Hindi naman parating Okay

Masayahin naman at palabiro akong tao. Masayahin akong nilalang. Sa bawat kibot ko, bawat hikbi at bawat hakbang ay may halong katatawanan. Siguro sadyang napaka optimistiko ko kong tao. Mula sa maliit na butil ng palay hanggang sa dambuhalang bagay ay nagagawan ko raw ng kalokohan. Malakas humirit, malakas bumanat.

Sabi nila bakit daw masayahin akong tao? Simple lang ang sinasagot ko. Kapag Masaya ka parang ang lahat ng bagay sa’yo ang dali-dali, magaan at lumulutang. Kapag masaya ka mas nagagawan mo ng solusyon ang bawat problema. Kapag masaya ka mas nagiging positibo ang mga hinaharap at pananaw mo sa buhay.

Pero minsan naisip ko rin na may mga kahinaan at disadvantages din pala kahit masaya ka sa mga mata ng ibang tao.  Minsan kase kapag may sinabi ka sa kanila akala nila biro pa rin. Sa tingin pa rin nila eh biro pa rin. Na minsan kahit gaano ka na kaseryoso, kase pag oras na kailangan mo sila, or kahit isa man sa kanila, hindi nila malalaman unless nagpaparamdam kang malungkot ka kase nakilala ka nila na MASAYA PALAGI.

Akala sguro nila pag masayahin, agad na “oovercome” yung emotions pag malungkot pero hindi eh. Ang hirap din.

Mahirap sabihin din na seryoso ka na sa tunay mong nararamdaman. Na ipamukha sa kanila na marunong din naman ako magseryoso sa ibang bagay. Wala rin makakisip magtanong kung nasasaktan ka rin. Tao lang din na nadadarang at may mga sentimiyento rin nararamdaman.

Hindi naman dapat laging masaya. Hindi naman sa lahat ng oras ay kelangan nating magpanggap na.. okay tayo. Wag mong lokohin sarili mo. Minsan kelangan nating magpakatotoo sa sarili natin.

Aabot din kasi tayo sa puntong.. di na natin kaya. Nakelangan na nating maglabas ng sama ng loob o bigat na nadarama.. na kelangan na nating umiyak. Okay lang yun. Hindi ibig sabihin nun mahina ka. Lahat tayo may pakiramdam, lahat tayo nahihirapan at nasasaktan. Hindi na masamang magpakatotoo ka sa sarili mo.. kahit papano nakakagaan din ito ng loob.

Magpasaganon pa man. Nasa kanila pa rin un kung paniniwalaan pa rin nila ang ilang mga bagay na  sasabihin ng isang masayahing tao. Gusto ko lang din sana ipamulat sa iilan na ang isang masayahing tao ay marunong rin mag seryoso sa buhay….Haizzzzt…..

5 thoughts on “Hindi naman parating Okay

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s