Taga 96th ka kung…

Taga 96th ka kung:

  • Kilala mo ang mga hunk na sina Bingo, Arudo, Boyet at Kanuto.
  • Sa umaga almusal mo ang lugaw at champorado ni Bright.
  • May mga kubol at pabasa then waiting ka sa karambola kapag “easter”.
  • Sarado ang kalye tuwing may happenings mapa  birthday, lamay or minsan trip lang sinasara na.
  • MInsan ka na rin nasangkot sa away mula sa manansala clans.
  • Ang araw ng inuman ay Thursday.
  • Dito mo natutunan ang gin pine, gin pom, gin kal at boracay.
  • Ang famous tambayan d’Bakery.
  • Nasubukan mo rin sumali sa SPES pag summer at mga liga tuwing summer.
  • Hindi na dugo ang nasa katawan mo kundi “alak”.
  • Karamihan sa mga nakatira ay “kapampangan”.
  • Walang buwan sa kalendaryo na may dumarating na balikbayan.
  • Sisilip ka sa bakery kung may tambay, pag wala uwi uli sa bahay.
  • Alerto ka sa mobil dahil may phobia ka sa bagansiya.
  • Nasubukan mo na magbigay ng handa niyo sa mga nagpapabunot ng sisiw at itik pati mga nagpapa color game kapag fiesta.
  • Of course ang “Outlawz 096”
  • Kilala mo si “ate elsie” at tuwing 9 ng umaga umaatend ka ng bible study.
  • Walang chismis na hindi mo rin alam.
  • Nasubukan mo nang kumain ng 2 piso na kanin na may sabaw ni aling marga.
  • Natikman mo na ang refreshing na saging con yelo ni aling puring tapos hihirit ka pa ng maraming yelo.

Ito nga pala ang lugar kung saan namulat sapul ng aking pagkabata. Hanggang sa magpahanggang ngayon, marami na ang nagbago at nag-iba pero iilan lang yan sa mga kasaysayan at alaalang kinamulatan simula ng aking pagkabata….

Kaya kung taga 96th ka talaga siguro alam mo ang mga bagay na ito …..

5 thoughts on “Taga 96th ka kung…

  1. gusto ko ‘to, isa ito sa pinakagusto ko sa mga naisulat mo. actually, pwede pa syang i-develop later on into a full essay or a short story – pag may time at inclination ka, siguro…^^

    natuwa ako sa dalawang pisong kanin na may sabaw, ahaha. di ko pa nasubukan ‘yan pero gusto kong gawin, ahaha. kaso, limang piso na ngayon ang half rice, shaks lang!

    sakaling magkita tayo balang araw, kakain tayo sa carinderia sa tabi-tabi, ha. para malaman mong parang construction worker lang akong kumain, ahaha… cheers!🙂

    • @saliw-salamat. Dapat kase sana in form of essay ko sya gagawin kaso medyo off ako magisip kung paano ko sisumulan. So medyo ginawa ko lang siyang descriptive form…salamat sa suggestion. Totoo un 2 pesos lang kanin dto sa amin then sasabawan lang kase un sabaw may halo kaunting laman kaya solb ka na…..kung sakali nga magkita tayo, mag foodtrip tyo sa tabi tabi, dto sa amin guadlupe maraming “mura na, masarap na at dirty pa”….hehehe..chill po sa iyo!😉

  2. ahaha, girl kanin ako, baka mapasubo ka. one and a half rice ang ino-order ko, madalas, haha. ah, dyaan ka pala banda. may years na napadalas ang punta ko ryan, nagri-research ako no’n sa libraries ng DOE, PNOC at isa pang opisina dyan banda. medyo mukhang prairie pa yong cluster na ‘yon dati, haha. shuttle pa lang ang sakayan noon… medyo iba na yata ngayon. :c

    btw, naaliw ako do’n sa dirty, ahihi. hello!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s