekend. ewan ko lang sa susunod…^^

        hala, pumapag-ibig sa gitna ng kainitan at tikatik na ulan, shaks na buhay ‘yan.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s