May pag-asa pa.

Medyo malayo layo na ring panahon ang inilagak ko sa mundong ibabaw. Hindi na ako isang bisirong nanginginain sa parang, na tila walang kapapaguran sa mga nagaganap sa kapaligiran. Marami-rami na rin akong napagdaanan … mga pagsubok sa nakalipas na panahon, na naging tuntungan ko at ng marami pa, upang patuloy na umasa, patuloy na magtiwala, na, sa kabila ng lahat, ay may pinilakang alapaap na nagkukubli sa likod ng madidilim na ulap ng pagkabigo at pagkasiphayo ng tigib ng pag-asang mga pangarap sa panahong lumipas.

Inaamin ko … minsan na rin akong nalugmok at nadapa. Masahol pa sa isang paralatikong na stroke  ang pinagdadaanan ko. Mabigat ang aking damdamin sa mga pasakit na hatid ng mga pagsubok  nagaganap na tila naganap sa aking buhay …

Lahat tayo ay nagdadaan sa iba-ibang uri ng pagsubok at pagkakalubak. Lahat tayo ay nagkakaproblema. Iba’t iba nga lang ang lebel.. Lahat tayo ay nanghihinawa, napapagod, nawawalan kung minsan ng pag-asa, at nanlulumo sa kawalan ng kaluguran sa ating pamumuhay sa lipunan nating punong-puno ng balakid at suliranin.  Minsan naitatanong ko na lang:

Hindi ko talaga maunawaan ang buhay. Hindi ko talaga maintidihan kung bakit sa ganitong paraan ako tinatrato nito. Ewan ko nga ba pero para sa akin may mga pagkakataong mas masarap pa talagang mag-isa na lamang at paganahin ang pantasya at mangarap kaysa sa ganap na harapin ang tunay na buhay sa labas kasama ang mga taong hindi ko rin naman maunawaan kung bakit gaya ko ay patuloy pa ring nakikipagsapalaran sa buhay.

Ewan ko nga ba kung bakit tila baga napakarami ko pa talagang hindi nauunawaan sa buhay gayong sa pagkakaalam ko’y marami na rin naman akong napagdaanan at malayu-layo na rin naman ang aking natahak. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit tila baga para sa akin mas madalas pang mangyari sa buhay ko ang mga bagay na hindi ko naman talaga hinagilap pangarapin kaysa sa mga bagay na sadyang hiniling kong mangyari sa totoo kong buhay. Hindi ko talaga lubos maintidihan kung bakit wari’y matalinhagang paglalakbay ang aking tinatahak sa buhay. Na wari’y sa bawat hakbang na aking ginagawa’y may tumatarak na tinik sa akin na ang kirot ay animo’y hindi na kailanman mapapatid pa at sadya na lamang unti-unting kikitil sa aking pagkatao.  “Likas lang bang ganito ang buhay?”

Nakapanghihinayang tanggapin ang tila isa nang katotohanan na mabubuhay na lamang nga ako sa mga pangarap nuon.

Ayaw ko mang mangyari subalit wala akong magawa. Isa lamang mahinang pwersa ang taglay kong lakas kumpara sa higanteng lakas ng buhay kung kaya’t ibigay ko man ang lahat ko, ang buhay ay patuloy pa ring magwawagi, patuloy na tatawa sa aking pagkatalo. Muling ilulugmok ang aking mga pangarap kasama ang nakahandusay at humahagulhol kong sarili. Maiiwan na naman ako sa kawala. Muling tatangkaing bumangon at hihingi na naman ng liwanag mula sa itaas upang muling mabigyang lakas. Muling bubuo ng panibagong pangarap..

Yan ang mga himutok ko noon. Mga hinagpis at panaghoy.

Pero ang lahat ng iyon ay nagbago.  Lahat ay nag-iba simula ng mahaplos at mabanaag na mayroon pa talagang pag-asa.

Ngayon. Magtatangka  na namang makibaka laban sa buhay, upang sa huli’y hindi na muling mabigo. Muli na naman ako tatanggap ng premyo ng pisngi ng tropeyo.

Punung-puno ng buhay, pag-asa at ligaya. Walang naghahari kundi ang pag-ibig ko sa Kanya. Sa Kanya, ako ang wagi laban sa buhay. Sa Kanya, walang pait at sakit, walang luha at hinagpis, walang poot at pagkabigo.

Sa Kanya umiinog ang buhay, Siya ang buhay. Sa Kanya malapalasyo ang pugad ng katiwasayan at kagalakan.. Walang sulok sa lugar na iyon na balot ng dilim, lahat naiilawan ng katotohanan…

 Pinahihina man tayo ng problema at takbo ng panahon. Sa mga ganitong pagkakataon, ang pagbubulay bulay sa Kanyang kadakilaan ang sustansiyang ating kailangan..

7 thoughts on “May pag-asa pa.

  1. tama ka sa iyong tinuran, ang pagninilay-nilay ay isang magandang hakbang upang maanalis at maparam ang bugso ng emosyon na nararamdaman. ako man ay nakakaramdam din ng pagkahapo at kalungkutan dala ng problema. pero dahil sa panahong ako’y nag-iisa at nakakatanggap ng mahuhusay na payo mula sa bibliya at pagdarasal gayon din mula sa mga kaibigan, kahit masakit pa ay unti-unting humuhupa ang anumang negatibong damdaming tumubo sa aking puso.

    sa bagay bawat buhay naman may phase. alangan namang puro gap at commercials di ba?

    • Isang malaking check..kanya kanyang phase lang talaga yan..Its for you on how to handle and face all of it..Salamat napagbubulaybulayan mo rin ang Kanyang mga aral. Aaminin ko hindi ako ganon ka relihiyoso or ka panatiko pero ang pananampalatay natin sa Kanyang ang naguugnay sa akin…God bless u parate!😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s