Pamamaalam

Pamamaalam sa isang pag ibig na kailan man na hindi na maaring mangyari pa.

 Alam mo, hindi ko mawari at di maintindihan kung anong nangyare? Paano at bakit humantong tayo sa ganito- hindi na pagkikita, madalang na pag-uusap at malumay na komunikasyon. Tila baga isang kastilyong buhangin sa dalampasigan na tinangay ng alon ang nangyari sa atin…

Pero ulit, meron nga bang “tayo” na nasimulan?…Magkaibigan lang tayo nuon, na parehas lang katatapos mula sa bigong relasyon. Pero kung ano man tayo nuon ay walang pormal na pag-uusap, walang salitang “oo”, walang napagkasunduang “tayo”. Sadyang mapaglaro lang ang ating mga utak kakambal ng ating mga nagsusumidhing damdamin.

 Pero kahit hindi ko man sabihin…Minahal kita ng buong puso ko at magpasahanggang ngayon, pero nakakapagod na. Pagod na ang puso kong lumaban sa isang pag-ibig na namuhay ng sandali..namuhay sa aalala na tanging espesyal lang ay sa kin…

 Pero magpasagayun pa man. Salamat na rin sa lahat lahat…sa pagpapahalaga kung gaano kahalaga ang buhay.. sa pagpapakita na kaya mo rin mahalin ang isang taong katulad ko…Sa pagtuturo mo sa kin kung paano ko maunawaan na kung sino pa ang minahal mo ay siya rin ang magiiwan ng kirot sa puso mo..at kapag ika’y nasaktan, posible ka pa rin magpatawad, kalimutan ang lahat at ihakbang ang mga paa sa sa susunod na baytang. Salamat sa pagpapaunawa na na maari ka pa rin magtiwala matapos ang isang bigong pag-ibig.

Salamat sa pagdulot mo sa akin ng pinakamasakit na aral sa buhay…ang magmahal sa isang tao na binigyan mo ng pagkakataon para lang ikay masaktan, na kung gaano mo siya minamahal ay ganoon din ka rin nasasaktan, na habang patuloy kang nagmamahal ay patuloy ka rin nasasaktan.

Salamat sa pagtanggap ng buong buo kasabay ng pagusbong ng aking pagkatao..sa pagbibigay ng inspirasyon kung paano magpakatao at kung paano ang maging Tao. Salamat sa mga balikat na naging dantay ko sa tuwing akoy nalulumbay. sa tuwing kailangan kita- mula sa kalokohan hanggang sa seryosong usapan. Salamat sa dulot mong tuwa, ngiti at iyak. Salamat sa mga haplos ng iyong kamay, sa mga panahong magkahawak at nagsasabing hindi ako nag-iisa. Salamat sa mga yakap at pagpunas ng mga luha sa tuwing ako’y nanghihina at nalulumbay, sa walang patumanggang pagmamalasakit at pagpapadama na kaya kong ibangon sa sarili sa tuwing ako’y nalulugmok. Salamat sa mga araw na ikaw lang ang kasama at sa mga gabing ikaw lang ang kapiling.

 Ipagpaumanhin mo kung ang mga bagay ay humantong sa ganito. Hindi naman talaga sana dapat na mahulog ang loob ko sa isang katulad mo. Na wala naman talga akong dapat asahan sa silakbo ng ating mga damdamin. Pero kahit na alam kong masakit, Ako’y labis paring natutuwa sa panahong nakilala kita. Ang maging” bahagi ka” ng magulong buhay ko sa maigsing sandali. Sabi nga nila na “Ang lahat ng bagay ay may katapusan” pero paano ko tatapusin kung hindi man natin alam kung saan tayo nagsimula. Isang bagay na akmang akma para sa atin.

 Marapat kung tanggapin na hindi ka parin malalayo sa aking isipan. Na ang isipin kang muli ang magdudulot muli ng kalungkutan at panghihinayang. Huwag mo akong alalahanin. Ayos na ako sa ngayon. Magiging panatag din ako. Ang magmahal muli ay kailangan ng mahabang panahon. Sa ngayon, mas nais ko munang maghilom ang mga sugat, pagtagpi tagpiin ang mga napunit kong sarili para kung sakali man dumating babaeng nararapat sa akin, Maibibigay ko ng buong buo aking puso at walang pagpapanggap ang aking sariling iaalay sa kanya ang hindi ko naibigay sa iyo nuon. :( sad

6 thoughts on “Pamamaalam

  1. hello, myr,

    ang husay mo laging mag-narrate ng mapapait na karanasan sa pagmamahal na laging may optimism sa bandang dulo. maigi ka pa,sa panulat man lang ay kaya mong mamaalam, selyuhan ang tapos na at sa gayo’y makapag-umpisang tumulak muli… ako, hindi ko yata nagawang isulat ang mga ganyan. kung may naisusulat man ako’y fictions, mga habi lamang.

    sana nga ay gumaling na ang damdamin mong dating nanlumo… cheers!🙂

    • @salingawit-salamat. sa bawat pait na nararanasan sa buhay.ano mang bigat? gaano man kalawak ang saklaw dapat ay maging positibo sa hiniharap. Alam ko kaya mo rin sumulat or kung di man ay isabuhay ang bawat optimistikong pananaw sa buhay…cheers girl..;-)

      • hello, myr,

        oo. laging makakatulong ang positibong attitude, sa pag-ibig man o sa iba pa… ^^

        btw, do’n sa pagkasabi mong “paano at bakit tayo humantong sa ganito,” dama ko ‘yon. yon bang dumarating sa point na frustrating, may letdown ang isang ugnayang nag-umpisa sa maganda at stable grounds.

        pag napag-uusapan, mas okey. pag hindi at sa sarili mo na lang naitatanong ang gano’n, doon mahirap. it could be difficult to get out pero kamo naman nga, dumarating sa point na kaya na rin. na nararamdaman mong pinalaya ka na – noong tao at ng damdamin mo, ‘ika nga…

        cheers to you, too!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s